Chapter 47: Diane's secrets

12 0 0
                                    

Nakatingin pa rin ako sa pinto kahit wala na si Rafael doon. Ang galit na nagmumula sa kanya puso ay napakabigat. Tumayo ako at tumingin sa bintana. Kung ako ba ang nasa posisyon niya ano ba talaga ang magagawa ko sa ganitong sitwasyon?

Ang nag-iisang kapatid niya namatay tapos malalaman na lang niyang hindi aksidente ang lahat. Am I going to feel wrath?

Pumikit ako at ang mukha ni ate Diane ang na isip ko. Nakataas ang kilay habang pulang-pula ang mukha. Ang mga salita niya na tagos hanggang buto. Napalunok ako at dumilat. I fully understand Rafael, but differently. Anger gives a hole in someone's heart, but why can't I let myself feel this? Am I not normal?

Ngumiti ako ng mapait at naglakad palabas ng silid. Tahimik na sa baba. Maingat ang mga hakbang ko sa hagdan upang hindi makagawa ng ingay. Nakarating ako sa sala ng tahimik ngunit na estatwa ako sa nakita. Si Rafael nakahiga sa sofa. Akmang tatalikod na ko ng may humila sakin sa kusina. Tinulak ko ito at kunot noo akong tumingin kay Matt. 

"Bakit ka ba naghihila?!" Nakapamewang kong sabi.

"Huwag kang maingay," bulong niya. 

"Ano ba kasi yun?"

"Si Rafael lasing." Sagot niya at kumuha ng baso. Kinuha niya ang pitsel at sinalinan ang baso ng tubig. Uminom siya at umiling. "Pagod na ko. Gusto ko nang magpahinga kaya kung hindi ka pa inaantok pwede ikaw munang magbantay sa kanya."

"Bakit ako? Alam mo naman—"

"I know what he feels about you." Putol niya sa sasabihin ko.

"Feels?" Tanong ko sa kanya.

"Fury," tipid niyang sagot at nilampasan lang ako sa pinto. Dumiretso siya sa silid niya bago pa ko makapag-react sa sinabi niya. Naisahan na naman niya ako. Kumuha na lang ako ng malamig na tubig sa refrigerator at huminga ng malalim. Tulog si Rafael kaya wala dapat akong ipag-alala o ikatakot. Hinila ko ang upuan at umupo muna sa tapat ng mesa. Ilang minuto pa lang akong nakaupo narinig ko na ang sigaw ni Rafael. Tumayo ako at naglakad palabas ng kusina. Patuloy pa rin ang sigaw niya pero hindi ko maintindihan. Naglakas loob akong lumapit sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin na tulog siya habang nagsasalita.

"Bakit nagpakalasing siya?" bulong ko habang dahan-dahang umupo sa katapat na silya.

Tumahimik na siya at pumihit paharap sakin. Ang haba pala ng pilikmata niya. Hindi ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa kanya ng biglang gumalaw siya muli. Tumayo ako at nagtago sa likod ng upuan. Ano bang ginagawa ko? Yumuko ako at sinilip siya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Gisingin ko na lang si Matt o kaya kuhanan ko na lang ng kumot si Rafael. Tumingin ako muli sa kanya bago umakyat sa taas. Maingat ako habang pahakbang sa hagdan. Nang marating ko ang taas nagmadali ako sa kwarto niya. Mas madali kumuha ng  kumot kaysa istorbihin ko pa si Matt. Huminto ako sa harap ng pinto ni Rafael at nag-alangang buksan ito. Last time na pumasok ako dito nasaktan ako sa nakita ko sa laptop niya pero alam ko naman na wala akong karapatan. Bahala na nga. Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa kama niya. Hinila ko ang kumot at may nahulog na mga larawan. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Umupo ako sa sahig at pinulot ang mga ito.

"Si Rafael ang kumuha ng mga larawan ko may kasamang iba't ibang lalaki," Kinuha ko lahat at nilagay sa side table. Siguradong malalaman niya kapag kinuha ko ito. Tinupi ko na lang ang kumot at lumabas na ng silid niya. Kumabog ng malakas ang puso ko ng makita wala na siya sa sofa. Nagising na siya. 

"Why are you holding my blanket?" his husky voice gives quivers to my body. 

"Nakita..." Tumikhim ako at nagpatuloy, "Nakita ko kasi nilalamig ka dito. Bilin ni Matt na bantayan kita."

"Next time, don't go into my room without my permission." Walang gana sabi niya at hinablot ang kumot sa kamay ko. "Prepare me food. Gutom na ko." Diretso nitong sabi at prenteng umupo sa sofa. 

Tumalikod na lang ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang kalan at ininit ang luto ni Matt kanina. Nilagay ko sa mangkong at dinala sa dining table. Kumuha na rin ako ng plato ng kanin at plato niya. Sinunod ko naman ang kubyertos at baso. Saktong matapos ang pag-ayos ko sa mesa ng pumasok si Rafael.

Hinila niya ang upuan at nagsimulang kumain. "Do you know someone named Macky?" Namilog ang mata ko sa narinig. "Bakit hindi makasagot? Natatakot ka para sa kanya! What else is your secret, Diane?" Napatitig ako sa kanya. Walang galit at blangko ang mukha niya.

Paano niya nalaman ang tungkol kay Macky? Tama siya. Isa ito sa mga sekreto ni ate Diane kay James. She indeed cheated on James. 

"I am right." tipid nitong sagot at uminom ng tubig. "Clean this mess." Tumayo na siya at umalis. Halos tatlong subo lang ang kinain niya. Kung alam na niya ang tungkol kay Macky bakit wala lang sa kanya? 

Umiling na lang ako at nilinis ang mesa at naghugas ng plato. Pagkatapos umakyat na ko sa silid. Pagtingin ko sa oras saktong alas syete na ng gabi. Siguro makakatulog na ko nito. Humiga na ko sa kama ng marinig ang ingay sa baba. Binuksan ko ang pinto ko at sumilip sa baba. Hindi pa ako nakakalapit sa hagdan ng marinig ang boses ni Matt.

"Are you sure about that man?"

"Macky Cruz ang pangalan ng sinabi ng imbestigador." Sagot ni Rafael.

Tumikhim si Matt. "Kung siya ang boyfriend ni Diane bakit hindi niya hinahanap ito? Examine the pictures. Macky looks happy. He is not even worried that his girlfriend was missing."

"You're right, and it only means one thing...." Pigil kong hininga inabangan ang kadugtong ng sasabihin niya. "Nakakarma na si Diane. Pinagpalit niya ang kuya ko sa walang kwentang lalaki." Napasinghap ako sa sagot niya.

Yun talaga ang naisip niya. Hindi ba pwede nagkamali sila ng dinukot at hindi ako si ate Diane! Naiinis akong pumasok sa loob ng silid. Kaya pala hindi siya galit kanina. Napalakas ang sara ko sa pinto. 

"Sana hindi nila narinig," bulong ko sa sarili. Nanlaki ang mata ko. Kung may imbestigador na kinuha si Rafael, bakit hindi pa rin niya malaman ang totoo?

Lalong nagugulo ang lahat. Ano pa ba ang mga sikreto mo ate Diane? May alam kaya si James tungkol kay Macky bago siya naaksidente? Noong una akala ko madali lang malaman ang lahat pero mali pala ako. Habang tumatagal ako dito kasama si Rafael, marami akong nalalaman na lalong nakakagulo ng lahat. Napahinto ako ng marinig ang mabilis na yabag.

"Tapos na siguro silang mag-usap ni Matt." Nasambit ko sa sarili. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Pagsilip ko madilim na sa hallway. Hinila ko na muli ang pinto pero hindi ito masara. Yumuko ako at nagulat sa nakakalso dito. Kanino lumang papel ito?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon