Chapter 45: Facing the Present

14 0 0
                                    

"Masyado na kitang naabala baka magalit sayo si Rafael. Sige na puntahan mo na siya sa baba." Umiwas ng tingin si Ginang Letisha habang nanginginig ang kamay. 

Humakbang ako malapit sa kanya at ginaya siya sa kanyang kama. "Magpahinga na muna po kayo. Tatawagin ko na lang po si Rica." Tumango siya at sumandal sa kama. Tumalikod na ako at pahakbang sa pinto nang may maalala. "Alam ko po na wala ako sa posisyon na sabihin ito pero..." Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya sa mga mata. "Gaya po ng mga bulaklak na daisies inosente at dalisay po kayo. Wala kayo kasalanan sa nangyari noon kaya huwag niyo pong parusahan ang sarili niyo." Binuka niya ang bibig pero hindi nagsalita. Tumikhim ako at nagpatuloy. "Isa po kayong ina at hindi ko alam kong gaano kasakit mawalan ng anak pero sa tingin ko po.... Mahihirapan po ang anak niyo kong nararamdaman niya ang pighati niyo." 

Umiling siya at pumikit. "Sana nasa mabuting kalagayan siya." bulong niya sa hangin. 

"I hope you can face the present." bulong ko at tumalikod na. Nasalubong si Rica sa labas ng pinto. "Mukhang nanghihina pa si Ginang Letisha."

"Huwag kang magalala akong bahala sa kanya. Mag-ingat ka." Ngumiti ako at niyakap siya.

"Sige una ko." Tumango lang siya at pumasok na sa loob. Pababa na ako sa hagdan ng marinig ang boses ni Rafael at Monica. "Akala ko bang pagod siya!" Inis kong sabi habang pababa ako.

"What did you do upstairs?" Tumirik ang mga mata ni Monica at napatingin ako sa bagong trim niyang mga kuko. Napalunok ako at kinalma ang sarili.

"Kinausap lang ako ni Ginang Letisha." Nakayuko kong sabi.

"Aalis na kami Monica. I will fetch you tomorrow." Niyakap ni Rafael si Monica at ngumisi naman ito. Wow! Ang bilis mag-iba ng hangin. Mabilis ang mga yabag kong lumabas at hindi na hinintay si Rafael.

"Anong itsura yan? Did you see a monster?" Nakangiting tanong ni Matt na prenteng nakatayo sa itim na van. Pareho din sila ng amo niya! Mabilis mag-iba ang ihip ng hangin. Noong isang araw lang kung makapagsungit siya wagas tapos ngayon ngbibiro pa habang nakangiti. 

"Wala." Tumango lang siya sa sagot ko at binuksan ang sasakyan. Sumakay na ko bago ko pa makita ang paglinta ni Monica kay Rafael hanggang pinto ng bahay nila.

Narinig ko pang ang malambing na may landing boses ni Monica, "See you later, Babe!" Tinakpan ko na lang ang tainga ko para di marinig ang isasagot ni Rafael. Hindi kaya siya nagsasawa. Laging silang naghihiwalay tapos okay na naman sila ulit. Ang mga salitang niya ay bumalik sa akin isipan. He doesn't like or love Monica and he is playing around. Sinungaling! Nanggigigil kong nilamutak ang maliit na unan sa gilid ng upuan. 

"Diane!" Napatingin ako sa rearview mirror. Kunot ang noo ni Matt at umiling sakin. Nag-peace sign ako at nilagay sa gilid ang asul na unan. Ang bilis ng beast mode. Tumingin na lang ako sa bintana at sa wakas naglalakad na papunta sa sasakyan si Rafael. 

"Let's go!" Sabi nito kay Matt at binuksan ang pinto sa tabi ko. Tiningnan niya ko ng masama. "Are you not going to move?" Mabilis akong umusog at iniwas ang tingin sa kanya. 

Pinaandar ni Matt ang van at tahimik na sa loob ng sasakyan. Nasinghap ko ang amoy fresh na damo. May daisy ba dito? Tumingin ako sa harap at likod. Wala naman. Akmang haharap ako sa gilid ko ng magtama ang kamay namin ni Rafael. Lumunok ako at hindi gumagalaw.

"Give it to me." Utos niya. Anong ibibigay ko sa kanya? Pumihit ako paharap sa kanya at nakita ang palad niya. Anong ang hinihingi niya? Handshake? O baka makikipag-apir siya? Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Mas safe na handshake na lang. "Anong ginagawa mo?"

"Nakikipag-kamay ka di ba? It means we're okay now." Lakas loob kong sabi. 

Tumawa siya at dumikit sa pwesto ko. "Don't move." He whispered in my ears. It shivers on my spine, and the scents like daisies hit my nostrils. "Gusto ko lang matulog." Bulong niya at kinuha ang unan sa gilid ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Kainis! Ano ang iniisip kong gagawin niya? Umusog na siya sa pwesto niya at nilagay ang unan sa ulo niya. Nakatulala akong nakatingin sa kanyang habang nakapikit. Mukha talaga siyang anghel pagtulog. 

"Baka malusaw yan." Mabilis kong iniwas ang tingin ng mgkomento si Matt. Nanahimik na lang ako sa sulok.

Makalipas ang kalahating minuto nakarating na kami sa bahay ni Rafael. Binuksan ko ang pinto sa kanan ko at bumaba. Pagkatapos bumaba na rin si Matt at humakbang papasok sa pinto. 

"Saglit!" Humarap siya sa akin na nakapamulsa. "Hindi mo ba gigisingin si Sir Rafael?" 

"Kaya mo na yan." Sagot niya at tuluyan ng pumasok sa loob. 

"Matt!" Sigaw ko pero di na siya lumingon. Pumihit ako paharap sa van. Tulog ba talaga si Rafael? Hayaan ko na lang siyang magising. Tumalikod ako at ilang hakbang pa lang pumihit muli ako paharap sa sasakyan. "Bahala na nga." Bulong ko sa sarili.

Binuksan ko ang pinto at nakitang tumaas baba ang dibdib ni Rafael. Mahimbing nga ang tulog niya. Kinalabit ko siya pero hindi man lang nagising. Inulit ko. Wala pa rin. 

"Rafael—este Sir Rafael." Hindi pa rin siya nagigising. Pumasok na ko sa loob ng van at umupo sa tabi niya. "Nandito na tayo sa bahay mo." Gumalaw siya pero hindi nagising. Akmang baba na ko ng yumakap ang kamay niya sa likod. Hindi ako makagalaw at pigil ang hininga. Dahan-dahan kong inangat ang kamay niya at nilagay sa upuan. Bumaba ako ng mabilis pero nauntog naman ako sa pinto. 

"Aray!" Napasigaw ako sa hapdi. Pagtingin ko sa palad ko may dugo. Namutla ako at di makagalaw. 

"Ang ingay mo!" Sigaw ni Rafael sa likod. "Umalis ka sa daanan ko." Gusto ko man igalaw ang paa ko pero di ko magawa. Dumudugo ba ang ulo ko? Tinulak niya ako at natumba ako sa lupa. "What are you—"

"You are bleeding, Diane!" Naputol ang sinasabi niya ng sumigaw si Matt at tumakbo sakin. Tinulungan niya akong makatayo at iginaya sa loob ng bahay. Hindi na ako lumingon pa para tiningnan si Rafael. Sigurado naman wala siyang pakialam sakin. 

Inupo ako ni Matt sa sofa at kumuha ng first aid kit. "Isandal mo ang ulo mo sa sofa." Utos niya pagbalik. Sumunod lang ako at pumikit. Blood gives me lingering fear in my system. I can't think straight. Parte na ito ng buhay ko. Blood and fire are the scariest for me. 

Naramdaman kong nalagyan na niya ng band aid ang sugat ko. Dumilat ako at nakita ang pagkunot ng kanyang noo. "Bakit?"

"Mababaw na sugat lang yan sa gilid ng noo mo pero bakit namumutla ka?" Taka nitong tanong.

"Hindi...gutom lang ako! Magluluto na ko." Tumayo na ko at humakbang ng hilain niya ako paupo. 

"Are you scared of blood?" Lumunok ako at hindi sumagot. "I knew it. You can't face your fear; that is why you can't face your present." Ito ba talaga ang dahilan kung bakit hindi ko kayang harapin ang kasalukuyan dahil sa takot ko sa dugo at apoy?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon