Chapter 19: My Savior

10 0 0
                                    

Ang takot sa aking dibdib ay nadagdagan ng makita ang nagliliyab na kurtina sa may sala. Ang nakaraan na natabunan sa aking alaala pilit bumalik sa aking isipin. Ang kakilakilabot na aking naranasan noong ako ay musmos pa lamang ay unting unting bumabalik. Hindi ako makagalaw habang ang apoy ay lalong lumalaki at nanuyo ang aking lalamunan na walang namutawing salita. Sa ikalawang pagkakataon ang aking buhay ay nasa piligro. Ganoon ba katindi ang aking kasalanan upang ako lagi ay nalalagay sa kapahamakan. Sakit, poot, hinagpis, takot at pagkaawa sa aking sarili ay unti unting nagsilabasan sa aking puso. Hindi ako matatag, mahina ako at pagod na akong magpasensiya pero bakit kailangan humantong muli sa trahedya ang aking buhay.

Mga boses nang humihingi ng tulong ay naririnig ko sa aking tenga. Ang mga salitang lagi paulit ulit sa aking isipan. "Tulong!" Isang bata sa sulok na aking nakikita. Nanginginig at natatakot para sa kanyang buhay. Ang mga halo halong emosyon na hindi niya mawari ko saan niya nakuha. Ang kanyang ina ay wala sa bahay nang biglang nagliyab ang paligid ng sala. Hindi siya naglalaro ng kandila o na kahit anong bagay na pagmulan ng apoy. Ang kwarto ay nagsimulang umusok at unti unti akong napaluha at napasandal sa may pintuan. Ang batang babaeng nasa aking alaala ay walang iba kung hindi ako. Sa kaparehas na posisyon ko noong ako ay bata pa. Ito na talaga ang aking tadhana. Ang mawala sa mundong ito na hindi man lang nararanasan ang kasiyahan at pagmamahal.

"Is there someone inside?" Napatigil ako sa aking pagluha at biglang kumabog ang aking puso. Huminga ako ng malalim at handang sumigaw ng biglang natumba sa akin ang kahoy na nasunog sa kisame. Nanghihina akong natumba sa sahig at pilit gumalaw nang biglang nagbukas ang pinto. Isang lalaki na matikas at may nakakatunaw na tingin ang aking nakita at nasabing kong, "My savior," bago ako'y tuluyan mawalan ng malay.

Ang mga sunod sunod na yabag sa labas at mga sigawan ng tao ang nagpamulat sa aking mata. Isang kwarto na napapalibutan ng puti at napakaliwanag na ilaw ang aking nakita.

"There is an infection on her left leg. Did you see any sharp object in the room when you check her?" Someone with a deep voice asked. Patuloy pa rin ang pagproseso ko sa nangyari at hindi malaman kong asan ako.

"I am not sure since—"

"Michaela este Diane!" nagsisigaw na sabi ng babae na maliit at humahagulgol. Napakunot ang aking noo at hindi ko maipinta ang itsura niya. "May amnesia po ba siya Doc?" Biglang tayo ni Rica at lumapit sa lalaking nakasalamin at may puting jacket na suot.

"Wala siya iha. Kailangan niya lang magpahinga baka na trauma siya sa nangyari." sagot nito. Trauma? Mukha nga hindi na ako makaka-recover sa ganitong insidente. Hindi ko gusto ang apoy lalo na ang kwartong puno ng usok at nagbabagang silid.

"Pero bakit hindi po siya makapagsalita?" tanong muli ni Rica.

"Tama na iyang pangungulit mo sa doktor." sabat ni Matt. Napapitlag ako ng maalala ang lalaking tumulong sa akin sa loob ng kubo. Si Matt ang savior ko. Sumandal ako at ngumiti sa kanila. Kahit man lang sa simpleng assurance ko sa kanila na okay na ako. Hindi pa rin pala ako mawawala sa mundong ito at may chance pang maranasan ko ang pagmamahal. Magsasalita pa sana si Rica nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Rafael. Ang tibok ng aking puso ay bumilis at parang ano mang oras ito ay tatalon sa labas. Lumapit siya sa akin at iniwas ko ang aking tingin. Nagalala ba siya sa akin. Magtatanong ba siya kung ayos lang ako. Yayakapin ba niya ako.

"What the hell did you do?" Nagpanting ang tainga ko sa lakas ng kanyang sigaw.

"Hindi pwedeng i-stress ang pasyente." Lumapit sa amin ang Doctor at tumango siya kay Matt at Rica. Hinila nila si Rafael sa labas. Huminga ako ng maluwag ng makalabas na sila.

"Iha, kailangan kong malaman ang background mo."

"Ano ang ibig niyong sabihin, Doc?" pagtataka kong tanong sa kanya.

"When we check on you and the reaction of your body. We found something unusual." Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Did you experience the same thing before?" Napaluha ako at ang mga sunod sunod na pangyayari bumalik sa aking alaala.

Sampung taon gulang ako noon ng lumipat kami ng tirahan ng aking ina, dahil nabaon kami ng utang sa dati naming tinutuluyan. Lagi niya akong iniiwan dahil naghahanap siya ng trabaho hanggang isang araw paggising ko wala na siya sa maliit na tirahan namin. Tinignan ko ang tinapay sa mesa at kinain ito. Naglaro lamang ako ng barbie doll ko na nakuha ko sa labas ng kalye. Habang ako ay naglalaro biglang may nagliyab sa sala. Tumakbo ako dito at nakita ang nagliliyab na kurtina. Hindi ako makagalaw hanggang umusok na sa paligid at nagsisigawan ang mga tao sa labas. Patuloy ako sa pag-iyak at pumunta sa isang sulok.

"Iha, kailangan mong labanan ang iyong takot." Napatingin ako sa Doctor at naramdaman ang likido sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ng maalala ang mga trahedyang iyon.

"Ayos na ako," sagot ko at pilit na ngumiti.

"Buti na lang at agad kang nadala dito ni Rafael. He also gets burned on his polo shirt and pants. Good thing he only has minor burns." Napakagat ako sa aking labi sa narinig.

"Si Rafael po ang nagdala sa akin rito?" pagtataka kong tanong.

"Oo, ang tigas nga ng ulo ng batang iyon. Inaway niya pa ang mga nurse na naggagamot sa kanya dahil nagpupumilit siyang puntahan ka dito. Kumalma lang siya ng sinabi kong ligtas ka na at nag-inject kami sa kanya ng pampatulog upang magamot siya ng maayos." sagot ng Doctor habang tumatawa. "Mahal ka talaga ng kasintahan mo."

"Hindi ko po siya boyfriend. Amo ko po siya," sagot ko sa Doctor hindi para malaman niya kung hindi para kumbinsihin ko ang aking sarili na huwag ng magpantasya kay Rafael. Ayaw kong bigyan ng kahit anong ideya ang aking pag-iisip na magkakaroon ng chance na mahalin ako ni Rafael. It is a big NO! Huminga ako ng malalim at nagpasalamat sa Doctor. Paglabas niya ng silid humiga akong muli. Hinding hindi na ako magpapabitag kay Rafael. At tanging misyon ko na lamang na dapat tapusin ay kung ano ba talagang nangyari kay James Jones. Bumukas ang pinto at pumasok si Rafael. Dumagundong na naman ang aking mundo. Kaya ko ba talagang pigilan ang aking puso?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon