Chapter 75: Five years had passed.

10 0 0
                                    

Hindi ko ubod akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Nakangiti ang mama at papa ko habang nagtatago sa likod ng puno. Akala ko noon hindi na muli silang magkakaayos pero heto ngayon, masaya na muli kami bilang isang buong pamilya. Ngumiti ako hanggang nakita ko ang batang bersyon ni Rafael. Kahit wala na akong narinig tungkol sa kanya umaasa pa rin akong balang araw makikita niya ang anak namin.

"Granny, I can see you," Matunog na tawa ang binitawan ng aking anak na si Raffaello. Umiling ako. Kung gaano kasungit si Rafael ganon naman ang kabaligtaran ng anak namin. Masayahin siya pero sobrang pilyo. "Mommy! I caught lolo and lola," Masaya niyang sabi habang tumatakbo papunta sakin. Ngumiti ako at niyakap siya.

"Are you hungry?" Tumango siya. 

"I want fried chicken!" sigaw niya habang lumulundag.

"Nakakapagod nang makipaglaro sa apo natin ngayon," bulong ng papa ko sa mama ko pero rinig namin ang mga reklamo niya.

"Lolo!" maktol sabi ni Raffaello. 

"Raffy, don't shout to your lolo," saway ko sa kanya.

"Sorry," Nag-pout siya at kumurap kurap. Imbes na magalit ako tumawa na lang ako at iniabot sa kanya ang fried chicken na nasa mesa.

"Don’t worry, apo. Mag-eexercise si lolo para next time aakyat naman tayo ng puno," sagot ng papa ko.

"Pa!"

"Hon!" Sabay pa kaming napasigaw ni mama. Humarap siya samin at kumindat. 

"Talaga, Lolo? Perhaps you are just trying to make me smile. You're lying." Sumimangot ang papa ko. Hindi madaling makumbinsi si Raffy lalo na pagdating sa mga pangako. Napagod na siya dahil sa mga pangakong hindi ko pa rin natutupad. Gustong-gusto niyang makilala ang kanyang ama pero lagi kong sinasabi na nasa US siya at babalik rin. Tumingin ako sa langit at pumikit. Babalik ka pa kaya Rafael? Magkakaroon ba tayo ng pagkakataon na makapag-usap? Dumilat ako ng maramdam ang maliit na kamay na humawak sa kamay ko. 

"Mommy, don't overthink. I'm happy to be with you. I won't ask about my father anymore." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "I am five years old now. I will always protect you and don't need my father. You, lolo, and lola will be enough."

"How sweet is our baby boy, but why is Tito Lance not included?" Biglang sumulpot si Lance sa harap namin na may dala-dalang malaking gift. Tumakbo naman agad si Raffy sa kanya.

"Of course! You are the most special one!" sigaw niya kay Lance. Umiling na lang ako. Ang bilis talaga ng mga bata kapag may nakitang regalo. "What is this?" Binitawan niya ang plato na may fried chicken sa mesa at kinarga siya ni Lance.

"It is for you. Happy Birthday, Ello!" Hinalikan ni Lance si Raffy sa ulo pero sumimangot ito at bumaba sa kanya. "Why?"

"Why do you keep calling me Ello? Call me Raffy, Tito," reklamo niya rito habang nakanguso pa. Sumimangot naman si Lance. He never wanted to call him Raffy kasi naalala niya ang mga mapapait na naranasan ko dahil kay Rafael. 

"Since it is your birthday, I will call you, big boy!" Hindi na muling nagreklamo ang anak ko at yumakap na lang kay Lance. Naglaro pa silang mag-tito.

"Wala talagang kapaguran ang anak mo," bulong ng mama ko.

"Oo nga po. Kayo ma, hindi pa gutom?" tanong ko sa kanya habang umuupo siya sa may mesa.

"May hinihintay pa tayo. Malapit na raw sila," Kunot noo ko siyang tinignan. 

"Sinong sila? May inimbitahan pa kayo?" taka kong tanong. Bago pa siya makasagot narinig na namin ang ingay ng paghinto ng kotse sa labas. Naglakad ako papunta sa gate habang nauna na ang guard namin dito. 

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon