Chapter 24: The Story Behind

11 0 0
                                    

Hindi kumibo si Rafael, bagkus hinila niya ako papasok sa kubo. Binitawan niya ako pagpasok namin sa loob. Ang mga mata niya ay nakatuon lamang sakin at para ba akong hinubaran sa kanyang mga titig. Napapitlag ako sa aking iniisip at pumunta na lang sa kusina upang uminom. Nanginginig kong tinungga ang tubig at unti-unting rehistro sa aking isipan ang aking nagawa. Mga pagkakataon na hindi ko mawaksi at ma-ipagkaila sa aking sarili. 

"Can we talk?" Nagulat ako sa pagsasalita ni Rafael.

"Para saan pa?" Pilit kong tinatago ang aking pag-alarma sa presensya niya. Lumapit siya sakin at mabilis naman akong naglakad pabalik sa sala. "Wala tayong dapat pag-usapan,"

"Meron. Bakit hindi mo na lang aminin ang nagawa mo sa kuya ko para matapos na ang kahibangan ko." Nagulat ako sa diretsong niyang pahayag. 

"Wala naman talaga akong ginawa sa kuya mo," diin ko.

Pagkaharap ko sa kanya nagdidilim na naman ang kanyang aura na nakakakilabot. "Huwag kang—"

"Enough!" sigaw nito na nakataas ang kanang kamay at hinampas niya ang pader. "Hindi ka talaga mapa-pakiusapan, Diane. Ang tigas ng puso mo! Hindi mo man lang ba minahal ang kuya ko?" sita nito.

Akmang sasagot ako nang biglang  mabilis niya akong hinila papunta sa pintuan sa likod. Dire-diretso kami sa masukal na mga puno at matataas na damo. Pilit kong hinihila ang aking kamay pero masyadong siyang malakas kumpara sakin.

"Ang sakit na!" Protesta ko sa kanya. Binitawan niya ako ng makarating kami sa lugar na maraming matataas na acacia at mga talahib na nakapaligid sa amin. Napayakap ako sa sarili at biglang dumagundong ang aking puso ng humarap siya sakin. Matalim niya akong tiningnan at hinawakan ang aking mga kamay. "Anong binabalak mo sakin?" Biglang humihip ang malakas na hangin at napaupo ako sa damuhan. "Maawa ka sa akin, wala akong alam sa mga sinasabi mo."

Seryoso lamang ang mukha niya at unti-unting nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. "Tulong!" sigaw ko. Sa isang iglap narinig ko ang mga halakhak niya. Namulat ako at nakita ang gwapong mukha ni Rafael. Ngayon ko lang na appreciate ang matulis niyang ilong at magandang mga mata. 

"You really think that I am interested in you," he chuckled. Namutla ako sa pagpapahiya niya.

"Hindi ko iniisip ang bagay na iyan," inis ko sabi at tumalikod sa kanya.

"Kung kilala mo talaga ang kuya ko dapat alam mo ang karanasan niya sa bawat babaeng minahal niya," Sagot nito na nakatingin sa kalangitan. "James Jones is a successful businessman and a model in US. Everyone loves him but because of love he choose to live here at the Philippines." Pagkwento nito na parang bang nakikita niya sa harap niya ang kuya niya. "I envy him because after he left my parents got messed up, and I had no choice but follow his footsteps." Huminga siya ng malalim at umupo na rin sa damuhan. "Naging masaya ako noong una pero kalaunan pakiramdam ko, isa lamang akong anino ng kuya ko. Lahat ng mga hindi niya pinagpatuloy pinagawa sa akin. Natuwa naman ang mga magulang namin hanggang mamatay sila. Dumating noon ang kuya ko at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya." Ganito pala katindi ang naging buhay niya. The story behind his life capture my soul and heart. Ang ibang side ni Rafael ay unti-unti kong nakikita. Nagtaas baba ang kanyang dibdib at hirap makahinga.

"Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Tumango lamang ito at tumingin sa malayo.

"I accepted my brother since he is the only family left and also my idol from the very start." Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinarap ako, mas lalo kong nakita kong gaano siya katangkad at ang kanyang balat na natatamaan ng araw ay namumula. Mahahalata talaga ang pagkaperlas ng balat nito. "Alam mo ba ikaw ang bukang bibig niya habang magkasama kami sa ibang bansa. Mahal na mahal ka daw niya." May tunog na sarkasmo sa kanyang pahayag at hinawi niya ang aking buhok na natatakpan ang aking mukha. "Ang mga mata mo daw na kulay tsokolate ay nakaka-akit at nalulunod daw siya sa mga ito na parang laging ina-anyaya na hagkan ang mga mapupula mong labi." Napalunok ako sa kanyang sinabi, at hindi sinasadyang mabasa ko ang aking labi. Lumapit siya ng unti-unti, at hindi ko magawang kumilos sa aking kinauupuan. Ilang segundo ang lumipas nakatitig lamang kami sa isa't isa, at naramdaman ko ang paghawak ng malambot niyang kamay sa aking pisngi. Ang tibok ng aking puso ang tanging kong naririnig. Isang dangkal na lang ang layo niya sa akin ng napapikit ako. "Kung gaano ka daw kagaling sa kama," Napa-atras ako ng sambitin niya ang mga katagang iyon. "Hindi ako ang kuya ko, Diane. Kwinento ko lamang sayo kung gaano kahalaga ang kuya James ko sakin. Sana mahanap mo din sa puso mo ang kaunting puwang niya sa buhay mo, at magising ka na sa katotohanan na kailangan mo nang aminin ang iyong mga kasalanan." malungkot nitong sabi at hinila ako patayo. "I will wait for your answer," He said without blinking. 

Naglakad na kami pabalik sa kubo, at binitawan na niya ang aking kamay. Pumunta siya sa mga workers niya at masayang nakipag-kwentuhan. 

"Hoy!" Nagulat ako sa mahinang paghampas ni Rica sa aking braso.

"Ano ba?" sita ko sa kanya.

"Saan kayo galing?" taas kilay nitong tanong. 

"Naglakad-lakad lang kami malapit sa mga matataas na puno," sagot ko at pumasok sa loob ng bahay.

"Saan ka pupunta?" Harang nito sa pinto ng kwarto. 

"May kailangan ka ba?" sigaw kong sabi. Hinawakan nito ang aking buhok.

"Ayaw mo bang pagupitan ang mahabang mong buhok," usal nito na may paniningkit ng kanyang mata.

"Nag-usap lang kami, at gusto niya na isuko ko na lang ang aking sarili para matapos na ang lahat."

"Isusuko mo nga ba ang iyong bataan sa kanya?" Pag-aalala nitong sabi. Natawa ako sa tinuran niya. Magkaibigan nga kami pareho kami ng iniisip noong sinabi sakin ni Rafael iyon. 

"Huwag mong sabihin na ganon-ganon mo lang isinuko ang lahat," Pagdra-drama nito. Lalo lamang akong tumawa at hinawakan ang kanyang balikat. "Rica huwag kang mabibigla sa sasabihin ko," Pinilit kong maging seryoso habang nagsasalita, "Kasi—"

"Do you like me?" Napaharap kaming dalawang sa lalaking nasa pinto na naka-cross ang mga kamay sa kanyang dibdib. Namilog ang aking mga mata at napakagat ang ibaba kong labi. Did he hear everything?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon