Chapter 27: A Special Day

12 0 0
                                    

Tumahimik na lamang si Rica at pinagpatuloy akong pakainin. Sa dami ng pinagdaanan ko dito sa islang ito bakit ba akong patuloy na nahuhulog kay Rafael. Umiling ako nang susubuan akong muli ni Rica.

"Busog na ko,"

"Ano ka ba, nakaka-dalawang subo ka pa lamang. Kailangan mong magpalakas," sagot nito at pinilit pa akong pakainin. Wala akong magawa at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain ng biglang nagbukas ang pinto ng silid. Humahangos pumasok si Matt at iniabot sa akin ang isang sulat na nakabalot sa makukulay na papel na may hugis rosas. Hindi siya nag-salita at lumabas na ng silid bago pa akong magtanong sa kanya. "Ano yan?" usisa ni Rica.

"Hindi ko rin alam," sagot ko at akmang bubuksan ito ng hablutin ni Rica sa kamay ko. "Akin na yan," giit ko.

"Ako nang magbabasa! Mahirap na baka lalo kang magkasakit pag-binasa mo ito," pag-protesta niya at sinimulan basahin. "Oh my G!" kilig na kilig niyang sabi.

"Anong nakasulat?" curious kong tanong sa kanya.

"Maligayang kaarawan," basa nito.

"Ano? Yun lang kinilig ka na dyan," singhal ko. 

"Hindi pa kasi ako tapos,"

"Buhay ko nagbago magmula ng makilala ka. I never thought that I am still concerned about you even we are in bad terms. I've heard somewhere that it is your birthday today so I prepare something for you. Someone will fetch you tonight and don't worry it is a cozy place and it will be your special day," Napasubo ako at ramdam ko ang init na nagmumula sa aking mukha. Sino kaya nagpadala ng sulat na ito? Kay Matt kaya talaga galing ito? Kaya ba siya mabilis na umalis kanina.

"Hoy! Huwag mo nang isipin kong sino ang nagpadala. Be thankful someone remember your birthday. Pero teka bakit hindi ko alam na birthday mo ngayon?" Umismid ito at kunot ang noo. Umiling na lamang ako. Hindi ko naman talaga birthday ngayon. Si ate Diane ang may kaarawan ngayon at ito rin ang araw na pinakamasakit sa akin. "Nagbibiro lang ako. Huwag ka nang magmukmok dyan. Mabuti pa inumin mo na itong gamot mo at matulog ka na para mamaya may lakas kang makalabas at sisiguraduhin kong mas lalo kang gaganda." dagdag nito at hinawakan ang aking kamay para iabot ang gamot. 

"Ayokong pumunta," matamlay kong sagot.

"Bakit naman? Kailangan kahit may sakit ka may time ka pa rin magsaya," Ininom ko ang gamot at kinuha sa kanyang kamay ang baso ng tubig.

"Hindi ko alam," sagot ko at humiga na lang ulit. Mukhang nararamdaman niya na wala na ako sa mood kaya niligpit na lang niya ang pinagkainan ko at tahimik na lumabas ng kwarto. 

Sino kaya ang nagpadala ng sulat na ito? Maganda ba ang hangarin niya na gusto niya talaga maging masaya ako sa araw na ito? Ipinikit ko na lamang ang aking mata at unti-unting bumalik sa akin ang sakit ng kahapon.

Magmula lumipat kami sa tahanan ng ama ko lalo naging kalbaryo ang buhay ko dahil kay Ate Diane. Noong una maganda ang pagtrato niya sa akin pero unti-unti kong nakita ang galit niya sakin sa araw ng kanyang kaarawan. Pinapahiya niya ako sa kanyang mga kaibigan at ginawang utusan. Tiniis ko na lamang pero hindi pa rin siya tumigil. Tanda ko pa kong anong nangyari sa gabing iyon. May dalawang lalaki pumasok sa aking silid at hinawakan ang aking mga kamay. Lasing na lasing sila at pinagtulungan nila ako. Hawak ako ng matangkad na nakakatakot na lalaki habang ang isa naman pilit tinatanggal ang damit ko. Nagpupumiglas ako at pilit ko silang sinisipa, nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Diane. Buong akala ko tutulungan niya ako pero bagkus sumigaw siya at mabilis na pumasok sa silid ang aking ina at ama. Mabilis na tumayo ang mga lalaki at tinuro ako. Giniit nila na nakiusap ako sa kanila na bigyang init ang katawan ko. Napaluha ako noon sa sakit at pilit na magsalita pero nagsalita si Ate Diane at sinabing totoo ang sinasabi ng dalawang lalaking lasing na kaibigan niya. Nanlumo ako at ang aming ama ay nagdilim ang paningin sa akin. Hinila naman ako ng aking ina na akala ko ipagtatanggol niya ako pero hindi dahil hinila niya ako pababa at pilit na pinapalayas. Ngunit pinigilan siya ng aking ama at buong akala ko okay na ang lahat pero hindi pala dahil kinulong nila ako sa madilim na basement. 

Tuloy tuloy ang luha ko habang naalala ang mga nangyari sa araw na iyon. Paano ko bang malilimutan ang pighati ng kahapon? Humagulgol ako at niyakap ang aking sarili. Siguro mas okay talaga dito na lamang ako at huwag nang bumalik kina Ate Diane. Kung tutuusin mas okay pa ang pagtrato nila sa akin dito. 

Sa kalahating oras kong pag-iyak naramdaman ko ang kapaguran at tuluyan na akong nilamon ng dilim.

"Diane," May malambot na kamay ang humawak sa aking braso pero gusto ko pang matulog. Tinanggal ko ang kamay nito at niyakap ko ang unan. "Mukhang wala ka ngang balak lumabas ngayong gabi,"

"Hayaan mo na siya, Rica," Napamulat ako ng marinig ang boses ni Matt. Nakasuot siya ng asul na polo at mukhang bagong gupit. 

"Anong ginagawa niyo dito?" mahina kong tanong.

Sabay silang napatingin sa akin at ngumiti. "Nakalimutan mo na ba? Kaarawan mo ngayon, tara na." sagot ni Rica at tinulungan akong tumayo. "Matt pwede sa labas ka muna. Kailangan ko munang bihisan si Diane para sa date niyo," Namula si Matt at balak magsalita pero mabilis na lang siyang lumabas ng silid. 

"Date namin?"

"Oo, mukhang sa kanya naman talaga galing yung sulat. Tignan mo nga bihis na bihis pa siya at sinundo ka pa," masayang sabi nito. 

"Hindi siguro," protesta ko.

"Oo nga pala. Sa tingin mo kay Sir Rafael galing yon noh?" usisa nito habang iginaya niya ako sa banyo. 

"Hindi!" Mabilis kong sagot at tinulak siya palabas ng banyo. "Kaya ko na," giit ko. Humagikgik lamang siya at tuluyan na akong iwan sa loob. Malabong mangyari na si Rafael ang may pakana ng sulat na iyon. Naglilinis na lang ako ng aking katawan at hindi na nag-isip pa. Siguro mas magandang palitan ko ang memorya ng araw na ito, dahil sa mahigit limang taon na akong naghihirap sa sakit ng kahapon. Hinila ko ang tuwalya sa may lagayan at napangiti na mayroong puting bestida sa gilid nito. Ang bait talagang kaibigan ni Rica. Naglagay ako ng konting powder at lipstick at lumabas na ng banyo. 

"Ang ganda mo naman. Pinaghandaan mo talaga," usisa ni Rica at umiikot sa akin habang nakatingin sa suot ko at sa mukha.

"Hindi ba ikaw ang nagbigay nito?" taka kong tanong habang hawak ang dress na suot ko.

"Hindi," mabilis niya sagot. 

"Kanino kaya galing ito?"

"Huwag mo nang isipin yan. Tara na." sagot niya at hinila ako palabas. Tahimik ang lahat ng nadaanan namin sa mansyon ni Ginang Letisha hanggang sumakay kami sa puting van. 

"Buti naman sasama ka," sabi ko kay Rica.

"Oo naman, ayoko kong malampasan ang special day mo," Special talaga? Mayroon pa bang chance na maging masaya talaga ako sa araw na ito?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon