Chapter 76: Danger

7 0 0
                                    

Hindi ako makatingin ng diretso kay ate Diane. Mula ng pagdating niya kagabi hindi na siya umalis. Buti na lang mahaba ang pasensya ni mama at hindi siya pinapatulan pero si papa mukhang punung-puno na.

"Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong niya kay ate Diane habang tahimik kaming nag-aagahan sa dining room. 

"Bakit Pa, bawal na akong pumunta sa inyo?" Tumawa siya na ikinagulat ni Raffy at yumakap sakin. Tinaasan siya ng kilay ni Diane. "Hello little kid, you must be Raffy. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang mga Jones?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mas lalo akong nagulat ng makita siyang naluluha na para bang may dinaramdam. "Alis na po ako." Biglang sabi niya at diretsong lumabas ng pinto. 

"Mukha may problema siya, hon." Sabi ni mama kay papa. Tumikhim lang si papa at umiling. Bumuntong hininga ako habang pinagmasdan si Raffy. Wala ngang duda na kamukha niya si Rafael. 

"Hayaan na lang natin siya. May tumawag sakin kanina. Naghiwalay na daw sila ng boyfriend niya." Kumunot ang noo kong napatingin kay mama at papa habang nag-uusap sila. 

"Kaya siguro siya umuwi rito." Sagot naman ni mama. Niyakap siya ni papa at hinalikan ang ulo. Ngumiti na lang ako at inasikaso si Raffy. 

Matapos naming kumain nagpunta agad sa playroom si Raffy. Binantayan naman siya ni mama. Pumunta ako sa kusina upang tumulong sa mga katulong ng bigla akong pinatawag ni papa. Umakyat agad ako sa office niya at kumatok.

"Ano po iyon?" Huminga siya ng malalim at tumanaw sa labas ng bintana. 

"Alam kong ayaw mo itong pag-usap anak pero kailangan din natin malaman ang totoo. Even though we already have a new life and a great beginning, we still need to face the past to move forward toward a promising future." Ngumiti ako sa kanya at umupo sa tapat ng kanyang mesa. Tahimik akong nakinig sa bawat salita niya. "Hindi ba kaya ka napunta sa lugar ng iyong ina ay dahil nakidnap ka?" Tumango ako pagpihit niya paharap. "Sinaktan ka ba ng Rafael na iyon?" Umiling ako. Ayaw ko nang maaalala ang lahat pero matatahimik lang kami kapag nalaman namin ang totoo. May kinalaman ba si ate Diane sa pagkamatay ni James? "Ang totoo, pina-imbestigahan ko lahat. Kaya kahit itanggi mo alam kong may ginawa o may nagawa sayo si Rafael." Tumayo ako at lakas ng loob na tumingin sa mga mata niya.

"May nalaman po ba kayo?" Hindi ko na diretso ang tanong ko sa kanya.

Tumango siya at kinuha ang tasa ng kape sa mesa. 

"Walang kinalaman si Diane sa pagkamatay ng kanyang dating kasintahan pero naging sangkap siya sa mga plano ni Macky." Napasinghap ako sa nalaman at lumakas ang pintig ng aking puso. Tama ako pero malaya pa rin nasa labas ang may sala. "Alam ko rin na muntik ka na niyang mapatay." Napatayo ako sa huli niyang sinabi. "Anak, ang dami kong naging kasalanan sayo kaya hayaan mong ako nang mag-asikaso sa gulong nadamay ka. Ang ate Diane mo ay nabulag lang sa pagmamahal niya kay Macky at buong akala niya makakabuti ito kay James." Umiling ako at naguluhan sa sinabi niya. "Mas mabuting ito na lang ang iyong alam. Kapag nakapag-usap na kami ng ate mo. Doon ko sasabihin sayo ang lahat." Umupo akong muli at pumikit ng mariin. Matutuwa ba ako o lalong maguguluhan? Paano akong tatahimik sa isang sulok ngayon pang nalaman ko na ang totoo?

Sa masasakit na naranasan ko sa kamay ni ate Diane at mama Mildred, hindi ko pa rin maiwasan magduda sa kanila. Wala ba talagang kinalaman si ate Diane sa pagkamatay ni James?

"Sige na, iha. Pumunta ka na sa anak mo." Biglang sabi ni papa dahil hindi na ako kumibo pa. Ngumiti na lang ako at lumabas pero biglang nakaramdam ako ng pangamba. Dumiretso na muna ako sa garden upang makapag-isip bago puntahan sa kwarto si Raffy. Umupo ako sa harap ng mga daisies na itinanim namin ni mama. 

"Ang lalim ng iniisip mo." Napatayo ako at humarap kay ate Diane. "Akala mo ba umalis na talaga ako?" Hindi ako umimik at hinayaan siyang umupo sa tabi ko. "Magmula bata ako nakukuha ko lahat ng gusto ko pero lahat pala yun ay hindi para sakin kung hindi sayo. Hindi ako hihingi ng paumanhin sayo dahil ganun talaga ako." 

"Hindi mo naman kasalanan yun." Bulong ko. Pumihit siya paharap sakin at hinila ako paupo. 

"Bakit ba masyadong kang mabait? Lagi kitang sinasaktan noon, Michaela! Dapat sumigaw ka sakin. Magalit ka at saktan mo rin ako!" Sigaw niya hanggang napaluha siya. 

"Noong mga panahon na sinasaktan niyo ko ni mama. Galit na galit ako sa inyo noon pero mas lalo nanaig ang malaking tanong sa puso ko. Bakit sinasaktan niyo ko?" Pinunasan niya ang mukha niya at tumikhim.

"Naiinis ako sayo noon dahil lumaki kang may mama at higit sa lahat anak ka sa labas ni papa pero kabaligtaran pala. Ako pala ang tunay na anak sa labas at ikaw ang karapat dapat na nagtatamasa ng kaginhawaan." Mapait siyang ngumiti at yumuko.

"Kahit naman iyon ang totoo, kapatid pa rin kita. Ate pa rin kita kasi ikaw naman ang unang lumabas sa ating dalawa." Humalakhak siya na hindi abot sa mga mata niya.

"You should learn a lesson here, Michaela. Dapat alam mo kung kailan at hanggang saan ang kabaitan mo. Kaya ka naaabuso masyado kang mabait. Sa tingin mo kong lumaban ka noon, sasaktan ka pa rin namin? Malamang hindi na. It would be best if you were brave. Being kind is excellent, but not to the point that you don't respect or love yourself anymore. You deserve to be loved." Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Ngumiti naman siya. "Wala akong kinalaman sa pagdukot sayo ni Rafael pero may malaking kasalanan pa rin ako sayo dahil …." Huminto siya at umiwas ng tingin. "Noong araw na nakidnap ka…" Huminto muli siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ang nakalipas ay nakalipas na pero iba ang gusto kong malaman, ate Diane." Tumingin ako sa mga mata niya. "May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni James?" Akala ko magagalit siya sa itatanong ko pero umiyak siya ng tuluyan. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko habang patuloy ang paghagulgol niya. Lumunok siya ng ilang ulit bago magsalita.

"Hindi ko alam.." bulong niya. Tumayo ako at tumalikod sa kanya pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Paanong hindi mo alam?" Kunot noo kong sigaw sa kanya pagkaharap ko. Umiling lang siya ng paulit-ulit. "Bakit hindi mo sabihin ang totoo? Just this once, tell us the truth." 

"Michaela, makinig ka—" Biglang may pumasok na mga lalaki na nakatakip ang mga mukha. 

"Ano ito?" Umiling si ate Diane at yumuko. Hinawakan nila ako sa kamay at pilit hinila palabas. "Bitawan niyo ko!" Nagpupumiglas ako habang sinisipa sila. 

"Mommy!" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Raffy. Paglingon ko mag-isa siyang papunta samin habang kinukuskos ang mga mata niya.

"Go inside!" Mabilis kong sigaw pero huli na nadampot nila pati ang anak ko. "Ate Diane! Maawa ka. Palayain mo ang anak ko!" Umiiyak na nakayuko si ate Diane at lumapit sa kanya ang may itim na mask. Pamilyar ang suot nitong cap at sapatos. Tinanggal niya ang mask niya at tumingin sakin.

"Masyado ka ng maraming alam!" Sigaw ni Macky sakin. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng aking puso habang nakatingin sa anak ko na pilit nagpupumiglas sa lalaking may hawak sa kanya. I don't want my son to be in danger. I need to do something, pero paano kami makakalaya sa mga taong ito?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon