Chapter 66: Found out

7 0 0
                                    

Nakatitig lang ako sa namumulang mukha ni Rafael. Hindi siya ngumingiti pero hindi rin salubong ang kilay niya. Ito ba ang magiging kapalaran ko sa paraiso? Ganito ba ang mga nakukuha ng mga namatay? Makakasama ko ang kamukha ni Rafael sa kabilang buhay. Kumurap kurap ako at napahawak sa akin mukha.

"Diane!" Parang may mali. Bakit Diane pa rin ang tawag sakin? Sinigaw niya muli ang pangalan ng ate ko. Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ito. "Are you still shocked?" 

"I will call a doctor," Suhestiyon ni Matt. Hindi pa nga ako patay. Buhay pa ko, at si Rafael ang nagligtas sakin. Tumikhim ako at sumagot, "Ayos na ako." Yumuko ako at tinitigan ang mga kamay ko puno ng dugo. "S-Salamat," nauutal kong sabi. 

"Diane!" Patakbo lumapit sakin si Rica at niyakap ako. "Akala ko mahuhuli na sila." Dagdag niya sa pagitan ng iyak. 

Niyakap ko siya at nakitang tumalikod na si Rafael samin. "Sandali lang," bulong ko kay Rica. Mabilis akong lumapit kay Rafael. Wala na ang sling niya sa braso at mukhang namumula ito.

"R-Rafael," nauutal kong sabi. Pumihit siya paharap sa akin at mapusyaw ang mga mata. Hinawakan ko ang kamay niya. Nanghihina ako nang makitang nasaktan na naman siya dahil sakin. "Patawad—"

"Because of you, I had to remove my crutch just to help you over that cliff." Sagot niya sa mababang boses. Tumitig siya sa aking mga mata at para ba akong nahihiptonismo. "You should rest," Tumalikod na siya muli at umakyat sa hagdan. Napaupo ako sa sahig at hindi maintindihan kong natutuwa ba ako o maaawa? Imbes na tulungan ko siya lalo pa akong naging pabigat sa kanya. Lumapit si Rica sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi ni Matt. Tumango lang si Rica at kinuha ang medicine kit sa sofa. Pagkatapos inalalayan akong umupo at ginamot niya ang mga sugat ko.  

"Nakilala mo ba ang nagtangkang kumuha satin?" Napalingon ako sa sinabi ni Rica. 

"Hindi…" Tumikhim ako. Si Macky kaya talaga yun? Inutusan ba siya ni ate Diane? Sila ba ang may gawa ng lahat ng ito? Umiling ako at pumikit ng mariin.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo. Mabuti pa hatid na kita sa kwarto mo."  Sagot niya.

"Hindi!" Nanlaki ang mga mata ni Rica sa sigaw ko. "Pasensya na. Hindi ko na kasi…." Huminto ako at napaluha. Gulong-gulo na ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Kanino ba ako matatakot kay Rafael o kay Macky? Hindi pa rin sapat ang mga ebidensyang nakita ko. Mga larawan at sulat lang ng bigong pag-iibigan ni ate Diane at James ang meron ako. 

Naramdaman ko ang kamay ni Rica sa akin likod. "Sige, iiyak mo lang yan." Sambit niya. Lalo kong binuhos ang iyak ko dahil sa halo-halong kong emosyon. Takot para sa buhay ni Rafael, galit naumuusbong sakin dibdib para sa ate ko at ang takot na sa susunod mapatay na talaga ako nang hindi ko nalalaman ang totoo.

Sa kalahating oras kong pag-iyak dumaan ang katahimikan sa pagitan namin ni Rica. Hanggang dumating si Filo at tumakbo papunta samin.

"Filo…" Naiiyak na sabi ni Rica habang niyayakap ito. Naaawa ako para kay Rica. Nadamay pa siya sa gulong ko.

"You!" Napatingin ako sa pinto nang pasugot na lumapit samin si Monica. "Hindi ka ba talaga titigil?!" 

"Wala akong kinalaman sa nangyari samin. Kami ang biktima dito!" Matapang kong sagot. 

"Ikaw lang naman ang may dala ng gulo dito! Mabuti pa lumayas ka na!" Sigaw niya habang dinuro ako. Umiling ako pero hinila niya ako palabas.

"Stop!" Sabay kaming napatingin sa pababang si Rafael. Suot na niya ulit ang sling niya sa braso at nasa likod niya si Matt. "You don't have any rights to do what you want here!" Nanigas si Monica sa sinabi ni Rafael. "Babe—"

"Monica, we are done! Get over it! Kung ayaw mong putulin ko din ang pakikipagkaibigan ko sayo lumabas ka na at umuwi." Tumakbo palapit si Monica kay Rafael at hinawakan ang kamay nito pero tinulak lang siya palayo. "Do you want me to do it?" 

"No, I will be fine for being friends… only for now…." Mangiyak-ngiyak na sagot ni Monica at tumakbo palabas ng pinto. 

"Bakit mo naman ginawa yun?" Hindi ko maiwasan sabihin kay Rafael. Lumingon siya sakin at naglakad palapit. Humarap siya kina Rica at Filo.

"Mabuti pa samahan mo sa clinic si Rica. Tumawag na ako roon. Dapat masuri siya." Tumango si Filo. Yumakap sa akin si Rica.

"Tara sumama ka samin." giit niya.

"May doktor na pupunta dito at susuriin din si Diane. Hindi siya pwedeng lumabas dahil delikado pa din." Sagot ni Rafael. Tumango si Rica kay Rafael at nagpasalamat. 

Pumihit na ako paharap sa hagdan ng harangan ako ni Rafael. Tumingin ako sa kanya na nagtatanong ang mga mata. "Do you know those people?"

"Ano?" Kunot noo kong tanong.

"Diane, bakit gusto kang patayin ni Macky?" Napaatras ako sa sagot niya. Alam niya na sina Macky iyon? "Tell me, why does your boyfriend want you dead? Do you know anything about him that could put him in jail?" Lumunok ako at napayuko. Hindi ko alam ko ano bang dapat sabihin. "I already found out something about Macky. He has a big reason to kill my brother. He is my brother's business partner, who earned millions of dollars in his paintings. Alam mo ba ang tungkol dito? Kaya ba nahuli kitang pumunta sa kwarto ni kuya at nadismaya dahil itinago ko lahat ng paintings niya?"

"H-Hindi ko alam…." Halos pabulong kong sagot sa kanya. 

"Can you just please cooperate with us? Meron bang naiwan ang Macky na yun dito na ebidensya?" Napatitig ako sa mga mata niya. Halata sa boses niya ang hirap at pagod sa mga nangyayari ngayon. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na wala akong kinalaman dito. Gusto kong malaman niya na andito ako para sa kanya at okay lang ipakita niya ang kahinaan niya. Gusto kong isigaw sa kanya na mahal ko siya at handa ko siyang tulungan malaman ang katotohanan. Pero paano ko sasabihin lahat ito sa kanya? Kung sa simula pa lang ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Michaela kaya gusto akong patahimikin nila Macky dahil panggulo ako sa mga plano nila. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko na hindi ko man lang masabi ang lahat ng ito. Naglalakad na palayo sa akin si Rafael habang tuptop ko ang aking bibig. Pumukit ako ng mariin. "Please tell me…" Napamulat ako ng maramdaman ang mainit na yakap niya. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at niyakap ko siya pabalik.

"Tutulong ako…." Bulong ko. Kahit hindi ko alam kung paano at kong paniniwalaan mo ba ako. Handa na akong sumugal sa pag-ibig ko sayo. Kahit hindi ko alam kung anong balak mong sakin. Panghahawakan ko ang mainit na yakap mo na nagbibigay lakas sa akin. Siguro nga ganito talaga ang nagmamahal kahit sa konting katiting na atensyon ay kakapit ka para sa minamahal mo. Hanggang saan kaya ako dadalhin ng pag-ibig ko sayo?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon