Chapter 39: Matt Anger

8 0 0
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nasaksihan ko kay Rafael at Monica. Wasak na naman ang puso ko. Tumayo ako at humarap sa salamin. Napasigaw ako sa gulat. Magang-maga ang mga mata ko.

Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok si Matt. "Anong problema mo?!" Kunot noo nitong sabi. Umiling lang ako. Napako ang tingin ko sa mukha niya. Halatang wala rin siyang tulog.

"M-May sakit ka ba?" Alanganin kong tanong sa kanya. Tumikhim siya, umiling at mabilis na tumalikod. Sa pagkakaalam ko mabait na siya sakin bakit para may nagbago magmula ng bumalik ako dito? "Teka..." tawag ko sa kanya. Kinamot niya ang ulo at humarap.

"Wala akong oras sa ganito, Diane. Magsimula ka ng maglinis. Umalis ng madaling araw sina Rafael. Ako ang magbabantay sayo dito." Walang gana sagot niya.

"Saan sila pupunta?" Hindi ko mapigilang itanong.

"I don't know!" Padabog nitong sagot at sinara ng malakas ang pinto. Galit ba siya? May nangyari ba sa kanya? Bakit parang may dinaramdam siya? "Bilis!" Napatalon ako sa gulat ng sumigaw pa siya sa saradong pinto.

Matt is indeed angry but for what?

Umiling- iling na lang ako at nagpalit ng damit. Pagbaba ko wala na si Matt. Akmang pupunta ako sa sala ng matanaw ko ang nakalagay na notes bawat sulok ng bahay. Hinawi ko ang buhok ko at tinali ito. Binasa ko isa-isa ang mga nasa pader.

"Clean this room." Guest room naman ito. Wala naman gumagamit bakit pinapalinis? Sinundan ko lang ang bawat notes at pa init ng pa init ang ulo ko.

Rafael is getting on my nerves. Umalis nga siya dito sa bahay niya pero sandamakmak na naman ang mga pinapagawa niya. Namilog ang mata ko. Pabor ito sakin. Sakto wala siya. Kailangan kong tingnan muli ang kwarto ni James. Sana hindi nakuha ng magnanakaw ang mga ibang larawan ni ate Diane at James. Napangiti ako ng mapait. Once I find and gather all the proof, I can go home. Umiling ako sa na isip. Dapat ko munang isipin paano ako makakapunta sa kwarto ni James na hindi nakikita ni Matt.

"Anong tinatayo mo dyan? Start working. Follow Rafael's command. I need to go to the office and will be back at 5:00 pm." Sunod-sunod na sinabi ni Matt at bumalik sa kanyang silid. Pagkakataon nga naman. Sumasang- ayon ang lahat sa akin. Sana lang makakita na ako ng matibay na ebidensya. I miss my family even though they don't miss me.

Nagluto na muna ko at sinunod lahat ng utos ni Rafael. Halos isang oras bago lumabas ng silid si Matt. Nakakunot ang noo ko ng makita na ka plain white shirt lang siya at simpleng short.

"What?" Sita niya sakin.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Huli na bago ko mabawi ang nasabi ko. Bakit ko napasantinig yun?

"What's wrong with my outfit?" He asked innocently.

Umiling ako. Baka ganun na uso ngayon. Biglang lumitaw ang imahe ni Rafael na nakasuot ng formal attire. Tinampal ko ang pisngi ko at pinikit ang mga mata. Pagmulat ko napasinghap ako na nasa harap ko na si Matt. "What the—"

"Watch your mouth!"

"Nakakainis ka kasi!" Lalong kumunot ang mukha niya. Hindi ko na napigilan, "Ano bang nangyari sayo, Matt? Nahawa ka na ba sa boss mo? Suplado at laging galit sa mundo."

Natulala siya sa sinabi ko. Nagbawi ng tingin at napalunok. "I will never be the same with him." He whispered.

"Tama! Masama kaya ugali niya..." Napahinto ako ng magtama muli ang mga mata namin. Nanlilisik na para maling-mali ang sagot ko. "Hindi ka naman mabiro." Pilit akong ngumiti kaso napapaso na ko sa mga mata niyang punong-puno ng apoy.

"Ikaw!"

"Ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Oo! Because of you, Rafael got into trouble!" Trouble? As in gulo? Anong sinasabi niya? "Then you are just using him."

"Teka! Ano bang sinasabi mo?"

Pumalatak siya at nagbuga ng hangin. Naghintay ako sa sasabihin niya kaso biglang nag-ring ang telepono.

"Answer it!" Utos niya at diretso-direstsong walang lingon na lumabas ng bahay.

Tinungo ko na lamang ang maliit na mesa sa sala at sinagot ito. "Hello?"

"Where's Matt?" Napalunok ako.

"Kakaalis lang—" Putol na ang linya bago ko pa matuloy ang sasabihin ko kay Rafael. Suplado na naman. Binaba ko ang telepono at tinapos ang gawain. Nagpahinga ako ng kaunti at ng matantiya na hindi na nga babalik si Matt. Pumanhik ako at diretso sa kwarto ni James. Pagpihit ko na ka kandado ito.

"Disappointed?" Na estatwa ako marinig ang boses ni Rafael. "Why? Nagulat ka na narito na ko. Bakit anong kailangan mong makita sa silid ng ex mo?" Nanginginig ang tuhod ko at hindi magawa humarap sa kanya. "Muntik na akong mahulog sa patibong mo. Ganyan ba talaga ang gawain mo?" Nag-init ang ulo ko sa pasaring niya sakin. Kinuyom ko ang kamao kong humarap sa kanya. Imbes na sigawan siya nanghina akong makitang naka sando lang siya at walking short. Hindi siya umalis. Kanina pa siya nandito.

"H-Hindi ka umalis." Bulong ko. Ngumisi siya pero hindi abot sa mga mata. Naglakad siya palapit sakin at tinulak ako sa tabi. Binuksan niya ang kwarto ni James at bumaling sakin.

"Ano? Di ba gusto mong pumasok kanina? Ayan bukas na ang pinto. Hanapin mo na ang gusto mong hanapin. O baka gusto mo tulungan pa kita?" May diin sa bawat salitang binitiwan niya.

"May gagawin pa pala ko sa baba." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis ang mga hakbang ko bumaba sa hagdan. Hingal ako pumunta sa kusina at sinarado ang pinto. Sinapo ko ang ulo ko at napapikit ng mariin. Tama ba na umalis na lang akong bigla doon? Bakit hindi ko maharap ng maayos si Rafael? Huminga ako ng malalim hanggang unti-unti akong kumalma.

Ilang minuto lang ang nagdaan narinig ko ang mga yabag na papalapit sa pinto. Tumikhim ako at binuksan ang pinto. Act natural, Michaela! Mantra ko sa isipan ko.

"Bakit sinara mo ang pinto dito sa kusina?" Napamaang ako. Bakit ang bilis dumating ni Matt?

"Chineck ko lang kung may sira yung pinto. Tapos na kasi lahat ng gawain ko." Pasakalye ko.

"Rafael texted me. You better watch your moves here! Pati ako pinagdududahan dahil sayo!" Napalunok ako sa biglang pagsigaw niya. Anong problema niya?

"Siya ba ang na kaaway mo?" Napatakip ako sa bibig ko.

Pumalatak siya. Bago pa man siya makasagot pumagitna samin si Rafael.

"Matt, ikaw na ang pumunta kay Monica. Go to the meeting and send me the reports." Napako ang mga mata ko sa kanya. Walang expresyon at walang ngisi o galit sa mukha niya.

"Sige." Maikli sagot ni Matt sa kanya at lumabas na ang kusina.

"Prepare me food. I wanted something sweet and delicious." Hindi ako makasagot pero nakatingin pa rin ako sa kanya. "Hey!" Napapitlag ako.

"Yes Sir!" Nataranta kong sagot at pumihit paharap sa may refrigerator nang biglang hilain niya ako.

"What did you say?" Napalunok ako sa husky voice niya. Act natural! Inulit-ulit ko sa isip ko. Huwag na huwag mong tatandaan ang matamis niyang labi at mga kislap sa mata ng nagdaang araw. Mukha mali ang naisip ko dun. Ang bilis lumitaw ng mga alaala na yun. Umiling ako at mabilis na hinila ang kamay ko sa kanya.

"M-Magluluto na..." bulong ko sa hangin.

"Are you saying something?" Umiling ako at tumalikod. Mabuti na lang suplado na siya ulit para unti-unti ko na rin makalimutan ang kakaibang pakiramdam ko sa kanya pero.... Mapipigilan ba ang puso?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon