Chapter 10: Falling for you

16 2 0
                                    

Natuwa ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Matt, akala ko bang aalis ka rin agad?"

Ngumiti siya at para bang maganda ang awra niya ngayon. "Oo, pero nakiusap si Rafael na bantayan ka sa mga gagawin mo sa pabrika." Namilog ang aking mga mata at umiling.

"Bakit pa ko kailangan bantayan? Hindi naman na ako bata."

"I don't know. Let's just meet in the Villa Letisha." Lumaki ang aking mga mata at lumapit sa kanya.

"Hindi mo ako ihahatid?" Umiling lang siya at sumakay na sa kabayo. Tinanaw ko na lamang siya habang palayo sa akin. Nasapo ko ang aking ulo sa pagkadismaya. Maaga pa naman at hindi pa mainit. "Mag Jogging na lamang ako." Pagkumbinsi ko sa aking sarili. Nagsimula na ako tumakbo at nakalagpas pa lang ako ng isang kanto ramdam ko na ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Nagpasya akong sumilong muna at nagpunas ng mukha. Napabuntong hininga ako at nagisip. Sa bagay kung tutuusin hindi naman parusa ang ginagawang ito sa akin ni Rafael. Tama! Tumayo ako at nagpasya maglakad na lang muna. Sayang ang oras na pagpapahinga ko dito dapat malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari sa kuya niya at ate ko. Nagmasid ako sa paligid habang naglalakad at nawili akong makita ang gandang ng mga bukid dito. Nilanghap ko ang sariwang hangin at nagpaikot-ikot sa gilid ng daan. Paghinto ko nanginig ako sa aking nakita. Si Rafael at babaeng iyon magkadikit ang kanilang nguso sa may kotse sa di kalayuan. Agad akong tumalikod at tuloy tuloy ang daloy ng aking luha. Tumakbo ako ng tumakbo at hindi malaman kung saan napadpad ang aking mga paa. Humihingal akong hinto pagtingin ko nasa harap na ako ng Villa Letisha. 

"Diane?" Tanong sa akin ni ginang Letisha.

Tumango na lamang ako at pinunasan ang aking mga luha. "Opo, pasensya na po at nalate ako."

Ngumiti siya at nakita ko ang perpektong niyang mukha. "Hindi ka pa huli iha. Maaga ka panga ng 20 minuto iha." 

Ngumiti na lamang ako kahit ramdam ko pa din ang bilis ng tibok ng aking puso. "Halika ipapakita ko kung paano ang trabaho dito sa pabrika."

"Sige po." Naglalakad kami sa pabrika at nagningning ang aking mga mata sa lawak nito at linis ng kapaligiran. Nagrerepack ang mga trabahador ng mga matigas na chicharon at maliit at maninipis na piniritong patatas. Mukha hindi na naman parusa ang binigay sa akin ni Rafael. Napahinto ako sa aking naisip at naalala ang eksena kanina. Mas masakit pa sa parusa ang nakita ko kanina. Umiling iling ako at naramdaman kong may humawak sa aking noo. "May lagnat ka ba iha?"

"W-wala po." Mabilis kong tugon at iniba ko ang usapan. "Ang ganda po pala dito. Anong magiging trabaho ko?"

Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mukha. "Kung ako lamang ang masusunod dito ka sa mga nagrerepack pero business partner din naman ang pamilya ni Rafael kaya sa may malaking kusina ka ng pabrika. Halika silipin natin." Mali pala ako ng akala naguumpisa na talaga ang parusa ni Rafael sa akin. Pagpasok namin sa malawak na pinto. Nakita ko ang mga pagod nang kusinera dahil sa init ng kumukulong mantika at sa sobrang init sa loob nito. Ngunit nakangiti pa rin silang bumati sa amin. 

"Siya po ba ang bago naming makakasama rito?" Tanong nang isang babae na mukhang kasing edad ko.

"Oo Rica at sana magkasundo kayo." Tuwang tugon ni Miss Letisha.

"Opo naman. Welcome dito sa pabrika—" Naputol ang kanyang sinasabi ng biglang may nagsalita.

"Diane ang pangalan niya." Paglingon ko seryosong mukha ni Rafael at si Monica na naka holding hands pa.

"Diane. Ang ganda naman ng pangalan. Bagay sayo!" Masayang sabi ni Rica. Ngumiti na lamang ako at nagpasalamat kay Miss Letisha. Hindi na ko lumingon pa para makita ang mukha ni Rafael. Gusto niyang mahirapan ako. Sige tatanggapin ko ang lahat pero malalaman mo rin na mali ang ginagawa mo.

Itinuro sa akin lahat ni Rica ang paraan ng tamang pagluluto. Habang sinusubukan ko ito biglang may dumating na kasama naming trabahador. "Sino si Diane?" Tanong nito. Itinaas ko ang aking kamay. "Ikaw pala ang bagong sinasabi nila. Sabi ni Sir Rafael magsimula ka na daw magluto ng potatos at ihatid sa kanyang opisina."

"Potatos?" Tanong ko. 

Biglang akong siniko ni Rica at bumulong. "Iyon ang pangalan ng isa nating produkto." Tumango na lamang ako sa lalaking inutusan ni Rafael at tumingin kay Rica.

"Paano ang gagawin doon?"

"Tutulungan kita pero sabihin mo kong bakit paborito ka ni Sir Rafael." Ngumiwi siya at kumindat sakin. Tumango na lang ako. Baka magulat ka kapag nalaman mong kinidnap niya lang ako. Kalahating oras akong tinuruan ni Rica hanggang makabisado ko na ang pagluluto. Inulit-ulit ko ang mga ginagawa niya upang makapagluto ako ng masarap na potatos. Sisiguraduhin kong magniningning ang mga mata mo Rafael pag natikman mo ito. Tuwang tuwa ako sa aking naiisip. Nilagay ko sa isang makina ang mga patatas at nahiwa ang mga ito ng napakalipis. Pinakulo ko ang mantika ng ilang minuto at nilagay ang mga malilipis na patatas na binabad na may kasamang pang palasa. Nakangiti ako habang nagluluto at tinapik ni Rica ang likod ko.

"Mukhang inlove ka. Siguro may relasyon kayo ni Sir Rafael?" Nanlalaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi at napatingin sa akin. Posible kayang naiinlove na ako kay Rafael?

"Masyado ka naman seryoso. Siguro ikaw maiinlove ka sa kanya pero siya mukhang hindi." Saad ni Rica.

"Bakit naman?" Malungkot kong tanong.

"Kasi—" naputol ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si Matt.

"Diane yung inuutos daw ni Rafael. Naghihintay siya sa kanyang opisina. Dumiretso ka lang sa second floor then go on the black door." Tumango ako kay Matt at hindi na muna kinausap si Rica. Ganoon ba ka imposibleng maging kami ni Rafael? Umiling iling ako sa aking naisip. Hawak ko ang mga nalutong kung potatos at papunta na sa second floor. Sana makapasa sa panlasa niya ang mga niluto ko. 

Nasa harap na ako ng pinto niyang kulay itim at pinihit ang door knob. Nabitawan ko ang mga dala kong potatos dahil sa aking nakita. Nanginginig ang aking kamay at nakatinging humarap sa akin ang dalawa.

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon