Chapter 58: Rafael's plan

5 0 0
                                    

Hindi ako makagalaw habang binubuksan ni Rafael ang pinto ng driver seat. Kunot noo niya akong tiningnan. 

"Baba!" Sigaw niya. Napabalikwas ako sa aking upuan at  tinulak ang pinto para makababa. Hindi ako lumingon sa kanya pero ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. 

"You can go wherever you want. I am setting you free." Pumihit ako paharap sa kanya pero sumakay na siya sa kotse at umandar palayo. Nang makitang malayo na ang sasakyan niya tumakbo ako papunta sa waiting shed. Maghihintay na lang ako ng bus. Napahinto ako sa naisip. Nasaan ba ko? Ang alam ko lang isla ito pero hindi ko alam anong lugar. Malungkot akong tumayo at naglalakad-lakad. Mataas pa rin ang mga damo sa gilid ng kalsada. Guminhawa ang pakiramdam ko sa lakas ng hangin ngunit may takot pa rin sa aking puso. Pakiramdam ko may sumusunod sakin. Bakit biglaan ang desisyon ng pagpapalaya sakin ni Rafael? Huminto ako at huminga ng malalim. Sana makauwi ako. Kinapa ko ang bulsa ko. Wala akong pera at cellphone. Saan ako pupunta?

Nakarinig ako ng mga kaluskos. Tumakbo ako ng mabilis hanggang makarating sa pamilihan. Karatig bayan siguro ito ng villa letisha. Konti lang ang tao at walang masyadong paninda. Nang makalagpas ako naramdaman ko na naman na may nagmamasid sakin. Huminga ako ng malalim hanggang handa na muli akong tumakbo. Pagtakbo ko may natamaan akong lalaki at napayuko ako. Pinagpawisan ako ng malagkit ng makita ang sapatos niya. Parehong sapatos na binili ni ate Diane para sa boyfriend niya. Nang tumingala ako nagtama ang mga mata namin pero hindi ko siya makilala dahil sa itim na face mask at itim na sumbrero niya. Akmang hahawakan ko ang face mask niya upang tanggalin ng biglang narinig ang mga mabibilis na yabag na papalapit samin. Tinulak niya ako na dahilan para matumba ako sa sahig. 

"Itaas mo ang mga kamay mo at huwag kang gagalaw." Namutla ako ng marinig ang baritonong boses. Sino sila?

"I knew it!" Ang malutong na sigaw ni Rafael ang nagbigay lakas sa akin upang tumingala. Nakapalibot ang mga armadong lalaki sakin habang nakatutok ang baril. Namutla ako at hindi makapagsalita. "Bakit mo siya pinatakas?" Sigaw niya muli at nakakuyom ang kamao. "Dalhin niyo siya!" 

"M-Maawa ka." Nauutal kong pakiusap ko sa kanya.

Lumapit siya sakin na may nanlilisik na mga mata. "We caught you in the act! Why did you let him escape if you are not a comrade of this criminal? Di ba pinalaya na kita? Bakit andito ka?" 

"Wala—"

"Enough! Get her!" Wala akong magawa kahit hindi ko naman alam ang balak nilang paghuli kay Macky, pero siya ba talaga yun? Bakit narito siya? Hindi ba niya sinabi kay ate Diane na nandito ako?

Napaiyak ako ng nilagyan ng posas ang aking mga kamay. Tumingin ako sa mga lalaking armanado. Bakit may mga ganitong kasama si Rafael? Hinila nila ako sa malaking van at piniringan. Ang akala kong kalayaan ay naging kabaligtaran. Hindi ako makahinga dahil sa higpit ng piring saking mata. Natatakot ako sa dilim lalo't hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Tahimik ang buong byahe namin at hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa ng mga armadong lalaki ito.

"Nauuhaw ka ba?" Tumikhim ako. 

"Baka pwedeng tanggalin na lang ang piring ko. Takot ako sa dilim." Pag-amin ko. Para akong sinasakal sa sobrang dilim at ang buong sistema ko ay puno ng takot. Nagbulungan sila pagkatapos naramdaman ko ang pagkalas ng piring na panyo sa aking mga mata. Dahan-dahan akong dumilat at nagtama ang mga mata namin ni Matt.

"Matt!" Sigaw ko at akmang lalapit sa kanya ng itinaas niya ang kamay niya.

"Pinalaya ka na nga ni Rafael. Pinuntahan mo pa rin ang kasabwat mo!" Singhal niya. Umiling ako.

"Hindi ko yun kasama. Hindi ko nga alam bakit nandito siya." Umiling siya at salubong ang kilay.

"Kilala mo siya?" Namutla ako sa sagot niya. 

"H-Hindi…" umiwas ako ng tingin at tinuon ang mga mata sa bintana. 

"Lie all you want. No one will believe you. Rafael's plan is working then. You will lead us or show us the evidence." Sarkasmo sabi niya. Lumingon ako sa kanya at blangko na ang mukha niya. Luminga ako sa katabi namin mga armadong lalaki. Ngayon ko napansin na pareho na asul ang mga damit nila. "Don't look at them like a criminal. They have the authorization to handle weapons. They are Rafael's bodyguards." Tumango na lang ako kay Matt at hindi na sumagot pa. Kahit anong rason kong sabihin sa kanila hindi sila naniniwala. Huwag lang sana dumating sa point na kailangan akong saktan para lang may makuha silang impormasyon sakin. 

Hindi na ko muling kinausap ni Matt at tahimik na sa van. Kalahating oras ang lumipas at huminto kami sa pamilyar na lumang building. Dito din ako dinala noon ni Rafael. Binuksan ng mga bodyguards ang van at hinila ako palabas ni Matt. Tinanggal niya ang posas ko at pumasok kami sa loob. Hindi na ganun karumi sa loob at konting linis na lang ayos na rin dito.

"You will stay here. May tatlong bantay ka sa labas at huwag mong susubukan tumakas." Rafael said without looking at me. "Let's go, Matt!"

Humarang ako sa daanan niya at tinitigan sa mga mata.

"Hindi! Di ba dapat pinalaya mo na ko?!" Matapang kong sabi. 

Umiling siya at dinuro ako. "How do you and Macky communicate? Are you using someone else's phone?!" Bintang nito na lalong nagpainit ng ulo ko. 

"Kahit kapkapan niyo man ako ngayon o maghubad man ako sa harap mo walang akong hawak na smartphone!" Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa sobrang lakas ng sigaw sa kanya.

"Then let's check!" Nanlaki ang mata ko at hinila niya ako sa isang silid sa dulo ng lumang building. 

"Bitawan mo ko!" Binitawan niya ako pero tinulak naman sa loob ng silid. Nakita ko ang pamilyar na mga painting ni James. Dito pala nilagay ni Rafael. 

"Remove your dress, and then I will check if you hide any devices on it!" Nagbuga ako ng hangin sa kanya. Talaga hinahamon ako. Wala naman talaga akong tinatago ng cellphone. Bakit ko ba kasi sinabi niyo? Nakalimutan kong halimaw pala ang ugali niya. "What? Hindi mo kaya! Bakit hindi mo na lang kasi aminin na kasabwat mo…"

Huminto siya nang tumalikod ako sa kanya at tinanggal ang damit ko. "Ano masaya ka na? Wala akong alam sa mga paratang niyo!" Tumayo ang mga balahibo ko sa leeg at likod dahil nakalantad ito sa harap niya. Mabilis kong pinulot ang damit ko at humikbi. Kahit may panloob pa rin ako suot at hindi niya nakita ang buong katawan ko. Nanliliit ako sa sarili ko. Sinuot ko ang damit ko at nagulat sa lakas ng sara ng pinto. Nanghihina akong tumayo at umupo sa gilid nang kama. 

Ilang minuto pa lang ang lumipas narinig ko ang kandado sa labas ng silid. Siguradong ikukulong na niya ako dito. 

"Rafael, are you sure about it?" Nanahimik ako ng makarinig ang nag-uusap sa kabilang pader. Dinikit ko lalo ang ulo ko dito at pinakinggan sila. Walang kibo si Rafael. "Hindi ka ba naaawa sa kanya at talagang naghubad—"

"Shut up!" Napalunok ako sa sigaw ni Rafael kay Matt pero malakas na tawa lang ang sagot nito. Nahihibang na talaga siya. 

"Did you—"

"Cut this nonsense, Matt, or else…." Rafael paused and did not continue what he was about to say to him.

"Come on, Rafael. Kilala kita. Siguradong plinano mo yung kanina." Tumayo ako at mas lalong dinikit ang tainga sa pader. "Pero alam ko rin na hindi mo inaasahan na mahuhuli mo sila." Lumunok ako. Mahirap bang paniwalaan na nagkataon lang na nagkabanggaan kami ni Macky. Kahit anong gawin ko iisa lang ang tumatakbo sa isip ni Rafael. Ako ang may kasalanan at kailangan kong magbayad. Pumikit ako ng mariin at biglang bumukas ang pinto.

"Where is Rafael?!" Kunot ang noo ko nakatingin kay Monica. Ang make up niya ay nagkalat sa mukha niya at namumugto ang mga mata niya. Anong nangyari sa kanya?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon