Chapter 69: The Truth

5 0 0
                                    

Dumaan ang katahimikan samin ni Rica at mataman lang siyang nakatingin sakin. Nangungusap ang mga mata at naghihintay kong tatango ba ako o iiling sa suhestiyon niya. Huminga ako ng malalim.

Mula ng makilala ko si Lance lagi siya ang naging tagapagtanggol ko. Hindi ko makakaya na masaktan siya o mapahamak dahil sakin. Binuksan ni Rica ang tablet niya at binasa ang message ni Lance.

"Michaela, whatever happened, I am here for you. Call me! Let's talk. Please." Inabot ni Rica ang tablet at tumango sakin. "Maiwan na muna kita dito. Pag-isipan mo Diane-este Michaela. May kaibigan kang handang tumulong sayo." 

"Salamat." Tipid kong sagot at tumitig sa tablet. Idadamay ko ba talaga ang bestfriend ko sa ganitong sitwasyon. Pumikit ako ng mariin at pilit iniisip ang tamang gawin. Bago pa ako makapagdesisyon tumunog ang tablet. Pagdilat ko si Renz ang tumatawag pero mas gusto ko siyang tinatawag na Lance. Sinagot ko ito at pilit ngumiti.

"Tell me the truth. What happened to you? We are best friends and promise each other not to keep secrets." Namumula ang mga mata niya habang nagsasalita. Bumuntong hininga ako at binuka ang bibig pero sinara kong muli. "May sasabihin din ako sayo,"

"Ano?" halos pabulong kong tanong at nanginginig ang mga kamay habang hawak ang tablet.

"Hindi ko na sabi ito agad sayo kasi hindi na tayo nagkita ulit pagkatapos ng graduation." Yumuko siya na parang bang nag-aalangan sabihin.

"Okay lang kong hindi mo masabi," Matapang kong sagot para hindi na rin siya magtanong sakin. 

"No! I need to tell you the truth, Michaela. Since your sister Diane and my stepbrother are in a relationship." Namutla ako sa sinabi niya. 

"S-Sinong stepbrother?" nauutal kong tanong. Imposible. Pilit kong nililihis ang hinala ko sa ibig niya iparating. 

"Mackenzie is my step-brother. Pinakasalan na nang mommy ko ang papa niya." Walang gana niyang sabi. Mackenzie? Iba na pala ang boyfriend ni ate. Nakahinga ako ng maluwag. 

"Ayaw mo yun may kapatid ka na," sagot ko na may ngiti sa labi. Umiling siya at kunot noo akong tinignan.

"Di ba ayaw mo rin sa kanya?" Nanlamig ako sa sinabi niya. Alam lahat ni Lance ang totoo tungkol sa mga ginagawa sakin ni ate. "Michaela, Mackenzie nick name is Macky." Nanlambot ang tuhod ko at napahawak sa sofa. "Okay ka lang?" Nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam kong ano bang dapat kong sabihin. Gusto akong patayin ng stepbrother niya. Oras na malaman niya ang lahat. Siguradong uuwi siya at pati buhay niya malalagay sa panganib. Ayaw ko siyang madamay. Kumurap kurap ako at pilit ngumiti.

"Siguro…" Tumikhim ako at sinabing, "Mabait naman siya. Si ate lang naman ang may ayaw sakin at isa pa sigurado maiimpuwesiyahan mo siya ng kabaitan." Ngumiti ako habang siya kunot na kunot ang noo. "Ano ka ba! Subukan mo rin siyang kilalanin." Umiling siya.

"Nasabi ko na ang hindi ko pa na sabi sayo. Tell me. Ano ba talagang nangyari sayo?" giit niya. 

"Gusto ko lang lumayo para maranasan mamuhay mag-isa at naging maganda naman ang buhay ko dito." sagot ko pero halatang hindi siya kumbinsido.

"I will go home next week. Let's meet. Send me your address—"

"Hindi!" agad kong putol sa kanya.

"Why? You are lying to me. Hindi mo ba talaga sasabihin kong nasan ka?" Hindi na maipinta ang mukha niya. He was indeed disappointed in me. 

"Mas maganda siguro na huwag mo nang malaman," Tumayo siya at may kinausap. "Mukhang busy ka na. Next time na lang tayo mag-usap."

"Hindi, ngayon na. Someone just called on my phone." sagot niya at lumukot ang mukha.

"Sino?" Bago pa siya makasagot lumapit sakin si Rica at halatang takot. "Ano yun?"

"Kasi—"

"Who are you talking to?!" Pinindot ko agad ang end button ng marinig ang galit na boses ni Rafael. Bakit andito na siya agad? Akala kong bang three days siyang mawawala. "You are so surprised! Sinadya kong talagang sabihin na magtatagal kami para mahuli ka. Tama nga ang hinala ko." Hinablot niya ang tablet sa kamay ko. "Renz? Sino ito?" Kumunot ang noo niya.

"Pinsan ko po yan." Mabilis na sagot ni Rica. "Sakin po ito tablet, Sir Rafael." Iniabot sa kanya ni Rafael ang tablet. 

"Bakit si Diane ang may hawak?" Tanong ni Rafael sa kanya pero sakin nakatitig.

"Nakita po kasi ng pinsan ko si Diane at nagkagusto po sa kanya agad." Nanlaki ang mga mata ko sa palusot ni Rica. Sumenyas ako sa kanya pero mukhang hindi niya mainitindihan. "Tinatanong po siya ng phone number kaso wala pong cellphone si Diane. Alam niyo pa Sir, mayaman yung pinsan kong yun at balak umuwi ng Pilipinas. Kapag magkikita kami isasama ko po si Diane." Ngumiti siya pero si Rafael salubong ang kilay.

"Hindi!" sigaw ni Rafael at naglakad papunta sa hagdan. Bago pa siya umakyat pumihit siya paharap samin. "Rica, huwag ka muna pumunta dito. Magiging busy si Diane sa mga susunod na araw." Makahulugan niyang sabi. 

"Sige po," sagot ni Rica kahit nag-aalangan at balak pang magsalita muli pero saktong papasok na ng bahay si Filo at Matt. Bakit sila magkasama?

"Tara na. Dumating agad sina Sir kaya may time pa tayo bago kang umuwi kina Ginang Letisha." Masayang sabi ni Filo kay Rica. Nag-aalangan si Rica at lumapit sakin. Tumango lang ako. 

"Sige, tara na." sagot niya sa kasintahan si Filo. 

"Matt, prepare the bar room." utos ni Rafael kay Matt. Bar room?

"Why? I thought you quit drinking alcohol." Kunot noong sagot ni Matt. Lumipat ang tingin ni Rafael sakin at humakbang palapit. 

"I want to invite Diane to drink." Hinawakan niya ang hibla ng buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko. Napaatras ako at umiling. "Why? Come on! Don't deny it."

"Anong sinasabi mo?" matapang kong sagot at umaatras muli.

"You love alcohol, Diane. I am giving you the privilege to drink the most expensive wine I have, and we will enjoy it." Kumindat siya na nagpakabog ng malakas sa puso ko. 

"H-hindi…po ako umiinom.." nauutal kong sagot. 

"Fine, but you must sit beside me while I drink. I need someone right now that I can talk about something significant." He said in a husky voice. Namutla ako at yumuko.

"May gagawin pa po pala ako sa kusina." Mabilis kong sagot at naglakad papunta sa kusina. Bago ko masara ang pinto narinig ko pa ang malakas na tawa ni Rafael. Ano bang binabalak niya? 

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon