Chapter 78: Traitor

3 0 0
                                    

Rafael's Point of View

Five years have passed, but the pain in my chest keeps nagging me to find her—the woman who stole my heart. I planned my revenge until I succeeded in abducting her, but in turn out, I fell for her. Sino ka nga ba talaga Michaela Clementon? 

Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinabi niya. Matapos ng may mangyari sa amin five years ago doon ako kinutuban na hindi nga talaga siya si Diane pero wala pa rin akong lakas ng loob harapin ang katotohanan. Pinili kong tumakas pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng katotohanan. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang business partner ko sa Pilipinas na nahuli na raw si Mackenzie Cruz at kailangan kong umuwi upang sampahan siya ng kaso pagpatay sa kuya ko. Sa wakas makakamit ko na rin ang tagumpay ngunit nagimbal akong makita ang larawan na kasama niya si Diane. She is not the woman I love. The Diane in the picture has long blonde hair with a spoiled brat aura, and the woman I know has an innocent look with gleaming eyes. Doon ko napag-alaman na stepsister pala ni Diane si Michaela. Napangiti ako habang nakatanaw sa bintana ng eroplano. Michaela is the girl that is purely innocent and keeps driving me crazy. The clouds seemed to dance, making my heart beat faster. Will Michaela accept me again after what I did to her? Does she love me? Do I still have a chance for her? Does she have a boyfriend? I shook my head multiple times because of my queries.

Hindi ako nakatulog sa sobra kaba sakin dibdib. Hindi ako ito. I am Rafael Jones, the CEO of one of the largest companies in the US. Wala akong kinatatakutan pero bakit pagdating sa babaeng minamahal ko sobrang kaba ang dala nito? 

Almost 17 hours flight I had, I did not rest my mind in thinking about how is she. Paglapag pa lang ng eroplano agad ko na kinontak si Matt pero mukha iba na ang number niya. Nagbook na lang ako ng sasakyan at dumiretso agad sa rest house ko. I still need to rest before searching for her. Papikit na ko sa kotse nang matanaw ko ang pamilyar na bulto ng lalaki. Si Matt iyon. Pinatigil ko agad ang sasakyan sa driver pero bago pa ko makababa may tumakbo na bata papunta sa kanya. Nakatalikod ito sa pwesto ko at hindi maaninag ang mukha nito pero ang puso ko biglang kumabog ng malakas. Sino ang batang iyon? Bumaba na ako ng kotse pero naglakad sila palayo at pumunta sa Villa Letisha. Sumunod ako at namutla sa nakita. Nakangiti si Michaela sa bata at kay Matt. Yumakap pa ang bata sa kanya.

"Mommy!" Excited nitong sigaw habang tumatalon talon. Napahawak ako sa may puno at tumalikod na nang tuluyan. Mukha huli na ang pag-uwi ko pero bakit sa lahat na pwede niyang makakatuluyan si Matt pa!

"He is a traitor!" Nanginginig ang buong sistema ko sa galit at mabigat ang hakbang bumalik sa kotse. "Let's go!" Sigaw ko sa driver.

Dumiretso agad kami sa rest house. Wala pagbabago sa ayos ng mga gamit at bahay. Inalagaan ito ng husto ni Matt pati ang taong mahal ko masyado niya rin inalagaan. Nanggigigil ako sa galit at hinagis ang maleta ko sa sala. Tumakbo ako paakyat ng hagdan at humiga sa kama. Perhaps I am just dreaming. Alo ko sa sarili hanggang makatulog ako.

Sinusundan ko palagi sina Matt pero sa malayo lang para hindi nila ako makita. Mukhang may iba na rin siyang tinutuluyan dahil hindi siya namamalagi sa bahay ko. Hanggang sa pang limang araw ko sa rest house nagising ako sa lakas ng katok sa labas. Hinanap ko agad ang phone ko at chineck ang oras. Madaling araw palang. Napasarap ang tulog ko dahil sa gigil ko kahapon ng makitang silang nagtatawanan. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Agad na yumakap sa akin si Matt. Naalala ko na naman ang nakita ko kahapon. Agad ko siyang tinulak at sinuntok suntok. Hindi siya naglaban bagkus nakangiti pa.

"Traitor!" Sigaw ko sa kanya na may kasamang mura. Tumawa lang siya kahit nagdudugo na ang gilid ng labi niya. "Anong nakakatawa?!!" angil ko sa kanya. "All this time, you manage to steal her from me!" Nagsalubong naman ang mga kilay niya at tumayong umiiling. 

"Anong ninakaw ko sayo? Did you check everything? Wala akong kinukuha sa bahay mo…" Huminto siya at parang naintindihan na ang sinasabi ko. "Hindi ko siya inaagaw sayo!" Sigaw niya at sinuntok na ako sa pisngi. "Wake up! Rafael! You are a coward for running away after what you did to her!" Patuloy siya sa pagsigaw at naglakad palabas ng bahay. Hinila ko naman siya at inupo sa sofa.

"Linawin mo ang sinasabi mo!" Singhal ko. Ngumisi siya.

"Bakit ka ba nagagalit? Akala ko bang wala lang sayo si Diane," Nakangiting niyang sabi habang pinupunasan ang labi niyang may dugo.

"Hindi siya si Diane." Bulong ko.

"Alam mo na rin pala ang totoo." Sagot niya at tumayo. "Mas mabuting puntahan mo na siya." Dagdag pa niya.

Umiling ako at matalim siyang tinitigan. "Para saan pa? Masaya na siya sa piling mo!" Tumayo na ko at dumiretso sa kusina.

"Kailan ka pa naging duwag?" Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang bottled water. Tinungga ko ito ng tuloy-tuloy at hindi pinansin ang presensya niya. "Talagang iniisip mo inagaw ko siya? Nakakalimutan mo yata utang na loob ko sayo ang buhay ko." 

"Stop that crap, Matt. Go away!" I hissed angrily and left him in the kitchen. 

"Ganyan ka na ba ngayon kaduwag?!" Nagulat ako nang hilain niya ang kamay ko at sinuntok ako sa mukha. "Gumising ka nga! Oo boss kita, Rafael pero itinuturing din kitang kaibigan! Hindi pala! Tinuring kitang best friend! Bakit mo iniwan si Michaela? Wala ako sa posisyon sabihin ito sayo pero dapat mo siyang puntahan at kausapin! Lalo na ngayon…" Hinid niya tinuloy ang kanyang sinasabi pero hindi pa rin ako umimik at akmang susugod muli siya sakin nang bigla kong dinampot ang vase. "Talagang babasagin mo pa yan? It is expensive!" Sa hindi ko malamang dahilan tumawa akong malakas sa sinabi niya. Hindi pa rin siya nagbabago at kung ganito siya umasta ibig sabihin ako ang mali. "Go to her now!" Angil niya sakin.

"Sino ka para utusan ako?" sita ko sa kanya. Tinulak lang niya ako at napaupo ako sa sofa. Nanghihina pa rin ako dahil sa pagod sa byahe at kagabi lang ako nakatulog ng mahaba-haba. Pumukit ako at hinayaan na lang siya magsalita.

"Sa lahat nang bagay iniidolo kita, Rafael. You are a great boss and friend. Sa tingin mo ba kaya kitang traydorin? Kahit na hindi mo maamin sa akin noon ramdam ko na may pagtingin ka na sa kanya pero pinipigilan mo lang dahil akala mo siya talaga si Diane. Akala natin pala. Hindi rin ako makapaniwala nang malaman ko ang lahat." Tumango na lang ako at nananatiling nakapikit. "Naniniwala ka ba sa tadhana?" Nagmulat ako sa tanong niya. Kailan pa siya naging ganito? Tinitigan ko siya ng nakakunot ang kilay ko. 

"Umamin ka nga sakin! Kayo na ba? Kailan kayo nagpakasal? At…." Lumunok ako hindi ko magawang itanong ang tungkol sa bata. 

"Walang kami, Rafael. Hindi pa ko kinasal. Puntahan mo na siya bago pa mahuli ang lahat lalo na ngayon na may panghahawak ka." Sa bawat salitang binitawan niya awtomatikong tumayo ako at tumakbo sa labas. Hindi ko alam kong bakit pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Sa takot ba ito o sa galak? 

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon