Chapter 34: Learning to value time

13 0 0
                                    

"Are you falling in love with Rafael?" Ang matamlay na boses ang nagpagising sakin sa katotohanan.

"Sa tingin mo magugustuhan ko siya?" Humarap ako kay Matt at tinaas ko ang kamay na nakaposas. Umiling lang ito at may kinuha sa kanyang bulsa. Napangiti ako ng makita kong ano ito. 

"Pasalamat ka, I contact Monica to came here." Kunot ang noo kong tumitig sa kanya. Napakablangko ng mukha niya habang tinanggal ang posas sa kamay ko. 

"Bakit?" Napangiti si Matt at tumikhim. 

"Hindi talaga thank you ang sagot mo? Your different. Rafael is right." Umiling ako at tumayo ngunit bigla kumirot muli ang sikmura ko. Hinawakan ko ito at napaupo ulit sa sofa. Napasigaw ako nang may gumuhit na sakit sa aking puson. "What's happening to you?" Hinawakan niya ako pero binitawan ulit tapos naglakad-lakad sa aking harapan na hindi malaman kung anong gagawin. 

"Help me!" Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na matiis ang sakit. Mabilis niya akong binuhat at nagmamadaling isinakay ako sa sasakyan. Sa labing limang minutong pag-drive ni Matt nakarating din kami agad sa clinic sa isla. Nagmamadali siyang bumama sa sasakyan at binuhat ako papasok. Pinagpapawisan na akong husto sa sobrang sakit. Pagpasok namin sa loob agad kaming sinalubong ng nurse at ng doktor. 

"What happened to her?" Umiling lang si Matt sa tanong ng Doktor. Humarap naman sakin ang doktor at sinimulan akong suriin. Tinanong ako ng kung ano ano at sumagot lang ako ng tango at iling hanggang pinahiga ako at nilagyan ng dextrose.

"Asawa or nobyo ka ba niyan?" Balik tanong ng Doktor kay Matt. Umiling lamang ito bilang sagot. "Sige lumabas ka muna kailangan namin siyang masuring mabuti." Paglabas ni Matt sunod-sunod na test na ang ginawa sakin kaya pinipilit nila akong matulog pero hindi ko magawa. Hanggang unti-unti bumuti ang kalagayan ko. 

"Okay, Ms. Clementon kumain ka sa oras at huwag magpapagod at papastress. Your health is at risk if you are always getting tired. You are too young to die." Napalunok ako sa mga payo sakin ng doktor habang inaayos niya ang kanyang eyeglasses. Ngumiti na lamang ako ng mapait habang tumatango. Halos kalahating oras na niya akong pinagsasabihan buti na lang biglang may kumatok sa pinto. "Sige maiwan na kita siguro yung boyfriend mong tumawag kanina na yan." Kunot noo kong binuka ang bibig upang magtatanong sa Doktor ng biglang pumasok si Rafael sa loob ng silid.

"Mr. Jones, she is okay now but needs to rest." He said while tapping Rafael's shoulder.

"Hindi ko po—" naputol ang pagtutol ko ng ihatid na ni Rafael sa pinto ang Doctor.

"Why did you starve yourself? Hindi na nga kita pinaparusahan at higit sa lahat maganda ang buhay mo kasama si Rica sa pagbabantay sa kubo. Your not even cleaning at my rest house and—" Nilagay ko ang kamay ko sa bibig niya. Nagproproseso pa lang nga ang utak ko sa dahilan kong anong ginagawa niya dito tapos isa pa siyang magsesermon sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sakin. 

"You're not allowed to get sick. You make me crazy." Hindi ako makakibo sa sinabi niya. Ano na naman ang sumapi sa kanya at nagpapaasa na naman siya sa puso ko? 

"Sabi ng doktor bawal daw akong ma-stress kaya sana ibalik mo na lang ako samin." Kunot noo niya akong tinitigan at binitawan ang kamay ko.

"Hindi naman mahahantong ang lahat sa ganito kong madali ka lang umamin sa kasalanan mo at higit sa lahat dapat hindi mo yun ginawa sa kuya ko!" Tumalikod siya at sumuntok sa pader. Nanlaki ang mata ko at umiwas nang tingin pagkaharap niya. "I don't even have time to spend with my brother now. So if I were you I'd start learning to value time."  

"Wala..." Nanuyo ang lalamunan ko at hindi matuloy ang sasabihin.

"Stop it! Diane, surrender yourself and you will go home. End of conversation!" Mabibilis ang yabag niya lumabas ng pinto.

Ramdam ko ang pamamasa ng aking mukha at napapikit ng mariin. He will never give me a chance to prove to him the truth. How am I going to reveal it? 

Dumating ang nurse at binigyan ako ng pagkain. Sa tanghali naman dumating si Rica. Hindi man ito nagtanong alam kong gusto niyang malaman kung nasaktan ba ako ni Rafael.

"Pasensya ka na ito lang ang naihanda ko sayo." Ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Ang sarap kaya ng luto mo at paborito ko itong kamatis at tortang talong." Buntong hininga lang siya at magsasalita muli ng biglang bumukas ang pinto.

"I brought you some fruits." Hindi na naghintay ng sagot ko si Matt at dumiretso na sa lababo upang hugasan ang mga dala niya.

"Iba ka talaga. Dalawa pa nag-aalala sayo." Komento ni Rica.

"Hindi." Nakokonsensya lang sila sa balak nilang gawin sakin kanina. Gusto kong sabihin ito kay Rica pero baka magbago ang tingin niya kina Matt at Rafael. Pero ano ba talagang balak kong gawin dito? Kung tutuusin ang daming panahon ang sinayang ko lang mula sa unang araw pa lang ng pag-kidnap sakin ni Rafael. Why am I not even trying to escape? Am I that desperate to run away to my family? Or am I falling in love deeply with Rafael that I don't have the energy to escape? Marami namang paraan na pwede kong gawin. Sumigaw ako at humingi ng saklolo. Ano ba talagang gusto kong malaman?

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" tanong ni Rica at hinawakan ang kamay ko.

"Gusto ko lang magpahinga." Mabilis niya akong inabutan ng tubig at niligpit ang pinagkainan ko.

"Anong nangyari sa kanya?" Humarap si Rica kay Matt.

"Gusto na daw niyang magpahinga mukha masakit pa rin ang sikmura niya." Sagot nito at akmang iaabot ang kumot sakin ng makita niya ang marka sa kamay ko. "Napano ito? Tinali ka ba? Sinong may gawa sayo nito?" 

Mabilis kong tinago ang kamay ko at pilit ngumiti. "Wala lang ito." Bago pa siya nakapag-tanong ulit hinila na siya ni Matt sa labas.

"Kinukulit ni Monica si Rafael. Kailangan ka daw nila sa Villa Letisha dahil may sakit ang tita niya." giit nito.

"Si Ginang Letisha may sakit?" Pahabol kong tanong kay Matt.

"Oo. Huwag mo nang isipin yun. Matulog ka na diyan. Ihahatid ko lang sa labas si Rica." Sagot nito at tuluyan ng sinara ang pinto. Mukha naman malakas si Ginang Letisha. Ano kayang nangyari sa kanya? Ang mga salita ni Rica at nang driver nila Monica biglang bumalik sa aking alaala. Sino kaya ang anak ni Ginang Letisha na sinasabi nila? 

Pumikit na lamang ako at hinayaan ipahinga ang aking isipan. Ilang oras ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Nagpasya ako umupo at dumilat ngunit nagrambulan na naman ang mga daga sa aking puso ng makita ko sino ang nagbabantay sakin. Bakit hindi ko narinig bumukas ang pinto?

"Do you have a decision now? Or are you still going to waste time?"

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon