Chapter 60: Monica's Revenge

13 0 0
                                    

Naihagis ko ang jacket sa sahig dahil sa lakas ng katok. Akmang kukunin ko ito ng biglang bumukas ang pinto.

"Tawag po kayo ni Sir Rafael." Kunot noo akong tumingin sa lalaking matangkad na nakaitim na damit. Alam ko asul ang mga suot ng bodyguard niya. "Sumunod po kayo sakin." Susunod ba ko?

"Bakit daw?" Umiling ito at lumapit sakin.

"Kailangan ko po kayong dalhin sa kanya." Pinakita niya ang dalang baril sa kaliwang kamay. Lumunok ako at tahimik na sumunod sa kanya. Paglabas namin sa silid tulog ang tatlong lalaking na ka asul na damit. Iniwasan ito ng matangkad na lalaki sakin harapan at dumaan sa likod na pintuan. 

"Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong. Nangilabot ako nang hindi siya sumagot at tuloy-tuloy sa mga mahahabang damo. "Hintayin ko na lang si Rafael dito." Lakas loob kong sabi. Lumingon siya at tinutok sakin ang baril. Napasinghap ako. "A-Anong gagawin mo?"

"Pasensya na! Pero kailangan kong gawin ito." Napapikit ako ng marinig ang putok ng baril. 

"Rafael!" Napadilat ako sa lakas ng tili ni Monica. Nakita ko nasa harapan ko si Rafael at dumudugo ang kaliwang braso niya. Hindi ako makagalaw at nakatingin lamang sa kanya. Dumating ang mga bodyguard niya at mabilis na dinampot ang matangkad na lalaki. "Rafael, can you hear me?" Iyak ng iyak si Monica habang yakap si Rafael. 

"Diane!" Gumalaw lang ako ng hinila ako ni Matt at binuhat si Rafael. Nawalan na pala ito ng malay sa sobrang daming dugong nawala sa kanya. Hinila ako ng bodyguard at may sinabi sa kanya si Matt.

Isinakay si Rafael sa van habang ako ay sinakay sa kotse. Hindi ko maintindihan bakit nabaril siya at bakit niya sinalo ang bala para sakin?

"S-Saan dinala si Rafael?" tanong ko sa bodyguard niya.

"Hindi mo na kailangan malaman. Hahatid ko na po kayo." 

"Saan mo ko ihahatid?" Hindi na siya sumagot at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Hindi na muli akong nagtanong at hinayaan na lang. Pumikit ako at ilang beses umulit ang mga eksena kanina. Kung hindi tauhan ni Rafael ang lalaking yun. Sino ang nagpadala sa kanya para patayin ako?

"Narito na po tayo," Dumilat ako at nanlaki ang mga mata.

"Anong ginagawa natin dito sa ospital?" Bago pa sumagot ang lalaki biglang bumukas ang pinto.

"Diane, take care of Rafael. I need to go somewhere." Diretsong sabi ni Matt at hinala ako pababa. Bago pa ako makasagot pinaandar na muli ng lalaki ang sasakyan. Huminga ako ng malalim at naglakad papasok ng ospital. Mayroon pa lang ospital sa dito sa karatig bayan. Lumapit ako sa nurse station at nagtanong.

"Anong room number ni Rafael Jones?" "Kaano-ano ka ng pasyente?" Tanong nito. 

Tumitig ako sa nurse na may mahabang itim na buhok. "A-Amo ko po siya." sagot ko. Sinuot niya ang salamin at nagtype sa harap ng computer.

"Ikaw ang magbabantay sa kanya. Ikaw si Diane?" Tumango ako. "Room 201 sa third floor." sagot niya. Ngumiti ako at naglakad papunta sa hagdan. Bago pa ako makaakyat nakita kong lumabas si Monica sa elevator na kunot ang noo at sinigawan ang kausap sa phone. Biglang lumakas ang kutob ko. Sinundan ko siya hanggang parkway.

"Ang simple ng inutos ko sa inyo! Takutin niyo lang si Diane! Bakit si Rafael ang binaril ng kasama niyo?" Nag-init ang dugo ko at sinugod si Monica. "Bitawan mo ko!" tili niya. Hinila ko ang buhok niya pero umikot siya. "Diane?! Kanina ka pa ba dito?" 

"Oo, bakit mo ginawa yun?" Nangigigil kong sigaw sa kanya. 

"I want revenge! Nang dahil sayo iniwan ako ni Rafael!" sigaw nito at tinulak ako. Hinabol ko siya pero hinagis niya ang high heels niya sakin. 

"Ouch!" Natamaan ang ulo ko at naghihinang napahiga sa sahig. Bago ako tuluyan mawalan ng malay nakita ko siya na pinaharurot ang sasakyan at unti-unting nagdilim na ang paligid.

May isang batang nakangiti sa isang babae. Sumakay sila sa itim na sasakyan at habang binubuhay ng nanay ang makina nakangiti siya sa bata.

"Ma-ma..." sabi ng bata habang may tinuturo sa bintana. Isang babaeng ang nakadungaw sa kanila at kumaway. Ngumiti ang nanay at pinatay muli ang sasakyan. Nag-uusap ang dalawang babae at panaka-nakang tumitingin ang bata. Tumingin ako sa paligid at may usok na lumitaw sa paligid. Habang papalapit ako sa kinalalagyan ng bata. Biglang pumasok ang nanay at ang babaeng kausap nito ay mabilis siyang pinalo ng bag sa ulo dahilan upang matumba sa driver seat.

"Tulong!" sumigaw ang nanay at umiyak ang bata. Tumakbo ako sa kotse pero hindi ako makarating dito. Napaluha ako nang biglang sumabog ang kotse. Ang puso ko ay sumikip at hindi ako makahinga dahil sa makapal na usok. Sumigaw ako at napasinghap. Ramdam ko ang init sa mga mata ko at ulo. Pagdilat ko nakita ko puti ang paligid. Nasaan ako? Hinawakan ko ang leeg ko at pilit inaalala ang masamang panginip na yun. Sino ang mga taong yun at bakit ramdam ko sa balat ko ang nanunuot na init na parang galing ako sa nasunog na kotse. 

"At last, you are awake!" Napalingon ako kay Matt. "Inutusan kita na bantayan mo si Rafael pero anong ginawa mo?" Sumimangot ako at tikom ang bibig. Ano bang nangyari sakin? Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang engkwentro namin ni Monica.

"Si Monica!" sigaw ko.

"Why are you calling my name?" Kunot noo ko siyang tinitigan habang papasok sa pinto. Binaba niya ang red na hand bag niya sa upuan at pinagkrus ang braso niya.

"Siya ang may kasalanan kung bakit nabaril si Rafael!" Tinuro ko si Monica. 

"Are you even hearing yourself? Nabagok yang ulo mo sa katangahan mo kaya kung anu-ano ang mga naiisip mo! Matt! Call the nurse. She needs to take medicine. She is hallucinating again!" utos niya kay Matt. Umiling naman ito at lumabas ng silid. 

"Bakit ka nagsinungaling?" singhal ko sa kanya. Lumapit siya sakin at pinantayan ang ulo ko. 

"Wala dapat makaalam nito. Kung hindi sa susunod hindi ka na makakaligtas. Besides, you need to thank me. At least I still report to the guard that someone was unconscious on the parkway." Nanahimik ako at pigil hininga ko siyang tinapunan ng tingin.

Bago pa ako makapagsalita muli, bumukas biglang ang pinto at pumasok si Matt kasama ang nurse. "Inayos ko lang ang buhok ni Diane. Sige maiwan ko na kayo. Kailangan ko pang i-check ang tita ko." Taas kilay niya akong tiningnan at lumabas na ng pinto.

"Okay ka lang?" Napalingon ako kay Matt. 

"Si Monica ang nag-utos sa lalaking yun!" Umiling siya.

"Tama na, mapapagod ka lang." Kinuyom ko ang kamao ko. 

"Nagsasabi ako ng totoo." giit ko at unti-unting tumulo ang mga luha ko. Lumapit ang nurse sakin at tinusukan ako ng gamot. 

"Ipagpalagay na natin si Monica nga ang nag-utos nun. May ebidensya ka ba?" Pinunasan ko ang mga luha ko at napalunok. May punto siya. Kahit ano pa ang sabihin ko wala ring maniniwala sakin. Una pa lang pagtapak ko dito sa isla. Lagi kong nang sinasabi sa kanila na hindi ako si ate Diane pero hindi sila naniniwala. Pumikit na lang ako at hindi na kumibo. Naramdaman ko ang paalis ng mga yabag niya. Lagi na lang nauuwi sa ganito ang lahat. Kailangan ko na talagang makahanap ng ebidensya. Sa susunod na galaw ni Monica baka wala ng Rafael na magsasalba sakin. Napahinto ako sa naisip, pero bakit nagawa akong iligtas ni Rafael? Sa simula pa lang gusto na niya ng paghihiganti dahil sa pagkamatay ng kuya niya. Anong dahilan niya para itaya ang buhay niya para sakin?

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon