Chapter 41: The Cat Fight

13 0 1
                                    

Pagkatapos ng babala ni Monica lumabas na siya sa silid ko. Nanghihina ako humiga sa kama at hinila ang puting kumot. Talagang hinayaan ni Rafael si Monica na saktan ako. Tumagilid ako at tumitig sa pader. 

"Diane!" Napabalikwas ako ng tayo sa tawag ni Matt. Mabilis siyang lumapit sakin at tiningnan ang mga kalmot sa mukha ko. "Bakit hinayaan mo na saktan ka ni Monica?" Napangiti ako ng mapait. Mukhang okay na siya. Maamo na muli ang mukha niya. "Naririnig mo ba ko?" Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa mukha ko. Tumango lang ako. Tumayo siya at bumaba muli. Huminga naman akong malalim at napatingin sa sira kong damit. Napapikit ako. Nakita niyang ganito ang suot ko. 

Nagmamadali akong tumayo. Ramdam ko ang init sa aking mukha ko. Umiling ako at kumuha ng damit. Pumunta ako sa banyo at bumuhos na naman ang likido mula sakin mga mata. Hinayaan ko lang lumabas lahat ng bigat at sakit sa puso ko. Lagi na lang ako ang may mali. Lagi ako na lang ang pinagdidiskitahan. Kahit saan siguro ako magpunta lagi ako ang nakikitang may kasalanan. Bawat araw kasama ko ang nanay ko noon, lagi kong natatanong sa akin sarili. Masama ba akong anak? Malikot ba ko? Pabigat ba ko? Pasaway ba ko? Nakikipag-away ba ko?

Akala ko hindi ko na malalaman ang kasagutan sa mga tanong ko. Napangiti ako at humawak sa shower. Tinanggal ko ang sira-sira kong dress at hinayaan ang lamig na dumapo sakin katawan. Hindi ako ang may kasalanan. Hindi ako nakikipag-away kahit kanino. Hindi rin ako pabigat. Hindi rin ako malikot. Masunurin ako at laging tikom ang aking bibig kapag nasasaktan ako ni mama. Ngayon alam ko na. Kaya ganoon na lang ang trato niya sakin dahil simple lang. Hindi niya ako mahal. Mas lalo ko pang binuksan ang shower hanggang ang lamig ay nanoot sa aking katawan. 

Habang buhay ko na lang bang hahayaan na saktan ako? Kailan ba ako matututong ipagtanggol ang sarili ko? Halos isang oras akong naligo at nang mapagod na ang aking mga mata kakaiyak. Nagbihis na ko at lumabas ng silid. 

"Rafael, bakit hiniyaan mo—"

"Sir Rafael!" Bulyaw ni Monica kay Matt. 

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Nagmadali akong bumaba upang tingnan ang reaksyon ni Monica. Sinigawan siya ni Matt sa harapan ni Rafael.

"How dare you talk to me like that?" Maarteng sabi ni Monica at akmang sasampalin si Matt ng pigilan siya ni Rafael. 

"Stop it, Monica. Go home and let's talk tomorrow." Walang ganang sabi ni Rafael. Umuusok na naman ang ilong at tainga ni Monica. Pumihit siya at nakita akong nakatayo sa gilid ng hagdan. Mabilis siyang tumakbo palapit sakin at hinila ang basang buhok ko. "Monica!" Sigaw muli ni Rafael at tinanggal niya ang kamay ni Monica sa buhok ko. Napasinghap ako ng magtama ang pisngi namin ni Rafael dahil sa lakas ng tulak ni Monica. 

Naningkit ang mga mata ni Monica at mas lalong akong sinugod at hinila ang buhok ko. Pumigil na rin si Matt ngunit nagwala ng nagwala si Monica pati ang mga vase ni Rafael nadamay na rin. Mahuhulog na ang mga ito sa mahabang mesa sa harap ng malaking portrait. Napalunok ako at hindi makagalaw. Mabilis tumakbo si Matt at Rafael upang saluhin ang vase. Nakahinga ako ng maluwag nang nasalo nila ito. 

"Humanda ka sakin!" Hinila na naman ako ni Monica at itinulak sa sahig. Kumulo ang dugo ko at tinulak din siya. 

"Hindi ko—" Tumayo siya at tumalon sakin. Sinabunot ang buhok ko at hinila ang damit ko. Tinulak ko siya pero hinawakan niya ang braso ko. Kinalmot niya ang mukha ko at leeg. Hindi ko na mapigilan ang init ng aking ulo at pinatulan siya. Hinila ko ang buhok niya habang nasa taas ko pa rin siya. Gigil na gigil siyang hilain ang buhok ko. Nanakit ang anit ko. Tinulak ko siya at tumayo. Inaabot niya ko ulit pero nakailag ako. Napatingin ako kina Rafael na inaayos na ang mga nasirang mga vase. Buong akala ko napagod na si Monica pero hindi pala. Napasigaw ako sa paghila niya sa braso ko. Hinarap ko siya at pilit tinulak.

"Enough of the cat fight!" Napatigil kami sa lakas ng boses ni Rafael. 

"She started it!"Tinuro ako ni Monica. 

"Stop it! Matt take her home." Tumango si Matt at hinila si Monica palabas habang sigaw ng sigaw. 

Napaupo ako ng makalayo na sila. Hindi ko namalayan na pigil ko pala ang hininga ko. Masakit ang mukha at leeg ko sa dami ng kalmot ni Monica pero ang puso ko parang lumulutang sa ulap. Gumaan ito at napapikit ako. 

"You even smiling after your cat fight! Unbelievable!" Pumalatak si Rafael at iniwan ako sa sala. Pumikit ako. I breathe in and out five times until I tolerate the pain. Nagmulat ako at tumayo. "Sit on the couch." 

Dumating si Rafael na may hawak ng medical kit at plain white shirt. "Kaya kong gamutin ang sarili ko." Kumunot lang ang noo niya at hinila ako sa couch sa sala. Tahimik niya ginamot ang bawat galos sa mukha ko at leeg. Huminga siya ng malalim. Napatitig ako sa kanya. Tumaas baba ang didib niya. Is he nervous? Tumikhim siya. Napa-angat ang tingin ko sa kanya.

Mapungay ang mga mata niya habang dahan-dahang pinahid ang bulak na may gamot sa aking sugat sa leeg. Napalunok ako at ramdam ang panginginig ng aking tuhod. Nag-iwas ako ng tingin at tumayo. "M-Marami pa akong gagawin." nauutal kong sinabi. Nakadalawang hakbang pa lang ako ng hinila niya ako paupo.

"Sa pagkakatanda ko ako ang boss dito at wala pa akong inutos sayo." Kunot noo niyang sagot. Tumango na lang ako at hinayaan siyang lagyan ng band aid ang bawat sugat ko. "Monica is indeed amazing." Natatawa nitong komento. Napataas ang kilay ko sa kanya. Ngumisi lang siya sakin. Akala ko bang hindi niya gusto si Monica bakit parang tuwang-tuwa pa siya dito. Napahinto ako sa naisip ko at naalala ang mga larawan ni Monica sa laptop niya. Nag-init ang ulo ko at tumayo. Nagalit siyang muli pero umiling lang ako at mabibilis ang yabag na pumunta sa kusina. 

Hindi ko siya gusto! Inulit-ulit ko ang mantra sa sarili. Kumuha ako ng mga gulay at karne sa refrigerator. Hiniwa ko ang mga ito at hinugasan. Nagluto ako ng iba-ibang putahe hanggang mawala ang inis ko. Makalipas ang kalahating oras naramdaman ko na ang normal nang tibok ng puso ko. 

Bumukas ang pinto at napasinghap sa pamilyar na amoy. "I will go out." Natulala si Rafael ng makita ang dami ng pagkain sa mesa. "Ano yan?" Umiling siya. "Nagutom ka sa cat fight niyo ni Monica? I want to remind you, Diane. I want revenge not a slave." Hindi ako makakilos sa sinabi niya hanggang tumalikod siya. What is he trying to point out? 

Revenge or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon