1
"Aleina?" pagtawag ko sa pangalan ng pinakamamahal ko.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto nya sa akin. Siguro kasi mahal ko lang talaga sya. Pumirmi ako sa pagkaka-upo ng nakita ko na syang papalapit sa akin.
"Hm? Why?"
"Baby Aly's waiting for us na. Kanina pa nagtitext si Beverly."
"Oh, sht! Oo nga pala! Saan mo ipinatong yung pasalubong natin for her?" nagpaikot-ikot ito dahil sa pagkataranta na ni hindi nya namalayang hawak ko pala.
"Babe. Babe.. Nasakin na. Hawak ko na kanina pa. Ikaw na lang 'tong kulang."
Ngumuso naman ito at saka lumapit sakin upang yakapin ako.
"Am I too overreacting sa pagiging excited, babe?" pagtatanong nya sakin.
"Normal lang yon. Anak mo na rin sya kaya okay lang.." niyakap ko sya ng mahigpit ng maramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso nya. "Honey, relax lang, ok?"
"Oh, nandito pa kayo? I thought you're going somewhere, e, bakit nagyayakapan pa kayo dyan?" narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Aleina sa mga bisig ko ng marinig ang boses ni Mama.
"Gusto lang namin kayong mainggit, Ma." ganting sagot ni Aleina.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo, anak, na walang-wala yan kapag naririto na sa bahay ang Papa nyo." nguso pa ni Mama.
"Oh, bago pa kayo magkainitan na dalawa ay aalis na kami, Ma. Wait for dad, ok?"
Hinalikan muna ni Aleina si Mama sa pisngi bago kami pumasok sa sasakyan at umalis na.
After a year, makikita na ulit ni Aleina si Aly. She always loved Aly, she always talked about Aly.. and her dad, Allen.
I parked outside Beverly's house my car. Bago pa kami lumabas ay nilingon ko si Aleina. Umiiyak sya ng tahimik at nasasaktan ako. Nasasaktan akong nakikita syang nasasaktan. She probably missed the little girl so much.
"Honey. Nasasaktan akong nakikita kang umiiyak.. Tahan na, please?" Kinalas ko ang seatbelt at hinarap si Aleina upang punasan ang mga rumaragasang luha sa pisngi nya.
"Parang hindi ko pa kaya, Jc.."
"Kung hindi mo pa kaya, pwede naman nating--"
"Pero baka ma-disappoint si Allen kung aasta lang akong ganito. Baka magtampo yun sakin.."
There. Mas nasaktan na naman ako. I know its really unreasonable kung pati patay na tao ay pagseselosan ko pa pero hindi ko maiwasan.
"Then, let's go na. Baka naiinip na yung anak mo."
Pagbaba pa lang namin ng kotse ay agad na naming nakita ang isang batang babae, unang beses ko itong makikita sa personal. At unang beses naming paglabas ito ng tatlo lang kami nila Aleina.
"Hi, pretty!" agad na tumakbo si Aleina at niyakap si Aly.
I smiled. Parang mag-ina nga talaga..
Nilingon ako ni Aleina at sinenyasang lumapit.
"Baby Aly, this is your tito Jc."
"Hi." plain na bati nito sakin. Siguro dahil bago pa lang kaming magkakilala.
"Hello. I heard almost everything about you. Your Mama Alley's didn't lied to me, you really are pretty."
"Yes. Because my dad is handsome too.."
Hindi na nya ulit ako pinansin at hinila na lamang nya si Alley papasok sa loob ng bahay kaya sumunod na lamang ako.
"Oh, Alley.. Jc.. Natagalan yata kayo?" si Beverly.
"Eh, paano. Ang tagal kumilos ni Aleina. Alam mo naman.. Nasaan si Carlo?" tinutukoy ko ay ang asawa nya.
"Ito na nga, o. Pupuntahan ko na. Kayo na ang bahala sa baby Aly ko, ha?"
"Sure, Bev. Iuuwi rin namin sya after dinner.."
Nang makaalis kami sa bahay nila ay nagtanong ako.
"Baby Aly, saan mo unang gustong pumunta?" atleast I wanna try to be comfortable with her.
"I want to visit my dad."
Sht? Ano 'to? Family reunion?!
BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
RomanceMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...