26
Tahimik ang buong kalagayan ng mansyon nang umalis na ang mga kamag-anak nila tatlong linggo na ang nakakaraan. Si James ay bumalik na rin sa Baguio upang asikasuhin ang club nya.. Ang mga magulang naman nila ay nagsimula ng ikuting magkasama ang buong mundo. Samantalang si Jc ay araw-araw bumabalik sa bahay na ipinundar nila ni Aleina, umaasang babalik ito at magsasama sila.
"Alex.."
Tumikhim muna ang babae bago umupo sa kaharap na upuan ni Jc sa maliit na hardin. Tinitigan muna nya ang lalake na sa tantya nya ay palagi na lang lasing. Malalaki at nangingitim na ang eyebags nito. Tinubuan na rin sya ng kaunting balbas. Nangangayayat na rin ito ngunit hindi naman sobra. Pero tulad ng dati, gwapo pa rin syang tignan.
"Nandito ako para kausapin ka."
"About what?" nagsalin muli ito ng maiinom sa baso nya.
Umiiling na nagkibit-balikat na lang ito sa harap nya. "May balita ka na ba kay Aleina?"
Kanina pa sya hindi nililingon ni Jc kaya't nagulat sya ng agad tumuon ang atensyon nito sa kanya sa kanyang tanong.
"Wala.. Hindi nila sinasabi sa akin. Now tell me.. May balita ka ba sa bestfriend mo?" nanginginig ang boses nito at halata ang pagmamaka-awang sabihin sana sakanya ni Alex ang nais nyang malaman.
"Fix yourself first. You're a mess, Mr David. Babalik ako kapag matino-tino ka na." huminga ito ng malalim at tumayo mula sa kinauupuan at nagtangkang tumayo ngunit pinigilan sya ni Jc.
"Alex.." yumuko ito suminghap. "Alex, please, kung may alam ka naman ay sabihin mo na agad sa akin. Parang--"
"If you want me to tell you where she is.. You better fix yourself first because she won't like it seeing you in that state! And, oh, you won't like it too when you already saw Aleina.."
Tumayo na ito at agad dumiretso sa naghihintay na si Jasper sa loob ng kanilang sasakyan.
"Be back tomorrow, please, Alex. I promise, maayos na ako bukas." pagmamakaawa nito habang kinakatok ang salamin sa banda nya.
Ibinaba kaunti ni Alex ang bintana. "Oh, no, Mr. David. I won't come by tomorrow. Do you think you can fix yourself for a day? I bet you can't. I'll be back after a month."
"A month? Are you-- argh!" frustrated nyang sinabunutan ang sarili. "Paano kapag nawalan ka ng balita sa kanya? Paano--"
"Trust me, Jc. Hindi ako mawawalan ng balita sa kanya. Tinutulungan kita, namin, dahil alam kong mahal ka nya kahit na ginago mo pa sya. Hindi rin namin gusto ang nangyayari kaya parang awa mo na, ayusin mo ang sarili mo as soon as possible."
Huminga ng malalim si Jc. "Okay, then. Please, balitaan mo rin ako."
"I will, Jc. Mauna na kami.."
"Ahm. Bro, dalian mo at baka mahuli ka pa." huling imik ni Jasper kay Jc.
Pinaharurot ni Jasper paalis ang sasakyan.. Naiwang naguguluhan si Jc ngunit may namuong teorya sa isipan nya at hindi nya nagustuhan iyon.
"Hon, are you sure we'll help him? He left Aleina at the altar.. Aleina's your bestfriend, why can we just let---"
"Jasper. Hindi pwede.. Kung si Allen ang naging dahilan ng pagkawasak nya at si Jc ang bumuo ulit sa kanya. Hindi natin hahayaan na iba ulit ang bubuo sa pagkawasak nya na si Jc naman ang may gawa. Kailangang sya rin ang mag-ayos."
"Pero hon, ang Villafuerte ang makakalaban natin dito, at hindi lang sila kundi ang mga Rivierro na rin." nilingon nya ang asawa.
"Hon, maraming naitulong sa atin si Allen at Aleina. Matagal na panahon rin na nangulila at nakulong si Alley sa kalungkutan.. Bestfriend nya ako kaya gagawin ko ang lahat bumalik lang ang saya nya.. Na nakita natin noong natagpuan sya ni Jc."
Nginitian na lang ni Alex ang asawa habang nagda-drive sya. Nilingon din sya ni Jasper. "At matalik rin akong kaibigan ni Rina. Gagawin ko rin kung ano ang makakapagpasaya sa kanya.."
"Pero.. Tingin mo ba ay mahal pa rin ni Lei si Alley? Kasi they've been dating together right, Rina and him?"
"I doubt that, hon. Hindi rin natin alam dahil si Lei lang ang makakaramdam at nakakaramdam nun."
"Their story has been such a heavy drama since Jared and Alley met, Alley and Allen fell in love and Alley got broken.. When Allen died and when Jc didn't showed up to their wedding. Too many heartbreaks that is too much to bear. Now, I'm wondering how does Aleina remain standing strong and capable of loving?"
"Because she's Aleina.. and she's strong because she keeps on falling in love." sa sagot na iyon ni Jasper ay napangiti si Alex.
"You just don't see things the way they are and that's the reason why I keep on loving you every single day of our forever." she planted small kisses on Jasper's cheeks since he's driving.
You break your own rule when you're in love. You break all the walls that you built when you're in love. That's why your heart gets easily broken when you're in love.

BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
RomantizmMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...