4
"Ma?! Ano na naman ba 'to? I told you already, di ba?"
Nagbabangayan na naman sina Tita Michelle at Aleina dahil sa trabaho. Naka-loudspeaker kasi ang tawag at hindi mapakali sa inuupuan si Aleina. Napapahilot na nga ito sa sentido. Pinapanood ko lang sya kasi ayoko namang makialam pa.
"Oo nga, anak. You resigned to your job para sa business natin kaya nga I am begging you na mag-duty ka na dahil kailangan mong pag-aralan ang pasikot-sikot sa business natin!"
"Ma, hindi ba si Ulysses pa lang naman ang may hawak? Why give it to me? Mag-iisang buwan pa lang akong nagpapahinga!"
"It's already enough, anak."
"Ma naman. I want to spend my days pa with Jc.."
Napangiti ako sa tinuran nya. Narinig namin ang paghinga ng malalim sa kabilang linya.
"Kailan kayo magpapakita sa aking dalawa? Kailan nyo aayusin ang kasal?"
Napangiti na si Aleina. Maging ako man ay nangiti na rin. Alam kong pabor sa akin si Tita at alam ko rin kung gaano nya di ginusto si Allen sa buhay ni Aleina. I somehow felt secured..
"Tita, pupunta po kami bukas para makita kayo. Susunduin rin namin si Ulysses kung hindi sya busy?"
"Jc, I am sorry pero napaka-busy ngayon sa kumpanya.. "
Marami pakaming pinag-usapang dalawa. Nung natapos ang tawag ay napansin kong hindi na naimik si Aleina sa tabi.
"Hon? Ok ka lang ba?"
"Bakit ang unfair ni Mama? Bakit parang hindi nya ako anak?" gumaralgal ang boses nito.
"Hush.. Hon.. Ano ba naman klaseng tanong yan?"
"Nung una, niloko nya si Papa. Pangalawa, isa sya sa naging hadlang samin ni Allen.. Pangatlo, sa business naman. Bakit ba laging ako?"
Hindi ako umimik. "Masyado nya kaming sinaktan ni Allen. Pinilit nyang paghiwalayin kami kahit alam nyang mahal na mahal ko si Allen. Hindi nya alam yung pakiramdam na lumalaban ako noon para maging una. Sht! Si Allen.."
Si Allen. Si Allen na naman!
"Aleina. Hindi sa gusto kong kalimutan mo na si Allen pero don't you think its unfair naman sakin na habang tayo ay Allen ka ng Allen?! Si Allen?! Si Allen?!"
Hindi ako nakapagpigil. Tumayo ako sa pagkakaluhod sa harap nya..
"Jc naman.. Bakit mo ba ako sinisigawan?" malumanay na tanong nya.
"Kasi I might hurt you kung hindi ko mailalabas to! Patay na yun and I am sorry, pero kakumpitensya ko pa rin sya sayo? Binibigyan mo pa rin ako ng rason na magselos sa taong matagal ng wala! Kelan ko ba hindi maririnig yang Allen mo?"
"Jc.." tawag nya sakin nung tinalikuran ko sya. "Jc! Ano ba!"
Lumabas ako sa kwarto at didiretso sana pababa.
"Jc! Saan ka pupunta!"
Huminto ako nung nasa gitna na ako ng hagdan. "May meeting kami."
"Meeting?"
Hindi ko na sya pinansin at nagpunta sa garahe.
"Jc, anong meeting yan! Bat hindi ako kasama!"
"Bumalik ako sa trabaho! At hindi ka sasama dahil baka makakistorbo ako sa pag-Allen-Allen mo!"
Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin ng mahigpit.
"Pwede.. Pwede naman natin pagusapan 'to ng hindi ka sumisigaw, e. What do you want me to do? Kalimutan si Allen? Sige. Gagawin ko. Hindi ko sya dalawin? Sige, gagawin ko rin! Jc naman.."
"Nasasaktan kasi ako, Aleina. Kasi pakiramdam ko pangalawa pa rin ako sa puso mo."
Pumasok ako sa loob ng sasakyan hababg kumakatok sa labas si Aleina. "Jc, lumabas ka dyan, please?!"
But I chose to drove away.
![](https://img.wattpad.com/cover/38211491-288-k318747.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
RomanceMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...