Chapter 2

5.5K 76 2
                                    

2





Hindi ko alam kung sadyang ganito lang ang ugali ni Aly o kung ayaw talaga nito sakin. At hindi na ako magtatanga-tangahan kung bakit.



Tumingin sa akin si Aleina ng may pag-aalala dahil sa suhestiyon ng bata at dahil sa inaakto nito.



"Sure, Aly. Let's meet your dad.." sagot ko sa bata at saka ako ngumiti ngunit umirap lang ito.




Humalukipkip ito sa passenger seat. At umirap ulit sya.





"Baby, what's wrong with you?"




"Nothing, ma. Don't mind me here.."




Pagkahinto ko pa lang ng sasakyan ay agad ng lumabas si Aly at tumakbo papuntang musoleo ng kanyang ama. Pinagbuksan ko naman si Aleina at magkahawak-kamay kaming lumapit sa kinaroroonan ng puntod ni Allen.




"Hi, daddy! I missed you. I'm with mama na, oh. Alam kong miss na miss mo na kaming dalawa.. Kamusta ka naman? Masaya ka naman siguro, Pa. Babalik na naman kami sa Canada bukas, Pa, matagal-tagal ka na naman naming hindi makikita." lumapit sya kay Aleina na nakangiti at hinila sya palapit sa puntod ni Allen. "Si Mama Alley, miss na miss ka na nya.. Alam mo bang palagi kong inaalala nung magkakasama pa tayong tatlo? Like a real family? Like I am a real Mama Alley's daughter?"




"Baby, we were a family. We still are. I am your Mama no matter what.. Hindi ka man galing sa akin ay anak pa rin kita dahil anak ka ng Papa Allen mo, dahil mahal kita at mahal ka ng Papa mo."




Ganito pala kasakit makita at marinig ang mga ganitong eksena. Akala ko kasi kaya ko pero nakakatawa dahil hindi pala. I am so insecure right now. And jealous. Seeing the two of them and the tomb of Allen makes me jealous.. How I wished na ako na lang sana yung unang nakilala nya. Pero anong magagawa ko, nangyari na. At alam kong may purpose lahat 'to.




"Sana po, Pa, nandito ka pa rin. Kasama namin ni Mama Alley."




Tumalikod na muna ako sa kanila at kinalma ang sarili ko. Hindi tamang nakakaramdam ako ng ganito. Ikakasal na kami ni Aleina. Matagal ng wala si Allen..




Nakaramdam naman ako ng mainit na yakap mula sa likuran. I secretly smiled.




"Why did you turned your back on us, hon?"




"Hmm. Nag-uusap pa kasi kayong tatlo, e. I don't want to intrude."



Hinila naman nya ako. Ngayon ay nasa harap nakaming tatlo sa puntod ni Allen.




"Mahal.. Nandito rin Jc. Kasama ko ulit sya. Lalabas kaming tatlo ngayon.. Ok lang ba sayo?"  Oo, 'mahal' pa rin ang tawag nya rito.



"What? Seriously, Ma? Nagpupunta kayong dalawa dito sa puntod ni Papa?" hindi makapaniwalang tanong nya.




"Yes, baby. Pero ito pa lang yung pangalawang beses.. Wag ka ngang sisimangot, baby." paglalambing ni Aleina sa bata.




"No,Ma! Hindi dapat! Para kay Papa ka lang! Ano, ganun na lang ba? Naiisip mo ba kung anong mararamdaman ni Papa kung makikita nyang magkasama kayo? Malamang magseselos yon! Malamang masasaktan yon!" pagtataas ng boses ni Aly na ikinagulat ni Aleina. Hinawakan ko ang mga kamay nito upang pakalmahin ito.




"Aly. Bakit ka ganyan? Ano ba---"




"Ayokong may iba ka, Ma! Masasaktan si Papa!" at idinuro nya ako. "Leave my Mama alone!"





"Alyanah!" pagsaway nya sa bata.




"No!! I wanna hate you for this! Gusto mong layuan ni Mama si Papa! Mahal na mahal ni Papa si Mama Alley. At ganun din si Mama kay Papa kaya hindi pwede! Ayoko sayo!"




She's being hysterical. Naiiyak na naman si Aleina..




"Baby, wala na ang Papa mo. Wala na si Allen. But I never let go of us, of course. I just moved on. But I never forgot your father! I opened my heart for Jc, yes, but that doesn't mean na hindi ko na mahal ang Papa mo. Pero you see, hindi na kami pwede ng Papa Allen mo. Matagal na syang wala sa atin at kailangan mo na ring tanggapin yon, baby." pagpapaliwanag nya.




"No! Please, Ma. Hiwalayan mo na yan. Magseselos si Papa. Baka magtampo yon!" walang tigil ang pagluha nung bata.




"Hindi na pwede, Aly." sagot ko, finally.





"And why not?! Huh?!"





"Because we're  getting married soon. Just accept it. Hindi ka naman---"




"At dito mo pa talaga sinabi yan?!" lumingon ito kay Aleina. "Totoo ba, Ma? Totoo ba?!"




Kahit humahagulgol na ito ay pinilit nyang sumagot.




"Yes, baby. Totoo.."



" I. Hate. You!" tinulak nya ito at saka tumakbo papasok sa sasakyan.



"Oh my gosh.. No. This is not happening. My baby's mad.. Hon, hon.. Please. I cannot afford this." then she cried hard.




Masakit. Sobrang nasasaktan ako.

Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon