Chapter 24

2.8K 57 0
                                    

24

Dahil sa sobrang kahihiyang natamo nya ay hindi na sya dumiretso sa venue dahil mas lalo lang syang masasaktan.. Makikita nya yung mga importanteng tao sa buhay nilang dalawa na napili nyang saksihan ang pag-iisang dibdib nila sanang dalawa. Ang mga dekorasyon at mga bulaklak na sya mismo ang pumili na sumisimbolo sa personalidad nilang dalawa. Ang mataas na cake na sabay sana nilang hahatiin sisimbolo ng magandang buhay at pagsasama nila. Ang champagne na syang sisimbolo sana sa buhay at pagmamahal. At ang mag-asawang dove na sabay sana nilang papakawalan simbolo ng kanilang walang hanggan sanang pagmamahalan..


Pero sa isang iglap lang ay nasira't bigla na lang gumuho ang mga iyon. Habang suot nya ang kanyang dinisenyong wedding gown ay umiinom sya't nakasalampak sa kanilang sala. Gusto nya lang na maging payapa ang isipan nya kahit sandali man lang.


Nakaka-apat na bote na ito ng makarinig sya ng marahang pagbukas at pagsara ng pinto. Nanatili itong nakayuko at nakahawak sa bagong bukas na bote ng alak.

"James, kung pinapunta ka nila dito para icheck kung buhay pa ba ako ay pakisabing hindi ko pa naiisip magpakamatay. Bukas pa, pagkagising ko." tuluy-tuloy nyang lintaya.


Lumebel ang lalake sa pagkakaupo nito sa sala at iniangat ang kanyang mukha na syang nagpabalik sa huwisyo nya.


"Hi.. You're..pretty." ngiting bati nito sa kanya bagamat nakangiti ay halata ang kapaguran sa mga mata nya, ang pagkabigo at kalungkutan.


Hindi sya nagbigay ng reaksyon at pinasadahan ang lalake.. Naka-suot ito ng suit, iyong mismong pinili nyang isusuot ni Jc!


"Bakit, Jc?" sa pagtatanong nyang iyon ay nakaramdam na sya ng pagkabigo, ng sakit, ng pagtataksil, ng kalungkutan, ng pagkabasag at pagkatalo.


"I was lost. I got scared.. Pupunta naman ako sa kasal natin dapat, Aleina.. Pero---"

"Ayan na naman tayo sa 'PERO' na yan! Wala tayo sa pelikula o teleserye, Jc, kaya utang-na-loob diretsuhin mo na ako!"

Hinawakan ni Jc ang magkabilang pisngi ni Aleina. Pinagmasdan nya ang maamo nitong mukha na nahaluan nang sakit at galit na syang mismo ang nagbigay.


"Akala ko handa akong pakasalan ka, Aleina.. Pero hindi pala. Kasi ayokong iharap ka sa altar ng isang gago at manloloko. Aleina, I was having an affair with--"


"You were? You still are! You're still having an affair with your gddamn cousin and playing games with me! Ano, Jc?! Hindi ka sumipot dahil magkasama kayong dalawa!"


Pinagsususuntok nya ang dibdib ng lalake.. Nagulat ito dahil alam na ni Aleina ang lahat. Nagtataka sya kung paano pero hindi nya magawang magtanong. Ni hindi sya makapagsalita.


"Ano, Jc? Wala kang masabi, ha?! Alam ko nang lahat pero ginusto ko pa ring ituloy ang kasal dahil ptangina mahal na mahal kita! Naririnig mo ako? Mahal na mahal kita pero ginago mo pa rin ako! Handa akong iharap mo sa altar kahit napakasakit ng ginawa mo at kaya kitang patawarin pero pinagmukha nyo akong tanga! You left me alone, Jc! Hindi mo alam kung ano ang naramdaman ko noong mapagtanto kong hindi ka na sisipot! Halos mamatay ako sa sakit kanina, Jc!!"

Tahimik lamang si Jc na lumuha habang hawak na ngayon ang kamay ni Aleina. "Mahal rin kita, Aleina. Hin---"


Mabilis na nakawala ang mga kamay ni Aleina at agad na pinagsasampal si Jc. "Akala ko ikaw yung taong magpapasaya sakin. Yung hihigitan lahat ng ibinigay ni Allen. Yung hinding-hindi tutulad kay Allen na niloko at sinaktan ako.. At iniwan ako! Pero isang malaking AKALA lang pala lahat ng 'yon, Jc?!"

"Aleina, ang sa akin lang ay hindi pa ako handang humarap sa altar na ikaw ang kasama dahil hindi ko pa kaya! Dahil sariwa pa sa akin yung mga panloloko ko sayo! Gusto kong itama mun--"


"Hindi handa at hindi kaya?! Kanino ka handa at kanino mo kaya? Kay Jasmine, Jc?!"


"No..." frustrated nyang sagot.


"You know what? Let's end this shts. Siguro tama na yung hindi mo pagsipot.. I am now brave enough to let you go.. Para makabalik ka na sakanya. Kilala mo ako.. Narinig mo na ang kwento ko. Hindi ko kayang manira ng pamilya kaya nilayuan ko si Allen. Ngayon, ayokong makasira ng isang relasyon na alam kong talo naman ako. Tama na 'to." pinahid nya ang mga luhang patuloy pa ring umaagos at tumayo na ngunit pinigilan sya ni Jc.

"No. Tinapos ko na yung kay Jasmine. Matagal na kaming tapos, inakala kong hindi pa pero matagal ng wala.. Aleina, hindi mo ako pwedeng iwan. Cmon, ipagpa--"

"Hindi kita pwedeng iwan? At ako? Pwede mong iwanan kung kailan mo maisipan at gustuhin? Hindi! Jc, ayoko na! Tapos na ako sa pagtatanga-tangahan ko! Binigyan na kita ng chance. At huli na 'yon." hinawi nya ang kamay na nakakapit sa pulsuhan nya at inakay ang napakagandang traje de boda nito.


Dumiretso sya sa kanilang kwarto at agad nagbihis. Ipinatong nya ang kanya wedding gown ng maayos sa higaan nila. Kasama nun ang engagement ring and wedding rings sana nila.


Isa-isa nyang inilagay sa kanyang malaking maleta ang mga damit nya Tahimik lang syang pinapanood ni Jc.

"Aleina, please naman..." naghihirap ang kalooban nya ngunit alam nyang hindi nya mapipigilan ngayon si Aleina.

Nang matapos si Aleina ay agad nyang hinila pababa ito at naupo sa sala.


"Alex? Sinong susundo sakin?.. Bakit si James?.. Ok lang ako.. Oo, nandito na sya kanina pa.. No. No, please. Wag mo ng sabihin sakanila.. Sige, pakitext si James na bilisan na lang."

"Bakit si James ang susundo sayo?!"

"Ang mommy mo ang nag-utos. Dahil na rin sa natamo kong kahihiyan na ikaw ang may gawa ay lulubusin ko na. Personal akong magpapaalam sa mga magulang mo. Sorry, Jc, pero hanggang dito na lang talaga."

"Babalik ka ulit sa akin, Aleina." determinado ito.


"Sisiguraduhin kong hinding-hindi, Jc." matapang nasagot ni Aleina.


Ilang pagtatalo pa at agad syang tumayo hila-hila ang maleta.


"Kuya.. Please, kailangang mag-stay ni Aleina sakin."


"Dapat nag-isip ka muna, Jc...I'm sorry pero wala akong magagawa kung anoman ang desisyon nya." pumasok sa driver's seat si James.


Bago pumasok si Aleina ay hinarap nya si Jc.


"Thank you sa lahat, Jc. Mahal kita pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ako mapupuno. Tapos na ako sa efforts. Napantayan ko naman na siguro lahat yung sayo. Wag mo na akong hanapin o sundan. Kung mahal mo pa ako, subukan mo ng kalimutan.. Susubukan ko rin at alam kong kakayanin ko. Sana kayanin mo rin. Magpinsan kayo ni Jasmine, pero kung kailangan mo syang ipaglaban sa buong angkan nyo ay gawin mo." binuksan nya ang pintuan at pinagmasdan ang lumuluhang si Jc.


"Good luck, Jc. Maging masaya ka na sana.. Good bye."

Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon