Chapter 30

2.8K 56 1
                                    

30








Inumpisahan ni Jc ang panunuyo nya kay Aleina kahit patuloy ito sa pagtanggi. Lahat ng bulaklak na ipinapadala nya o sya mismo ang naghahatid ay palaging bumabalik sa kanya. Hindi ito tinatanggap, palaging ibinabalik sa kanya pero determindo sya..






Kadalasan ay sinusundan pa nya ito tuwing mag-isa lamang si Aleina. Wala kasing Lei na matinik kung makapagbantay at kung makapambakod. Sa tuwing magpapakita sya ay usually tinatapunan lang sya ng malalamig na titig na syang nakakapampalambot ng tuhod nya.







Anim na buwan. Anim na buwan na ganoon lamang ang eksena.. Akala ni Jaustin ay hindi sya mapapagod pagdating kay Aleina pero nagkamali sya.. Hindi sya napapagod mahalin ito, oo, pero napapagod na rin syang masaktan. Hindi na nga yata nya maibabalik pang muli si Aleina sa puder nito. Sariwa pa ang sakit at tagpo na nangyari sa kanya kahapon na syang bumago sa isip nya.










Papunta si Allen sa pastry and coffee shop branch na pinamamahalaan ni Aleina. Isa ito sa shop ng kumpanya ng kanyang mga magulang. Dumaan muna sya sa mga nagtitinda ng mga bulaklak at nagpa-arrange ng bouquet. Dumaan din sya sa paboritong restaurant ni Aleina at doon nag-take out sya ng seafood dish na gustong-gusto nito.








Nasa parking area sya ng makitang papalabas ng sasakyan ang taong sinadya nya roon. Agad nyang pinulot ang mga dala nya at saka humarang kay Aleina.







"Hi, Miss Beautiful!" ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis ngunit hindi ito umimik o ngumiti man lang pabalik sa kanya.








"Para sa iyo nga pala.. Tsaka nagdala na rin ako ng lunch mo. Ubusin mong lahat ito, ah? I bought you your favorite seafood dish." inilahad nya ito ngunit tinitigan lamang ito ng babae.






"Ah..Ihahatid na lang kita papasok sa shop at saka doon ko na ilalapag ito sa office mo. Nga pala, Aleina. Mawawala ako ng isang buwan.. Pupunta ang buong team namin sa Hawaii, e. Pero araw-araw pa rin akong magpapadala sayo ng---"










"Can't you see, Jaustin Callum? Ayoko sa mga ginagawa mo. Ayoko sa lahat ng ibinibigay mo! Iniiwasan na nga kita, e. Ibinabalik ko rin lahat ng ibinibigay mo sa akin dahil ayoko na! Jaustin naman, e! Gusto mo bang umiyak at lumuhod muna ako sa harap mo para lang marealize at mapilitan kang layuan ako at tigilan na ako?! Kasi gagawin ko! Jaustin naman! Sinasaktan mo na rin ang sarili mo! Kalimutan mo na ako.. parang-awa mo na. Ginagawa ko ito not only for myself but fot you also! Ayoko ng masaktan tayong pareho. Ayoko ng maghirap tayong pareho. Jaustin, hayaan mo na akong magmahal na iba. Hayaan mo na akong mahalin ng tuluyan si Lei.. Please.. Nagmamakaawa-ako sayo." she broke down.







It was the first time sa loob ng anim na buwan na nagsalita na si Aleina. They were both hurt when she finally let her words and feelings out.. Ang nagawa na lang ni Jaustin ay hilain si Aleina sa kanyang mga bisig at hayaang umiyak dito. Tumango-tango sya sa patuloy na "Please" nito sa kanya.. Minutes had passed, he made his final decision..







"Aleina.. I'm letting you go. But not my feelings for you.. I'm letting you to open up your heart for another man to love and protect you more than I ever did. I will always love you, Aleina.." he paused and wiped Aleina's tears "Please, be happy."









He drove away to that place and gone to Allen's grave.










"Allen. Sorry.. Napabayaan ko ang pinakamamahal mo na pinakamamahal ko rin. Sorry dahil sakit lang ang naibigay ko sa kanya at hindi ko naibigay ang happy ending na pinapangarap nya. Pero I already let her go, finally, for her to seek the happy ending she had always been seeking.. I am sorry. Guide her. Always be at her side, ok? Make sure that you will always be there when she finally found her forever.."











"Hello, ma.. Opo, I am good to go. Sorry at hindi na ako nakapagpaalam ng personal sa inyo. Uuwi rin naman ako after my work there.. Opo, I'll have fun with my colleagues for sure.. Sige na, ma. Bye." he ended the call.







"I am sorry, Alex, kung sinukuan ko na yung bestfriend mo. Gusto ko lang sumaya na sya ng tuluyan at hind sya magiging masaya hangga't nakaharang ako sa daan nya." paghingi nya ng tawad sa nakaupong sina Alex at Jasper at ang natutulog sa mga bisig ng huli si Allen Ric..










"Sorry. She's stubborm, you know.. But she's just so hurt kaya nabubulag sya--"









"Just one last favor, Alex, as a friend.." na tinanguan naman ni Alex samantalang malungkot ang mga mata ni Jasper na nakatitig sa kanya.










"Wag nyo na akong babalitaan tungkol sa kahit na ano kay Aleina. I will try to forget too like what she did.." ngumiti ito ng mapait sa harap ng dalawa.







"Jc.."









"I will see you soon.." he hugged them tight at saka lumabas na sila. Ihahatid nila si Jaustin papuntang airport.











They bid their goodbyes to each other bago tuluyang pumasok na sa loob ng airport si Jaustin upang hanapin ang mga kasama nya..








Lingid sa kanilang kaalaman ay wala ng plano pang bumalik ng Pilipinas si Jaustin..

Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon