15
"Nakakapagod ka namang kasama, Aleina, e!"
"Hon, wag ng magreklamo! Taraaaaa! May imi-meet pa tayo sa SM Baguio." pumadyak-padyak pa ito bago buksan ang pintuan ng kotse.
"Hon, almost 3 days straight na tayong naglilibot, e.." reklamo ko.
Grabe, hindi ko alam kung saan nakukuha nito yung energy nya, e. Ang taas, hindi ko maabot!
"Consider this as your practice.."
"For what?" pumasok kaming kotse at in-start ko ang makina ng sasakyan.
"Practicing how to be Ivy Aleina Villafuerte-David's Husband! Yehey!" ito na naman ang kiddie side nya.
She squeezed my cheeks and kissed my lips then.. "Let's go na, hon."
Naglalakad-lakad muna kami at nagpunta sa balcony.. Kitang-kita ang isa sa kilalang unibersidad dito sa Baguio. Tapos mga bahay na nakakalula..
"Wow.. Ang ganda." manghang-manghang papuri ni Aleina sa tanawing nakikita.
"Yes, breathtaking indeed.." habang titig ako sa mukha nyang nakangiting tinatanaw ang kabuuan ng nakikita.
Pabiro nya akong hinampas sa braso at niyakap.. "Matagal ko rin kasing hindi natitigan ng ganito lahat ng nakikita ko ngayon.. Ang tagal na rin pala."
"Wag mo kasing kalimutan yung mga maliliit na bagay na nakapagpasaya sayo dahil iyon yung bubuo sa magiging espesyal na araw na babalik-balikan mo."
"Why are you so deep today, hon?" lingon nya sakin..
"Just because." iniharap ko sya sa akin at pinisil ang tungki nito.
"I love you.."
Biglang tumunog ang phone ni Aleina kaya sinagot nya ito.. Hindi naman sya umalis sa pagkakayakap ko sa kanya pero sinenyasan nya akong manahimik. Sus!
"Yes, hello.. Speaking.. Yes.. Hahaha! Ako nga 'to, baliw!.. Huh? Nasaan kayo banda?" luminga-linga ito at biglang kumawala sa pagkakayakap ko.
"Oh my gosh, Alex!" ibinulsa nya ang phone nya at saka hinila ako palapit sa isang pamilya..I guess?
"Bessy! I missed you! Nakakainis!" nagyayakapan at halos maluha-luha ang dalawang magkaibigan.
Nagkatinginan kami nung asawa ni Alex na may buhat na bata. "Pagpasensyahan mo ma sila, talagang ganyan lang sila dati pa. Jasper Merced, pare, si Allen Ric pala, anak namin ni Alex. Mag-aapat na taon na.."
Nag-offer naman sya ng kamay at tinanggap ko 'yon. "Jaustin Callum David, future husband ni Aleina.."
"Sabi ko na nga ba at pamilyar ka.. Dj Callum. By the way, before kami ikinasal ni Alex ay kasama ko na sila Aleina at Allen.. Dj rin ako kaso napahinto. Hands-on daddy at asawa.." nangingiting sabi nya.
"You know me?"
"Sino ba namang hindi?! Grabe, idol!" halos mapasigaw na ito dahilan ng pagpitlag ni Allen Ric.
"Ssh. Ano ba yan, Jas." saway sa kanya ng asawa.
"Allen Ric? Bakit, Allen Ric?" paguusisa ko.
"Ah, bestfriend ko kasi talaga si Allen kaya isinunod namin yung pangalan.. Hinding-hindi kasi namin sya makakalimutang magkakaibigan dahil ang epic ng kwento nila ni Aleina.. Minahal kasi ng sobra ni Allen si Alley, e."
At masakit ang mga narinig kong iyon.
BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
RomanceMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...