28
"Jc.. Hey, Jc! Ano ba?" hatak-hatak nya ang asawang si Jasper habang patuloy nilang sinusundan ang nagngingitngit na si Jaustin.
"Stop following me, Alex, please." ni lingon ay hindi nya binigay sa dalawa.
"Anong ginawa mo dun? Ganun lang yon? Hahayaan at hindi pipilitin? Tngna---"
"Kasi iyon lang ang magagawa ko ngayon, Alex! Ang hayaan syang madesisyon at kusang bumalik sa akin. Ang iparamdam ko lang sa kanya na nagsisisi na ako at maramdaman nyang mahal na mahal ko sya!" tinadyakan nya ang gulong ng kanyang sasakyan at naupo sa gilid nito.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Ikakasal sya sa iba? Hindi magagawa ni Aleina sa akin 'to. Mahal nya ako at alam kong may magagawa pa ako. Hindi nya ako basta-bastang iiwan. Alam kong makakabawi pa ako sa mali ko. Hindi ko kasi kakayanin kung mawawala na sya ng tuluyan pa sa akin!"
Nanatiling magkahawak-kamay ang mag-asawa sa harap ni Jc. Hindi nila alam kung paano papawiin kahit kaunti ang nararamdaman ni Jc.
"I'm hoping na sana mabigyan nya ako ulit ng pagkakataon. . Nasasaktan akong makita syang nakakangiti at masaya.. At hindi 'yon dahil sa akin."
"Jaustin. Hinding-hindi mo bastang maibabalik sayo si Aleina. Lahat nagdusa.. Lahat ng naka-paligid sa kanya, maging ang mga kaibigan nya, maging ang pamilya nya at maging ang mga hindi dapat madamay ay nadamay.."
Nilingon ni Jaustin ang seryosong nakapamulsang si Jasper. Umiling sya dahil hindi nya alam kung paano hahawakan ang ganitong sitwasyon na sya naman ang may gawa.
"Pipilitin kong walang madamay this time. Hahayaan ko syang gawin ang gusto nya at patuloy kong ipapakita't ipaparamdam kung gano ko sya kamahal para isang araw ay babalik na ulit sya sa akin. Babalik na ulit kami sa dati. ." huminga ito ng malalim at saka tiningala ang dalawang nakangiti sa kanya.
"Kung kailangan mo ng tulong ay nandito kami, Jaustin. Tawagan mo kami kung masyado ng gipit ang sitwasyon. . Kung pahirapan ka nilang tatlo."
Sasagot na sana sya ay bigla syang napatayo ng makit nyang palabas si Rina.
"Oh? Talagang isinama nyo ang runaway groom? Ano bang magagawa nyan para bumalik si Aleina sa kanya at iwan si Lei? Eh, iniwan nya nga sa harap ng altar si Alley, di ba? Hindi dapat sya ang dinala nyo dito.. Si Allen dapat! Dahil sya lang ang makakapagpabago sa isip ni Aleina. Alam na alam nating lahat 'yon!" sabi nito habang palapit sa kanilang tatlo, ngumisi pa ito nang nakalapit na sya ng husto.
"Do you have the confidence na matatalo mo si Allen sa puso, isip at buhay ni Aleina? Kasi kung wala. Uuwi kang luhaan!" she flipped her hair and turned her back from them.
"I know that I can never replace Allen.. But I know that I have enough confidence that she'll find her way back into mine. I trust her love for me.. Kung mahal mo si Lei at alam mong mahal ka nya, you should trust him."
![](https://img.wattpad.com/cover/38211491-288-k318747.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
RomansaMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...