23
Sometimes, love can be a love song .. It speaks more than you feel. Sabi nga nila "If its meant to be, it will be." pero paano naman kapag yung 'meant to be' ay yung taong nagbibigay nga sayo ng happiness ay may kaakibat namang sakit, yung sacrifices nya ay may kapalit, yung pagmamahal na sinasabayan ng galit?
Pwede bang tumakbo na lang palayo? Pwede bang mapag-isa ka nalang muna at mag-isip? Pwede bang tama na muna sa pag-iyak at sa sakit?
Dalawang buwan na. Ikakasal na sila bukas.. Masaya si Aleina, masayang-masaya.. Pero alam nyang hindi masaya ang pakakasalan nya. Kahit na hindi sya iniimikan ito noong matagpuan sya kinaumagahan sa puntod ni Allen ay nanatili ito sa tabi bya. Oo, inabot sya ng umaga sa sementeryo..
"Anak, napakaganda mo.." mangiyak-ngiyak na bigkas ng mama nito habang hinahaplos nito ang maamo at napakagandang mukha nito.
"Ma.. Ulysses.. Thank you." gusto nitong maiyak ngunit pinigilan sya ng mama nya dahil baka masira ang kanyang make-up.
"Grabe ang effort mo, ate, napansin ba nya? Kung ako lang ang masusunod ay---"
"Ulysses, manahimik ka na lang. Bakit ba wala pa si Shaira, tawagan mo at nang hindi kami ang ginugulo mo dito."
Palabas na ang kanyang kapatid ng pumasok ang tita Mariella nya at ang kanyang pinsan na si Jershey. Binati sila nito, si Jershey ang lumapit sa kanya ng nakangiti.
"Finally, huh? Ikakasal ka na sa taong mahal mo.." nangiti na rin sya.
"Yes.." mapait ang pagkakasabi nito na agad napansin ng pinsan nya.
"Can I tell you something, cuz?" tinanguan naman sya ng pinsan kaya nagpatuloy sya. "Mas gusto ko yung pagngiti mo nung makilala mo si Jc. Sobrang pasalamat namin noon na hindi ka na palaging umiiyak kapag tumatawag kami sayo, hindi ka na nagpapagod kakatanggap sa flights at nakikita naming nagmamahal ka na ulit.. Pero ate Avi, yung ideyang pagpapakasal mo ngayon kay kuya Jc ay parang hindi na ako sigurado.. Mas masaya kang tignan noong mahal na mahal mo pa si Allen kaysa sa mismong kasal mo."
Hindi na nito napigilan ang paghikbi. Ni isa sakanila ay walang nakakaalam sa nangyayari sa kanila ni Jc. Ang akala nilang lahat ay maayos sila..
"Mahal ko si Jc, Jershey. Sobrang mahal.. Kaya masaya akong sya ang maghaharap sakin sa altar ngayon.."
Lahat ng kaibigan nya noong highschool at college ay naroroon. Halos lahat ng mga bisita ay natatanaw nya mula sa puting kotse. Hinihintay nalang nyang buksan ni Alex ang sasakyan para sa kanya. Oo, bridesmaid ang bestfriend nya.
Nakita nya ang pagkataranta ng mga tao na nagpangiti sa kanya. Lumapit si Ulysses kay Alex at pumasok silang dalawa sa loob.
"Ready na ba?" masayang wika nya sa dalawa. Nasa front seat ang kapatid nya at nasa tabi nya si Alex.
"You're really so beautiful, Alley.." naiiyak na sabi ni Alex. "But we need to go.."
Pagkasabi ni Alex ay agad nyang binuksan ang pintuan ng sasakyan para makababa sya at tumakbo palapit sa harap ng simbahan.
"Bakit hindi pa nagsisimula?" prente nyang tanong.
"Bakit nandito ka? Inutusan ko---"
"Ma, ano ba?! Kasal ko 'to, namin ni Jc kaya bakit nyo ako papaalisin?!"
Lahat sila ay hindi magkandaugaga ngunit hindi naman nagsasalita.
"Utang na loob, wala bang magsasabi kung anong nangyayari?! Ma? Tita Irene, Tito---"
Napaupo na sya sa harap ng simbahan nang mapagtanto ang nangyari. Sinenyasan nya ang mga tao sa paligid nya na hayaan muna sya. Yung iba ay pinadiretso na sa venue, tanging sina Alex and Jaz, Rina and Lei, her family and Jc's family ang nanatili doon na natataranta.
"Tawagan nyo! Pwede bang wag kayong tumigil," sigaw ni Bart.
Naririnig nya ang mga ito na sinisisi si Jc at Jasmine. He didn't show to their own wedding because he ran away? With whom? With his fvcking cousin?!
"Bessy..."
"Please iwan nyo muna akong lahat. Kailangan kong mapag-isa. Parang awa nyo na..." hindi sya makaiyak. Nasasaktan lang sya. Ng sobra..
"Anak.."
"Ma, please?"
Lahat sila ay umalis na ngunit nanatiling nakatayo sa harap nya si James. "What? Are you gonna laugh at me now because your brother finally realized that I'm not worth it? That he didn't showed up?"
"No." malamig na tugon nito sa kanya. Umupos rin si James sa harap ni Aleina.
"Alam ko. Nalaman ko yung tungkol sa kanila ni Jasmine the night na nag-inuman kayo sa bahay nyo.. Ginawa nila akong katawa-katawa sa harap ng maraming tao! Binigay ko lahat pero ni isa wala man lang bumalik? Hindi ba ako kamahal-mahal kaya ako iniiwan palagi sa tuwing masaya na ako?! Fvck this! I don't deserve any of this right now! I was fvcking in love and gave all that I can give!"
"Sorry, Aleina. I did all my best para siputin ka nya pero wala syang pinapakinggan kanina. I am sorry--"
"He's with Jasmine."
"Hindi.. Alei--"
"Sht naman, oh! Nasa harap na ako ng simbahan sya na lang yung kulang. Ready na lahat! Bakit sa mismong kasal pa namin! Sa dalawang buwan na yon ni hindi man lang sya nagparamdam na ayaw na nya! Gusto nya yung biglaan, e!"
"Calm down, Aleina. He's not with--"
"C'mon, James! Sino pa ba ang magiging dahilan nito kundi yung pinsan nyo lang! Akala ba nila hindi ko alam na palihim silang nagkikita tuwing gabi na akala nilang tulog na ako? Akala ba nila hindi ko alam na doon sila mismo sa pamamahay namin naghaharutan, naglalambingan at naghahalikan?! Alam na alam ko pero itinuloy ko pa rin 'to kasi ang akala ko rin ay mahal nya ako ng higit pa sa nararamdaman nya sa pinsan nyo.. Kaso nagkamali ako. Nagkamali na naman ako!"
"Aleina, sorry.." he hugged the lost girl tightly. Napansin nya ang panghihina niyo sa bisig nya at nakita nyang nakapikit na ito.
She fainted. Maybe because hindi nya inilabas yung sakit at sama ng loob na nararamdaman nya..
Kahit nawalan sya ng malay ay isa lang ang alam nya: Sinaktan na naman sya ng taong mahal nya.. Ng sobra-sobra.
![](https://img.wattpad.com/cover/38211491-288-k318747.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
RomanceMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...