Chapter 6

3.6K 53 1
                                    

6




"I am glad na napapayag mo si Mama, Jc."





Nakayakap ito sa braso ko habang naglalakad kami palabas sa lobby ng kumpanya nila. Mabait naman si Tita Michelle hindi tulad ng naikwento nya sakin noon. Or talagang nagbago lang?





"Hon, pupuntahan ko si kuya James.."


Bahagya syang napahinto at hinarap ako.



"Oh? Let's go.. Let's meet your brother. Saan ba?" nakaupo na ito sa front seat habang may hinahanap na kung ano sa bag nya.




"Bukas pa naman." nilingon nya ako.





"Ahuh?" pagtataas pa nya ng kilay sa akin.






"Sa Baguio. Nasa Baguio kasi sya para bisitahin yung Club Anthem.."






Ramdam ko ang bahagyang pagtaas at pagbaba ng dibdib nya sa paghinga. Gusto ko syang isama at ayaw at the same time.






"Inilagay kasi akong guest Dj sa Anthem, e. Hindi ko naman mahindian." nakayuko na ito at nilalaro ang mga daliri.





"Ilang araw ka doon, Jc?"





"One week, hon." marahas itong nag-angat ng tingin sakin.





"Seryoso ka ba?! Isang linggo?!"






"Tatlong gabi ang guesting ko sa kanila, hon.. Tapos may meeting kami ni kuya pagkatapos." nahihirapang paliwanag ko.





"Alam mo naman ayoko pang magpunta sa lugar na yon tapos... Kung bakit ngayon mo lang kasi sinabi sakin!"




Ayan. Ayan, nagtataas nanaman ng boses. Akala mo naman katapangan.





"Hon naman. Alam mo namang Kuya never took a 'no' for an answer, right? Kahit ilang beses kong iturn down yung offer, kukulitin at--"



"Ok, then. Sa Condo ako magsstay ng isang linggo."




"May bahay tayo, Aleina!"




"Oh, may bahay tayo. At dapat dalawa tayong nandoon kaso nga isang linggo kang mawawala! Kaya doon muna ako.. Please naman?"





Huminga ako ng malalim.




"Hon. Talaga bang hindi ka na mapipigilan?" garalgal na ang boses nya. It means pinipigilan nyang maiyak.





Tinapos kong inilagay sa maleta ko ang mga gamit ko at music equipments ko.





"Babalik ako agad.. Kapag natapos na lahat, babalik ako. Kahit hindi pa 'yon umabot ng isang linggo. Ok?"




Inihatid ko sya sa tapat ng lobby sa SQ. She kissed me at madaling tumakbo palayo sa sasakyan ko. Iiyak na naman 'yon. Di pa naman sya sanay ng hindi ako nakakatabi matulog.




I texted her that I'll call as soon as I get there.




"Hon! Nasaan ka?"





"I'm with Rina and Lei. Trinity Hotel kami.."




"What?! Are you drinking then?"





"Yes.."



"Sht? Seriously, Aleina?!"



"Ssh. Wag ka ng sumigaw dyan. I need to go back inside na.. Bye. You should rest na. Pa-hi na lang kay Kuya James."




Then she ended the call.




Napahilot na lang ako sa ulo ko. That girl..


"Stressed? Nervous?"



"Stressed ako sa asawa ko. Nervous? Yes, after how many years nandito na ulit ako."



"Don't stress yourself over her.. You need to free yourself while you're here. You don't need to be nervous kasi matagal kang hinintay ng tao dito."




Tumango ako. "I know..By the way, Aleina said 'Hi' to you."




Umiling lang ito sakin at lumabas sa kwarto. Kung meron man sigurong hindi ko makakasundo pagdating kay Aleina ay si Kuya na 'yon. Never nyang nagustuhan para sakin ito. At never syang naging mabait sa harap ni Aleina at hindi ko alam kung bakit.

Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon