Chapter 35

2.8K 47 4
                                    

35











Minsan, kahit anong pilit natin sa sarili nating kalimutan na iyong taong nanakit sa atin ng sobra ay hindi pa rin natin tuluyang magawa dahil MAHAL PA RIN natin sila anumang tanggi natin. Na kahit gaano pa kasakit ang nagawa nila ay darating tayo sa puntong makakalimutan natin iyon dahil kadalasang natatabunan ito ng feelings natin para sa kanila. Pero may mga pagkakataon ding dumarating na hindi na natin maramdaman yung sakit dahil sanay na tayo. May pagkakataon ding tatanggapin mo na lang yung pagkakamaling makikita mo sa kanya dahil alam mong may kinalaman ka sa pagbabago nyang iyon.








"Jaustin Callum.." halos mapaupo sya sa isang harap ng building kung saan nahagip ng paningin nya si Jaustin.. at isang babaeng hawak nya sa bewang.








"S-hit," isang mariing mura iyon na kusang lumabas sa kanyang bibig ng makaalis na sa harap nya si Karylle. Nakatitig lamang sya ngayon sa isang babaeng kilalang-kilala nya.. Nakaupo sa daan.. Lumuluha..







Napasabunot sya sa kanyang buhok at saka humakbang upang lumapit sa babaeng iyon.. Namamalikmata lang ba sya? Kailangan nyang kumpirmahin! At nang makalapit na sya rito ay lalong yumuko si Aleina..





"A.. aleina." hindi nya alam ang gagawin, kung uupo ba sya sa harap nito o itatayo sya?


He heard her sob.. "I.. I'm sorry.. Did I.. Did.. Oh, my. I'm sorry, I just can't.. can't find words to.. say."







"Aleina.."








Nakita nyang nagpunas ng luha ito at saka tumayo sa harap nya na ngayon ay nakangiti man ay halata pa rin ang pamumula ng kanyang mata, ilong at pisngi..







"Aleina.. What are you doing here?"











"Can.. can you just help me find a place to.. to stay here before we talk?" hindi makatingin ito ng diretso sa kanya.











"Stay at my unit."










Agad nyang nilingon ang lalake sa harap nya. Hindi sya makapaniwalang aalukin syang mag-stay sa kanya kahit na alam nilang pareho kung ano ang nakita ni Aleina kanina!









"No. Hindi pwede.. Kung hindi mo ako matutulungan.. I better go. Ah.." agad nyang tinalikuran ito at naglakad pero nahawakan na sya sa pulsuhan nito.








"It's either you'll stay at my place or I'll move to your place you will find."










"Let go, Jaustin Callum."








Gustong isipin ni Jc na naaapektuhan si Aleina sa nangyari pero natawa na lang sya doon dahil paano nga ba maaapektuhan si Aleina kung nabalot na ito ng galit at katigasan ang puso nya?









"Ito lang ba talaga ang dala mo, Aleina?"









Nakaupo ito sa sofa nya at nakatingin sa sliding glassdoor nya na tanaw ang katapat na building..







"Yes. Wala naman akong balak magtagal, e."








Umupo ito sa katapat na upuan ng babae. "Can you please tell me what the hell were you thinking that made you ran away without you informing your family?!"








Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon