Chapter 7

72 2 0
                                    


Chapter 7 

Crazy 

I know that we don't need to win dahil para sa'kin makasama lang sa iisang stage si Marco pakiramdam ko sobrang panalo na ako. Makita lang siya na ngumiti sa'kin habang kumakanta kami sa harap ng lahat sobra-sobra na para sa'kin. 

Habang nakatingin kay Marco habang inaantay namin yung announcement ng winner bigla kong naalala yung sinabi ni Lea. Hanggang kaibigan nga lang ba ang tingin ko kay Marco? Yung mga nararamdaman ko ba ay sapat na para masabi na para sa isang kaibigan lang yun. 

At my age hindi dapat yun ang iniisip ko because I still have a lot of time to realize a lot of things pero sa ganitong edad din natural lang naman siguro sa isang katulad ko na maguluhan at magtanong sa maraming bagay na hindi ako sigurado. 

We are getting older anyway and as we get older we keep on asking about the things that we don't have any idea because we feel like we have to. 

"Are you all ready to know who is the winner of the first talent show of Holy Grace High School?" The emcee asked at napangiti naman ako dahil rinig ko yung sigaw ni Lea at Carlo. 

I look at Marco at saktong tumingin din siya sa'kin. He show me his hand na nakangiti ko namang tinanggap. Nakatingin lang kami sa isa't isa not minding the people around us, not minding that the winner of the competition we just join will be announced. 

Dahan-dahan kaming napangiti sa isa't isa ng hindi pangalan namin ang narinig namin na panalo. Naramdaman ko yung pagpisil niya sa kamay ko at pagtango kaya yun din ang ginawa ko at sabay kaming natawa bago alisin ang tingin sa isa't isa. I look at my family and friends at nakangiti pa din naman sila sa'min. 

"But wait, our judges decided to give a special prize to the group that got their hearts. Let me congratulate Marco Jael Vergara of Grade 9-1 and Zemira Ember Velasco of Grade 8-1!" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig ko. 

When I look at Marco gulat din siya. I jump our of joy bago ko yakapin si Marco nang mahigpit hanggang maramdaman ko din yung pagyakap niya sa'kin pabalik. Rinig namin yung sigawan ng tao dahil sa announcement na yun. 

Nakayakap lang ako kay Marco and my face is on his chest at dahil doon I can feel his heartbeat sobrang bilis nun and I just found myself loving the rhythm of it. I love how it beat to the point na parang ayoko ng humiwalay sa kanya at pakinggan na lang yun pero kailangan ko. 

We look to each other with the smile on our face. "Ang lakas ng heartbeat mo. Halatang masaya ka, Marco." I told him. 

Nakita ko naman kung paano siya matigilan sa sinabi ko and that is his look again. Yung tingin na binibigay niya sa'kin na hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin. Nagulat na lang talaga ako na isang araw tuwing makikita ko yung mga mata niya na nakatingin sa mata ko pakiramdam ko may nag-iba sa way ng pagtingin niya sa'kin hindi ko lang malaman kung ano ba yung nag-iba na yun. 

"Please, step forward to receive your special award." I heard the emcee said. 

"Let's go?" I asked Marco at tumango naman siya sa'kin kaya napangiti na lang ako. 

When we step forward may inabot na flower sa'kin at tig-isa kami ni Marco na maliit na trophy. Nang tumingin ako kanila Tito they gave us a thumps up at si Carlo sigaw pa din ng sigaw kaya natawa na lang ako ng marinig ko si Marco na magreklamo dahil sa ginagawa ng kaibigan niya. 

Pababa na kami ng stage kaya naunang bumaba si Marco sa'kin at inabot sa'kin ang kamay niya na kinuha ko naman para maalalayan niya ako at saktong pagbaba namin at ang pagkayakap ng sumisigaw pa din sa tuwa na si Lea at ganun din naman si Carlo kay Marco. 

Never Ending HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon