Hindi ko alam kung bagay ba sa chapter na 'to yung kanta pero yan kasi pinapakinggan ko while writing this chapter. It gives me the feels for this chapter, I don't know haha.
Trigger Warning: Abuse
Chapter 30
Marco Jael
"Kailangan ko ngang umalis! Para sa anak natin ang gagawin ko, Erik."
Pinikit ko na lang ang mata ko habang pinapakinggan ang pagtatalo ng mga magulang ko. Sanay naman na ako sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil nagulat na lang ako na yung masaya naming pamilya biglang napuno na lang ng sigawan at away.
Masaya akong bata kasama ang pamilya ko hanggang sa dumating yung panahon na naririnig ko na lang kung paano gabi-gabi mag-away ang mga magulang ko dahil wala kaming sapat na pera.
Binuksan ko yung mata ko ng marinig kong may mga nababagsak ng gamit mula sa kwarto nila. Sa batang edad ko imbes na umiyak dahil sa nangyayari wala na lang akong nararamdaman.
Kahit takot sa pwedeng mangyari sa pamilya namin hindi ko na nararamdaman. Nakita ko yung music player na binigay sa'kin ng Mama ko. Kinuha ko na lang yun at nilagay yung earphones sa tenga ko.
That is the start of making music my escape. Imbes na makinig sa paligid ko mas pipiliin ko na makinig sa mga kanta. Nakahanap ako ng gaan ng pakiramdam sa tuwing makikinig ako ng musika.
"Marco, babalikan ako ah. Magpapakabait ka." Umiiyak na sabi ni Mama sa'kin bago ako halikan sa noo at mabilis na sumakay ng taxi.
Ilang oras lang matapos maka-alis ni Mama galit na galit na umuwi si Papa at doon ko nalaman na hindi pala alam ni Papa ang tungkol sa pag-alis ni Mama ngayon kaya grabeng galit ang naramdaman niya.
Binalibag niya lahat ng gamit namin sa bahay at ako naman nakatayo lang sa gilid habang pinapanood siya. May tumulo ng luha sa mga mata ko pero hindi naman ako nasasaktan. Imbes na nasaktan, nahihirapan ako.
Hindi ito yung buhay na gusto ko pero ito ang buhay na binigay sa'kin.
"Okay naman kami noong wala ka pa eh. Dahil sa'yo nagkagulo buhay namin ni Miranda!" Sigaw sa'kin ni Papa at binato sa'kin yung unan na nasa sahig.
Ayaw niya sa'kin. Walang may gusto sa'kin. Yun ang pinaparamdam sa'kin ni Papa. Hindi niya ako ginusto sa mundong 'to. Hindi niya ako pinangarap.
Hindi dapat ako nasasaktan pero nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak ng tahimik sa loob ng kwarto ko habang nakatingin sa sugat na nasa braso ko na kagagawan ni Papa. Sa unang pagkakataon naranasan ko ang saktan niya ng ganito.
Gusto kong sumigaw, gusto kong magreklamo but I can't find my voice to speak. Hindi ko mahanap ang boses ko kahit na alam kong kaya ko pero hindi ko magawang gamitin yun para labanan siya dahil alam kong bata ako.
Ang batang katulad ko ay wala dapat ginagawa kung hindi maglaro lang at mamuhay ng normal pero sa nangyayari sa'kin ngayon. Ako yung batang nakakulong sa sarili kong mundo.
Yung mundong binuo ko na tanging ako lang ang nasa loob nun. Hindi ko hahayaan na may makapasok doon dahil sa huli iiwan at sasaktan lang din naman ako. Kailangan kong umintindi kahit na alam ko sa sarili ko na nahihirapan ako.
Simula ng umalis si Mama wala ng ginawa si Papa kung hindi ang uminom at madalas pa hindi siya umuuwi kaya ako napipilitan ako na kapalan ang mukha ko at makikain sa kapitbahay namin at dahil nga bata pinagbibigyan nila ako dahil hindi naman ako ganun kalakas kumain.
Pero ang mas malala sa lahat yung tuwing lasing siya wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang saktan ako at sinisisi ako sa pag-alis ni Mama. Tumatawag pa naman si Mama sa'min at hindi ko magawang mag-sumbong.
![](https://img.wattpad.com/cover/262562421-288-k580219.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Ending Heartbeats
RomanceThe Typicals #3 Zemira Ember Velasco is a woman who dream to be a singer even when she was young. She dream to stand on the stage and hear the never ending cheers of people. But what if the only cheer she want is the cheer from her first supporter...