Chapter 25

86 1 0
                                    


Chapter 25 

Arc 

"Ayan porket tapos na ang concert at may break na grabe kung uminom. Stress si Kuya Kairo sa'yo ang tapang mo pag nakainom." 

I glared at my brother but he just stick his tongue out para asarin ako. Alam ko na mataas naman ang tolerance ko pero talagang ang dami ng nainom ko kagabi. Nagkaroon kasi kami ng party at inuman yun para sa success ng concert ko. 

Dinner lang talaga ang plano kaso biglang nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ng mga kaibigan ko kaya sa bar kami napunta. Hindi nakasama si Irene at Chantal para makapagpahinga ako pero hindi yun ang nangyari dahil may biglang nagyaya sa'kin na uminom at sinama ko na lang ang kapatid ko. 

"Are you okay, sweet heart?" Dad asked na may dalang kape. I suddenly have the urge to take my dad's coffee pero naisip ko na sobrang tapang pala niya kung magtimpla ng kape kaya nagbago ang isip ko. 

Wag na lang dahil baka pati kaluluwa ko lumabas na sa'kin dahil sa tapang ng kape na yun. I don't like bitter coffee gusto ko maraming cream.

I just nod at him before I kiss his cheeks at nagpaalam na pupunta ng kitchen. Halatang kakatapos lang nila mag-breakfast. Hindi na nila ako ginising dahil nga nakainom ako kagabi. When I enter the kitchen my mom greeted me at sinabing kumain na ako. 

Wala na akong schedule dahil malapit na ang pasko and I am free until January next year. Binuhos ko na talaga lahat ng energy ko sa concert ko at mas lalo pa yung naubos dahil sa panglalasing ng mga kaibigan ko sa'kin. 

Hindi ko naman hinayaan si Kairo na pigilan ako dahil ayoko naman maging KJ and I can see that they just really want to have fun with me kaya ang ending nasobrahan kami sa fun kaya ang sakit ng ulo ko ngayon dahil sa hangover. 

My mom didn't left me in the dining at sinamahan niya akong kumain while she is eating apple. Dito muna kasi ako mags-stay sa bahay hanggang January. I plan to stay with my family for a while. 

"You and your brother is slowly growing. Tumatanda na talaga kami ng Dad mo." Mommy said all of a sudden. 

"Growing old but still beautiful ka naman, Mommy." I said and I saw how she smile at me and caressed my cheeks and put the strand of my hair on the back of my ears. 

We celebrated Christmas together at after celebrating it nagpunta kami sa mga charity na tinutulungan namin lalo na yung kay Tito. I just spend time with my family during the holidays. Madalas din naman akong niyayaya ni Kairo na lumabas. 

"Zem, is Kairi saying something to you? Like what is bothering her?" Kairo asked habang nasa mall kami at kumakain. May napapatingin sa'min pero hindi na lang namin pinapansin. 

"Why? Wala naman siyang sinasabi." I said. 

Hindi kami madalas nagkikita ni Kairi ngayon dahil nga family ko ang kasama ko at si Kairo naman talagang pinupuntahan lang at niyaya ako pero pag tinatawagan ko naman si Kairi at sabihin na sumama siya sa'min tumatanggi siya. 

"I feel like something is wrong with her. Sa school pinapansin niya ako pero parang ayaw niya akong kasama." 

Natahimik ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko alam ang nangyayari dahil buong akala ko wala namang problema dahil maayos naman ang nagiging usapan namin ni Kairi. Gusto kong isipin na baka may tampo lang siya kay Kairo but something is telling me that I am somehow responsible to what is happening. 

Dahil nga wala naman akong ginagawa buong January at ang kapatid ko naman may pasok at madalas si Mommy ang nakakasama ko because my Dad is at work. Sa katapusan pa ng January ang balik ko sa trabaho. I decided to go to Kairi. 

Never Ending HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon