Chapter 6
With You
I speak in front of Marco about performing together na parang siya ang may utang na hiling sa'kin when in fact siya ang may karapatan na humiling sa'kin because that is one of my gift for him noong birthday niya.
Noong birthday niya na nakita kong umiyak for the first time ang isang Marco Jael Vergara. Hindi ko din naman kasi naisip na maiiyak siya sa ginawa ko noon. Tinupad ko lang naman yung pangako ko sa sarili ko that I will make his day special for him.
Dahil ang sabi niya hindi naman daw mahalaga ang birthday niya at hindi naman daw importante yun and at the exact day of his birthday after my surprise for him nalaman ko ang main reason bakit nga ba hindi mahalaga sa kanya ang araw na yun.
Hindi lang siya ang umiyak ng araw na yun because I also cried buckets habang sinasabi niya ang dahilan why he hates celebrating his birthday.
"What is it we need to talk to, Zemmie?" Tito asked when I asked them to gather on our living room after we eat dinner.
"I need all of your help po, for Marco's birthday next week." I said and smile at them.
Sa totoo lang last month ko pa pinag-iisipan kung ano ang gagawin ko sa birthday niya dahil nga kagaya nga ng lagi kong sinasabi gusto ko na maging special sa kanya ang araw na yun para hindi niya maisip na walang halaga yun.
"Marco deserve to feel that the day he was born is the day he should be thankful of because I am. Kung hindi siya pinanganak ng araw na yun wala akong bestfriend na katulad niya." Natawa naman sila sa sinabi ko.
"We will help you." Tito said at tumango naman ang mga magulang ko doon.
"Tulong din ako! Magaling ako diyan." Xavi said kaya natawa na lang ako at niyakap siya at ginulo ang buhok niya. Xavi likes Marco so much to the point na pag nandito sa bahay si Marco may kaagaw ako at yun ang kapatid ko.
Just like what they promise they really did help me. Sakto kasi na may pasok kami ng araw ng birthday ni Marco. That is why I just asked my family to prepare everything habang nasa school ako at nagpapanggap na walang alam.
"Leannie, ayusin mo ah. Bibig mo pa naman masyadong madaldal sa mga ganito." I warned her. Tumango naman siya sa'kin at hinampas ako.
Wala kaming teacher ngayon at saktong break din nila Marco kaya nagdecide kami na sumabay na lang kumain sa kanila. Binalaan ko na agad si Lea dahil alam niya ang mangyayari mamaya pati na din si Carlo na sana hindi pa nadudulas dahil kaparehas pa naman yun ni Lea kaya siguro nagkasundo silang dalawa.
Ganun siguro talaga 'no. Madali mong makakasundo yung taong alam mong may kaparehas sa'yo. Just like how Marco and I got close. Natural na lang ata sa tao na maging komportable sa taong alam niyang may kaparehas sa kanya hindi man malaki pero meron.
"Bakit hindi pa kayo kumain kanina?" Tanong ni Marco nang makarating kami ng canteen at saktong nakabili na siya ng pagkain para sa'kin.
Umupo na muna ako bago ngumiti sa kanya. "Bawal na ba sumabay sa inyo? Nakakasakit ka ah." I told him.
Natawa naman siya sa'kin and just sign me to eat bago siya kumain na din. Nakatitig lang ako sa kanya, katulad nga ng hula ko hindi niya maiisip na birthday niya ngayon kaya hindi din siya nagtatanong sa'kin.
Hindi niya talaga inaalala ang araw na 'to and it's hurting me, lalo na tuwing maiisip ko yung mga taon na wala pa ako sa tabi niya. Umalis ang Mama niya noong 6 years old pa lang siya para magtrabaho at doon din ang simula why he use to celebrate every occasion dahil alam niya naman na mag-isa lang siya. Even his birthday.
BINABASA MO ANG
Never Ending Heartbeats
RomanceThe Typicals #3 Zemira Ember Velasco is a woman who dream to be a singer even when she was young. She dream to stand on the stage and hear the never ending cheers of people. But what if the only cheer she want is the cheer from her first supporter...
