I don't know if the song will suit the chapter but I am listening to that song while writing this whole chapter.
Triggered Warning: Self-Harm, Death.
Chapter 8
Shattered
If you are still young ang unang papasok sa isip ng iba tungkol sa'yo ay 'bata ka pa at marami ka pang hindi alam sa mundo.' hindi mawawala yun and even though my family never said that to me because they are just watching me grow to a woman I wanted to be but still I know that.
Alam ko na dahil nga bata pa iisipin mo din na marami ka pa ngang hindi alam sa mundo. If you are still young you will think na marami ka pang kailangan pag-aralan. Yung kahit na alam mo sa sarili mo na kahit papaano may alam ka na pero tinatanggi mo dahil nga sa paniniwala na yan na bata ka pa.
Young or not, we have our own mind. Alam ko na wala sa edad ang lahat ng bagay dahil oras na maging bukas ang isip mo sa lahat ng bagay may matutunan at matutunan ka. While we are growing we are learning a lot of things mostly about the things that some people will say na hindi pa dapat iniisip.
Just like what I am feeling towards my best friend. Yung lahat ng nararamdaman ko sa kanya na hindi ko alam kung hanggang kaibigan lang ba dahil habang tumatagal mas lalo kong narerealize na yung nararamdaman ko hindi lang dahil sa kaibigan ko siya kung hindi dahil may mga bagay din siyang nagagawa na nakakuha sa'kin.
I may be young but I know I am starting to catch feelings for Marco. At habang tumatagal din doon na ako nag-uumpisang matakot hindi dahil sa alam kong makakaapekto sa'min yung nararamdaman ko kung hindi natatakot ako na mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko hanggang sa dumating sa point na magkasakitan kami dahil lang doon.
Mas pipiliin ko na pigilan ang nararamdaman ko kaysa dumating sa point na yun dahil alam ko na pag dumating ang point na yun isa sa'min ang susuko at ayoko nun. May pangarap ako na gustong tuparin kasama siya at ayoko na dahil sa nararamdaman ko hindi namin matupad yun kaya hanggang kaya ko pipigilan ko kung ano man 'to.
"Do you think you can stop that? My god, Zemira. Pinapahirapan mo akong iwan kang mag-isa talaga." Lea said and laugh bago may isubo sa'kin na tinapay na kinagat ko naman. I told her about everything that is bothering me at nakikinig lang naman siya sa'kin at yun ang una niyang nasabi.
"Kaya nga, I am thankful nandiyan ka eh. Sino na lang makakausap ko about this kung hindi ka dumating sa'kin?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong kainin yung sinubo niya sa'kin na tinapay kanina.
She just gave me a smile and pinch my cheeks bago siya kumuha ng butter cookies at sinubo yun at inikot muna ang paningin sa buong kwarto ko bago nakangiting tumingin sa'kin. She is acting weird this past few weeks.
"Zemira, there are times that kailangan ikaw ang haharap sa problema. Katulad ngayon, hindi ako ang makakatulong sa'yo kung hindi ang sarili mo. Ask yourself kung kaya mo nga bang pigilan ang kung ano man yan, ikaw lang talaga makakakuha ng sagot, hindi ako." She said and smile at me.
Huminga na lang ako ng malalim at humiga na lang sa kama ko at tumingin sa ceiling ng kwarto ko. Tama naman ang sinabi ni Lea pero paano kung pati sarili ko hindi alam ang sagot at kung alam ko man hindi naman ako sigurado kung tama ba yun o mali.
Nandito si Lea sa bahay dahil may vacation kami sa Palawan bukas kasama namin siya dahil gusto niya din naman at kasama din naman si Marco at Carlo kaya parang first vacation na din namin kasama nga lang yung family ko.
"Sa totoo lang Zemira, gusto kong makita na maging masaya ka. Yung hindi mo pinipigilan yung sarili mo sa mga bagay na gusto mong gawin. Just like your love for music. Alam ko naman na handa ka na sa bagay na yun but there is something inside you that is not yet ready," Lea said all of a sudden kaya napatayo naman ako sa kamaya at tumingin sa kanya and she is already hugging her knees while looking at me with a meaningful smile on her face.
BINABASA MO ANG
Never Ending Heartbeats
DragosteThe Typicals #3 Zemira Ember Velasco is a woman who dream to be a singer even when she was young. She dream to stand on the stage and hear the never ending cheers of people. But what if the only cheer she want is the cheer from her first supporter...