Chapter 39

84 2 0
                                    


Chapter 39

Song

Hearing those three words from the person you love feels like you can exchange everything just to hear that every day. That is what I always felt every time I will hear those three words from Marco.

Noon pa naman boses niya ang hindi ko pagsasawaang pakinggan. I may be the singer, but Marco's voice is better for me. I am his fan, just like what he is to me. He is my supporter, he never stops encouraging me just like how my family supported me ever since.

Dumating ata talaga sa buhay ko si Marco para ipakita sa'kin kung gaano kasarap na abutin ang pangarap ko ng kasama siya. He may not be there while I am achieving everything but I am happy that now he is finally with me.

Lahat ng pwede kong maabot, aabutin ko na kasama siya. I will not stand on the stage alone anymore just like how I used to because I will make sure that I will stand on the stage with him by my side.

"Kairi!" I shouted when I saw her. She is so beautiful in her wedding dress. Na-late kasi ako dahil may inayos pa ako at urgent din kasi kaya kahit na gaano ko kagustong i-cancel hindi ko magawa.

"Akala ko hindi ka na dadating!" Reklamo niya sa'kin. Natawa na lang ako ng naiyak na siya habang nakatingin sa'kin. Nakaayos na ako dahil bago ako pumunta sa kanya nagpa-ayos na muna ako.

"I can't miss my two Kai's wedding." I said and hug her. Natawa na lang sa'min si Callie bago makisama sa yakapan.

We just take a lot of pictures at tinanong din niya kung nasaan daw si Marco at sinabi ko namang susunod dahil may tinatapos ding meeting through zoom kaya nandoon siya sa unit niya. Iniwan ko siya doon dahil may kailangan nga din akong gawin, sinabi niya naman na susunod siya. I sleep there dahil na-miss ko naman siya.

Nauna kaming makarating ng simbahan at doon ko lang nakita si Kairo at natawa na lang ako ng makita ko ang itsura niya habang inaasar ni Jesiah.

"Itsura mo naman, akala mo wala kayong anak. Nauna na nga honeymoon niyo bago dito." Rinig kong sabi ni Jesiah kaya natawa ako lalo at nahampas naman siya ng girlfriend niya.

"Subukan mo kaya? Kung makapagsalita ka akala mo naranasan mo ng ikasal. Tandaan mo pag kinasal ka todong pang-aasar matatanggap mo sa'kin. Ipapahiya kita sa araw ng kasal mo p're." Umiling na lang ako bago kunin yung atensyon niya at bigyan siya ng ngiti. Inayos ko yung necktie niya bago siya yakapin.

Ewan ko ba pakiramdam ko ako ang magulang nila dahil sa mga pinag-gagawa ko. Kanina muntik na akong umiyak habang nakatingin kay Kairi na kinukuhanan ng picture kasama si Callie ngayon ganun din. Ganito siguro kung ikaw ang nakahalata sa kanilang dalawa. Ikaw ang unang nakakita ng totoo bago pa man nila makita.

Malapit ng mag-umpisa yung kasal pero wala pa din si Marco. When I tried calling him wala ng sumasagot. I tried calling the landline sa unit niya wala din naman, baka kasi naka-silent lang yung phone. Ganun pa naman yun pag may ginagawa siya talagang naka-silent ang phone niya. Ayaw magpaistorbo.

I am the maid of honor dahil ako ang nanalo sa laro namin ni Callie. Talagang dinaan namin sa laro ang pagkuha ng maid of honor at ako ang nanalo kaya ito ako. Okay naman doon si Callie kahit na ang best man ay ang boyfriend niya.

The wedding already started at itinuon ko na lang sa kasal ang atensyon ko. Hindi ko mapigilan na maluha lalo na noong umiyak na si Kairo habang nasa kalagitnaan ng pagsabi ng vows niya. Nadamay na din ako dahil nang lingunin ko si Callie umiiyak na din siya. I was about to look away nang mapatingin ako sa likod ng simbahan at doon ko nakita si Marco na nakatingin sa'kin.

Napangiti na lang ako dahil imbes na sa kinakasal siya nakatingin sa'kin siya nakatingin na akala mo may maganda siyang makikita sa'kin. He wink at me kaya nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko at iniwas ang tingin sa kanya. Para akong tanga na may luha na nagpipigil ng ngiti.

Never Ending HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon