This will be a long Epilogue. I considered dividing it into two parts but I realize that it's better to put it in one chapter para hindi maputol ang feels while reading Marco's POV. That is why this is a long chapter, I asked for your patience and time HAHA.
I am the kind of author na gusto ko alam niyo yung feels ng male lead ko sa buong story hehe. Gusto ko isulat yung iniisip nila at that moment ganun.
____
Epilogue
Never Ending
"Marco, you are making me worry." Mama said. Kasama niya nga din ang bagong partner niya pati yung anak niya na babae na tatlong taong mas bata sa'kin.
Simula ng makarating ako dito sa New York hindi nila ako nakakausap ng matino at nakakulong lang ako dito sa kwarto ko kahit kumain hindi ko magawang sumabay sa kanila. Pakiramdam ko wala akong lugar kung nasaan dapat ako.
I can't help but to think of Zemira. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa kanya kung alam niya na bang hindi ko na nagawang tupadin yung pinangako ko sa kanya na kahit anong mangyari hindi ko siya iiwan.
"Okay lang ako, Ma." Lie. It's a lie. How can I be okay kung kahit anong gawin ko hindi ko mapigilan na isipin yung nararamadaman ni Zemira kahit na alam kong tama naman ang naging desisyon ko.
She will be okay, but what about me? Kaya ko ba ng wala siya? Since she came into my life suddenly nagkakulay ang mundo ko. She is my favorite song out of many songs I love. Yung ngiti niya yung nagpaparamdaman sa'kin kung gaano kasarap ang mabuhay.
Gusto kong balikan siya. I badly want to come back to her pero may pumipigil sa'kin na gawin yun because I know that a person like me can bring her down. Kilala ko ang babaeng mahal ko dahil bago ko maramdaman na mahal ko siya nakilala ko muna siya bilang kaibigan. I know her so well.
Knowing how mess I am right now alam kong lahat kaya niyang isuko para sa'kin. Ayoko na isuko niya pa ang lahat ng pinaghirapan niya para sa'kin. I am a living mess, my mind is a mess and I don't know what I really wanted other than loving her.
Pakiramdam ko yung taong katulad ko wala dapat sa tabi niya dahil pwedeng mahila ko din siya pababa dahil hindi ako maayos. Pakiramdam ko tatakbo at tatakbo lang ako sa kanya palayo lalo na kung alam ko sa sarili ko na mas okay siya na wala ako sa tabi niya. Mas kaya niya.
"Kuya Marco, do you hate me?" Napatingin ako kay Katie dahil sa sinabi niya. Nandito kami ngayon sa University kung saan ako mag-eenroll for college. Naiwan kami ni Katie dahil may inaayos pa daw si Mama.
"Why did you think of that?" I asked her. She is cute and sweet. Nakikita ko naman yun sa kanya. In just one look I can see that she likes me and she is happy to have me as her brother because she looks like she is wishing for one.
Magaling din siya kumanta. Naririnig ko siyang kumanta sa bahay and she is good. Kasal na si Mama at Tito Jordan at ngayon alam ko na hindi lang nila matanong but I heard them talking about changing my surname into Ashford. I heard them but I heard Mama na baka hindi pa daw ako handang pag-usapan ang bagay na yun kaya hindi pa siguro nila ako kinakausap tungkol doon.
"Because you are not talking to me? I know you are sad and in pain but I just want you to know that you gave light to my life. Please, talk to us, and let us be your strength." She said and smiled at me. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil saktong dumating na si Mama at Tito Jordan.
He said that I can just call him Daddy pero hindi ako makahanap ng tapang na gawin yun dahil sa loob ko hindi naman ako sanay na may tinatawag na ganun at hindi ko alam ang pakiramdam na tratuhin ng tama ng isang ama. Sa ibang tao ko kasi naramdaman ang pag-aalaga at pagmamahal ng isang ama hindi sa tunay kong ama.

BINABASA MO ANG
Never Ending Heartbeats
RomanceThe Typicals #3 Zemira Ember Velasco is a woman who dream to be a singer even when she was young. She dream to stand on the stage and hear the never ending cheers of people. But what if the only cheer she want is the cheer from her first supporter...