Chapter 41

97 2 0
                                    

Marco's POV again. The next one will be the Epilogue. Ngayon pa lang sasabihin ko na mahaba talaga ang chapter na ito ganun din siguro ang Epilogue pag nagkataon. Gusto ko lang talaga i-share din sa inyo yung feels ni Marco sa lahat ng nangyari. Ayoko na ako lang ang kinukuha niya! 

Sa totoo lang naman napahaba ko talaga ang story na 'to. Halos lahat ng chapters na naisulat ko is lagpas talaga sa word count ko na 4k haha. 

____

Chapter 41

Goodbye, Zemmie

"Nakita ko ang pagmamahal mo sa musika, Marco. Sana wag mo hayaan na hindi mo matupad ang sinabi mo sa'kin noon bago kita turuan ng mga instrumento." Sabi ni Kuya Erwin sa'kin magtapos niyang ibigay sa'kin ang isang gitara bilang regalo. 

Sinasarado na kasi ni Kuya Erwin ang shop niya dahil kailangan niya ng umuwi sa probinsya nila dahil may sakit ang tatay niya at gusto niyang alagaan kaya sinarado niya na ang shop niya dito at susubukan niya daw kung makakabukas pa siya ng shop niya sa probinsya nila. 

Nalulungkot ako na aalis siya dahil isa din siya sa naging pamilya ko sa nakalipas na taon. Sobrang laking pasasalamat ko sa kanya dahil hinayaan niya ako na magtrabaho sa kanya at ipagamit sa'kin ang mga instrument dito sa shop. Tinuruan niya din ako. Naging isang Kuya talaga siya sa'kin. Kaya hindi ko din naramdaman na ang hirap ng buhay ko sa sarili naming bahay. 

"Ano sa mga sinabi ko, Kuya?" Tanong ko sa kanya. Ginulo niya muna ang buhok ko bago ako bigyan ng sagot. 

"Gusto mong maibahagi sa lahat ang talento na nahanap mo habang kinakaharap ang lahat ng hirap at sakit. You want the world to see that you can be saved by music, by a simple song.

Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti dahil naalala ko na sinabi ko nga yun sa kanya. Alam ko sa sarili ko na isang katulad ko hindi dapat nangangarap. I deserve to stay in the dark place wherein I am the only person there and the only thing that keeps me going is music. 

Hindi ko pinangarap na sumikat pero gusto kong maibahagi sa tao ang musika na siyang nagbibigay ng dahilan sa'kin para magpatuloy. Mahilig din kasi akong magsulat ng mga tula at nang makita yun ni Kuya Erwin sinasabi niyang may talento ako at baka makayanan ko din na magsulat ng kanta pag nagtagal. 

Natuwa ako habang iniisip ko pa lang yun. Gusto kong magbigay inspirasyon sa tao gamit ang talento at mga salitang gusto kong sabihin gamit ang isang kanta. Hindi ko pa din kasi nakakalimutan kung paanong ang isang kanta ang makakapagpatahimik ng maingay kong mundo. 

It saves me from the cruel world. Music becomes my savior not until Zemmie. She proves to me that she is that song that will save me on my dark place. 

Sa nakalipas na ilang araw matapos ng graduation ginawa ko ang lahat para lang maiwasan si Sir Noel o si Kuya Larry dahil alam ko na hahanapin at kakausapin niya ako. Mabilis na dumaloy ang hiya sa katawan ko matapos ng nangyari sa'min ni Zemira noong graduation ko. 

I know I made her cry at nakita ko yun. Hindi ko lang talaga maintindihan bakit nagawa kong sigawan siya ng ganun at magalit sa kanya. Wala akong matakbuhan at makausap dahil umalis na si Kuya Erwin bago pa ang graduation ko at gitara nga ang naging regalo niya sa'kin.

Hindi ko din alam kung paano ko haharapin si Sir Noel matapos nang nangyari sa'min ng pamangkin niya. Sa totoo lang sa maikling panahon na nakasama ko si Zemira ang gaan ng loob ko sa kanya. 

That is why I can't understand why I suddenly snap like that. Nagalit ako sa kanya dahil lang pinapunta niya si Sir Noel para sa graduation ko. Siguro hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit niya kailangan gawin yun at nakasama na din ang hiya.

Parang pamilya na din naman ang turing ko kay Sir Noel at Kuya Larry pero hindi ko naman maiiwasan na makaramdam ng hiya sa kabutihan na binibigay nila kaya ganun na lang din ang naging reaksyon ko kay Zemira ng araw na yun.

Naramdaman ko na parang kinakaawaan niya ako dahil sa ginawa niyang yun. The last thing I want ay ang kaawaan ako dahil sapat naman na siguro na ako na mismo ang naawa sa sarili ko. Ayoko na pati ibang tao maawa pa sa'kin. Seeing people pitying me makes me pity myself more.

Hindi lang ako sanay na merong isang katulad niya na kayang iparamdam sa'kin ang magaang pakiramdam. Maraming taong dumating sa buhay ko para iparamdam na hindi ako nag-iisa pero nang nagkausap kami ni Zemira iba ang naramdaman ko.

Merong something sa kanya na kayang magpagaan ng loob ko. The feeling of having a certain connection to someone. Yun ang nararamdaman ko sa kanya. 

Never Ending HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon