Chapter 4
Meaning
I never cried like this. Yung klase ng iyak na dahil ako yung nasasaktan para sa isang tao. Seeing Marco being punch like that, I feel like pati ako nasaktan. Lalo na nang makita ko kung paano lang siya tumayo at hindi gumagalaw at nang mas lalo ko pang makita ang mukha niya lalong nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.
His face is full of bruises! Nadagdag pa yung dumudugo niya ng labi ngayon.
"Kung may oras ka na magtanong kung okay ako, tanungin mo muna ang sarili mo kung okay ka ba!" I shouted at him while my tears are still falling.
"Okay lang ako."
"Tumahimik ka. Halika, aalis ka dito." I said at kinuha yung braso niya at naglakad sa kotse at ayaw niya pa pumasok kaya binigay ko lahat ng lakas ko para maitulak siya sa loob ng back seat.
I wipe my tears kahit na pakiramdam ko naiiyak pa din ako pinigilan ko ang sarili ko. Ang gusto ko na lang muna ay maalis si Marco sa lugar na 'to and bring him somewhere na alam kong walang gagawa ng ganung bagay sa kanya.
"Zemmie," he tried calling me pero hindi ko siya pinapansin at nasa labas lang ang tingin habang malalim ang inisiip.
Seeing his situation, it makes me want to take him away from there. Hindi ko inakala na mararanasan niya ang masaktan ng ganun sa mismong harap ko and worse Papa niya pa ang gumawa nun sa kanya.
Nang makarating kami sa bahay nauna akong bumaba ng kotse at hinila na din siya pababa. Hindi ko pinapansin mga reklamo niya at pumasok lang kami. Hindi na ako nagulat ng makita ko na sila Daddy at Tito na gulat din sa biglang padabog kong pagpasok. Nakakalat pa yung mga maleta sa sala, it means kakauwi lang din nila.
Hindi ko na lang muna sila binati at pinaupo si Marco sa sofa bago maglakad kung nasaan yung first aid kit at nang makuha ko yung mabilis akong tumabi sa kanya at padabog na nilapag sa center table yung kit and open it agrressively.
Tahimik ang paligid habang ginagamot ko ang labi niya at siya naman nakatingin lang sa'kin na todo ang pagdaing but I am not showing him any emotions at all.
"Zemira, okay lang talaga ako." He said.
"Stop saying na okay ka. Look at your face at the mirror, Marco. Puro pasa ang mukha mo and I just saw how your dad punch you in the face. Hindi yun okay! Pumunta ako sa'yo because I am worried dahil hindi ka pumapasok and to see you looking like that? Marco, I feel like kilalang kilala mo ako pero hindi naman kita kilala." I told him. Nararamdaman ko na naman yung pamumuo ng luha sa mga mata ko.
I am crying not just because I am hurt because of what happen kung hindi dahil I am also frustrated. I just can't believe na makikita ko siya sa ganung sitwasyon. He is my best friend. At alam ko na kung sino mang tao ang nasa sitwasyon ko ganito din ang mararamdaman.
"Willing naman ako na antayin hanggang sa malaman ko ang lahat ng tungkol sa'yo kahit na pilit mong tinatago lahat. Pero yung ito? Yung makita ka na ganyan at makita kung paano ka masapak. Sobra na ata yun." Nakatitig lang siya sa'kin and it makes me more frustrated dahil nakikita ko yung pag-aalala sa mukha niya.
Hindi ko alam kung saan ba siya nag-aalala. Sa sarili niya o sa'kin na tinitingnan niya lang. He is looking at me with those emotions in his eyes.
"Tito, do something. Can you take him away from there? Can you?" I look at Tito and I watch how his eyes go to where Marco is.
"He did that again?"
Kumunot naman yung noo ko sa sinabi ni Tito. "What do you mean again? Ibig sabihin alam mo na nagkakaganito siya, Tito?"
BINABASA MO ANG
Never Ending Heartbeats
RomanceThe Typicals #3 Zemira Ember Velasco is a woman who dream to be a singer even when she was young. She dream to stand on the stage and hear the never ending cheers of people. But what if the only cheer she want is the cheer from her first supporter...
