TRAILER
o~o~o~o~o
'MAXIMIANA ANNA CONCEPCION...!!! H'wag mong sabihing nasa kama ka pa at bago ka lang nagising?!!!!'
'Okay. Hindi ko sasabihin, Jane. Pero 'yon ang totoo eh. HAHAHA!!!'
'Max naman, kanina ka pa namin dito hinihintay. Alam mo ba kung anong oras na?'
'Ba't niyo ba kasi ako hinihintay?'
'Ugh! LAST DAY OF ADMISSION NGAYON!!!!'
'ANOOOO?!!!!!'
Ayan si Max. Hindi siya 'yong tipong babae na makikilala mo lang basta-basta sa kanto at hindi rin ito 'yong tipong eksena na makikita mo sa isang babae. Pero, palaging ganyan ang eksena niya sa buhay. Isang maingay, mabunganga, at super kalog na babae; malakas ang confidence basta pagandahan ang usapan; at palaging late sa klase.
'Haaah! Haaah! Haaah! Haaaah! Sorry miss... I'm late...'
'Why are you late, huh? WHERE DO YOU RESIDE?'
'Sa-Sa... Sa San Enrique po... Traffic po kasi eeh...'
Pero hahamakin niya raw ang lahat para lang mapansin ng lalaking matagal niya nang gusto since high school pa to the point na pati ang kurso nito ay ginaya niya ngayong nasa college na siya.
'Bilib na rin talaga ako diyan sa fighting spirit mo, Max. Biruin mo, na-take mong kunin ang kursong ECE kahit na ayaw na ayaw mo sa Math para lang mapansin ka ni Troy and now makakadate mo siya! You're sooo nakakainggit!'
'Gaga! Hindi date 'to, 'no? Ayoko pa siyang tawaging date. May asungot kasi kaming kasama eh. Ammm, let's just call this, my first step to the biggest success of my love life with papa Troy! AAAHHHH!!!!!!!!!!'
'AAAAAAAAAHHHH!!! Suportahan kita diyan! Appear!'
o~o~o~o~o
'You should've called me naman sana. So that I would not look like a loser here, waiting for nothing,'
'Whatever.'
'Wait Kim, where are you going?'
'I am going to Hell. Sama ka?'
Meet Kim. Hindi naman siya 'yong tipong guy na gusto mong makilala. The jerk of the family, walang plano sa buhay, kinuha ang kursong ECE dahil 'yon din ang kursong tinapos ng kanyang kuya, at may hindi kagandahang ugali.
'Oh, crush ko, nasaktan ka ba? Alam kong tanga ka pero h'wag mong araw-arawin.'
---------
'First year kayong dalawa?'
'Of course, first year kami. Magtatanong ba kami kung matagal na kaming nandito?'
Idagdag na rin natin ang pagiging suplado niya, maiinitin ang ulo, antipatiko, mayabang, self-centered at higit sa lahat, masungit.
'Nag-iingat lang ako, kuyang masungit!'
'Kim ang pangalan ko!'

BINABASA MO ANG
University Lovers
Fiksi RemajaExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!