Chapter 1

440 52 60
                                    

April 9, 2020
COMPLETED!
Please be kind and bear with me, This is my first story sa wattpad and I'm slowly editing my piece.

Don't forget to vote or leave a comment, feedbacks, and suggestions! I badly need your critique.
Thank you!

Chapter 1
Boom panes! Boom, boom panes panes! Boom panes!

"Hay naku Vice Ganda. Sikat, madaming friends, madaming pera. Buti pa sya! Kahit juding sya ang galing nya parin." Himutok ko.

"Ay nako friend, ganyan talaga kaming mga shokla, talented! "

Psh... Here we go again. That is JEC, short for Jelson, my ever gorgeous gay bestfriend. Kumakain kami ngayon ng tanghalian habang nanunuod ng It's Showtime.

"Ikaw kasi Grim, inggitera ka! May talent ka rin naman, maganda pa, E ayaw mo irampa!" Dagdag pa ni bakla and he's pertaining to me.

Im Grimmie. Yup. Grimmie Bernardez. My bestfriend call me grim or gg. I have no family, no parents, no siblings but I have Jelson. Sya at ang tita nya ang nagpalaki sa akin at nag aruga.

"Jec wala akong ganyan ano ka ba. Hindi ako madidiscover or something else ok? "

Narinig ko syang bumuntong hininga. Pero lahat naman tayo may mga hidden dreams diba? Syempre ako gusto ko maging artista o kaya maging mangkukulam nalang kaya? Para maging exciting yung buhay ko.

Pumunta na ako sa kwarto at naligo. Enrollan na pala ngayon. 3rd year college na ako at working student. Call center agent ako sa gabi hanggang madaling araw para may pang tuition at para maging guro narin ako.

"Sige Jec, enroll muna ako" Paalam ko. Nakikitira lang ako sa apartment nya. Nakita ko pa syang ngumuguya ng sandamukal na pancit canton habang nakatawa sa akin.

"Bye bye Grim! You make ingat! Don't make inarte 'coz you're not rich! " sigaw nya.

Aba't! Inirapan ko sya. Im not maarte ah! Ganda ko kaya. Tumalsik-talsik pa 'yung ibang pancit canton galing sa bunganga nya. Kaloka! Mabilaukan ka sana.

Simple lang ako, dahil simple lang ang pamumuhay ko. Naglakad na ako palabas sa eskinita namin. Maraming nakatira dito.

Nasa tambayan nanaman yung mga lasingerong triker dito sa lugar namin.

"Grabe chicks talaga ni Grimmie"

"Bakit kaya walang jowa yan?"

"Naku masungit kasi 'yan!"

Edi wow! Sige iparinig nyo pa sa akin 'yang mga 'yan na parang hindi ako naglalakad sa tapat ng mga gagong ito.

Nasa huling eskinita naman yung mga payatot na tropa ni Jec. Hinanap ng mata ko yung type nya dito. Halos matawa ako nung lahat sila ay magkakamukha. Mga tambay na payatot.

"Hala bakit mo kami tinitingnan Grim?"

"Type ata ako nyan"

"Magkaibigan talaga sila ng bakla"

Sabay tumawa nang malakas. Sige magsitawa pa kayo at baka humiwalay na yung mga buto buto nyo. Mga sangago!

Nagpasalamat ako kay Lord nang makarating na ako sa highway. Araw-araw ganun ang nadadaanan ko kaya nga minsan tinatamad na akong lumabas ng apartment. Sino ba namang sisipagin umawra kung ganun yung mga kapitbahay mo? Kung sana may pogi dito saamin eh.

Nilabas ko na yung earphone kong medjo bulok na pati yung cellphone ko na 8 years na sa akin. Bigay ito ni Jec, marami kasing raket yun. Namimigay nalang ng cellphone kung kani-kanino. Bakit kaya hindi nalang vitamins yung ibigay nya dun sa mga payatot nyang tropa?

Habang nakikinig ako ng music, o wag kayong ma amaze, sa radio ako nakikinig. Walang memory card 'tong cellphone na 'to.

Ang sarap lang mag senti habang naglalakad tapos nakikinig sa radyo. Syempre nag de-daydream ako na mas exciting yung buhay ko. Gusto ko ng adventure!

*BEEEEEEEEP*

Punyeta! Muntik pa akong masagasaan lintik na yan. Patawid na pala ako. Hinubad ko na 'yung earphone ko at baka ito pa ang dahilan ng pagkamatay ng isang magandang  tulad ko.

Adventure pa more.




Multimedia image and book cover by the talented Jin_Eeiz42 ! Thank you so much!

-dyosamarie

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon