Chapter 48

37 12 1
                                    

"Girl kamusta ka na dyan? Bongga ka ah kailan ka ba uuwi dito? Tapos na school year nyo diba? "

"Jec, hindi pa ako makakauwi ang dami kong work dito. Alam mo namang na promote ako"

Pitong taon na ang nakalilipas simula nang iwan ko ang Pinas at mag work dito sa Australia. Nakapag adjust naman ako agad. Nakatulong ang pagiging sawi ko sa pag ibig para makapag focus ng sobra sa work. Ayun work ng work na promote ako maging Preschool head teacher dito at ang daming dagdag na trabaho nakalimutan ko ng umuwi.

"I know, I know busy ka pero Grim naman, paano naman kami dito? Oo ang WC nakakabisita dyan kasi mayayaman yung mga 'yun eh pano naman ang hampaslupang bestie mo waley?"

Natawa nalang ako. Ilang beses ng bumisita dito ang WC magmula nang ipaalam ko sakanila na nagwowork na ko dito. After three years of teaching that I decided to tell them kasi I blocked them sa lahat ng connections ko. Kahit nga si Jec hindi rin ako nacontact for a year muntik nya na nga daw ako ipa Tulfo akala na scam na ako. Nag send lang ako ng email sakanya kasi baka i bribe ng WC si bakla.

After that year na ako lang talaga mag isa, Without any news from the Philippines. I felt good, new as in fresh!

Nagalit sila sa akin  ang WC nung una dahil bakit daw hindi sila kasama sa paghatid sa akin sa airport nagdrama pa sila. Akala nila madali lang sa akin yung mga nangayari? Iniwan rin nila ako. Pinili nila si Olivia. Abot langit 'yung paghingi nila nang tawad sa akin, pero siguro nag mature talaga ako dito, nakalimutan ko na 'yung kagagahan ko sa pinas.

May mga times na naiisip ko baka alam na ni Ben na nandito ako. Baka sundan nya ako. Kasi minsan nararamdaman ko sya, nagiiba yung tibok ng puso ko? Pero masakit kasi nag assume nanaman ako.

"Sige na beks pasok na ako. Thanks sa pagtawag ah. Talk to you soon love yah"

Alam ko naiinis na sya sa akin kasi parang nakalimutan ko na sya. Pero nawala lang 'yung mood ko nung may naalala ako.

Binisita ako ng WC year 2017 ata nun, Christmas season. Gusto ko lang maitanong si Ben. 5 years na ako dito sa Australia.

"Ahm Anna, kamusta naman ang pinas?"

Simula nang dumating na sila dito, para bisitahin ako ngayon ko palang itatanong si Ben.

"Pinas or si Ben? Sino ba kinakamusta mo?"

Minsan talaga ayoko magtanong dito kay Anna eh. Sya lang kasi ang matinong kausap sa girls.

Hindi nalang ako umimik. Nag aayos kami ng foods para sa mga bwisita ko. Andito rin ang mga jowa nila and going strong sila. Minsan kakainggit nga sila eh. Napapaisip ako. Paano kaya kung kami ni Ben? Paano kaya kung hindi ako sumuko? Paano kaya-

"Once ko lang sya nakita pagtapos nang burol ni Olivia. Simula nun nawala na sya kahit yung LIMA, hindi nila alam kung nasaan sya. Sorry Grim"

I smiled. The sad smile. Siguro nga nakalimutan nya na ako. Ganun talaga siguro. Ang tanga tanga ko talaga. Dapat hindi na ako magiisip ng what if what if's na yan.

Simula nun dumoble ang pag ka workaholic ko, nawalan na ko ng social life.. nagiipon ako dahil kukunin ko si Jec dito.

Pagkatapos ko magwork lagi lang ako dumederecho sa isang garden dito malapit sa school namin.

Hindi ko alam pero feel ko kasama ko si Ben dito. Minsan kasi naamoy ko sya dito. It's weird but I find it comforting. I know ang tanga ko kasi umaasa parin ako. Pero minsan napapaisip ako kasi hindi lang sya ang may kasalan kung bakit nagkaganito kami.. ako rin alam ko may kasalanan ako at 'yun ang hindi ko sya pinaglaban.

Pero hindi lahat ng pagmamahal pwedeng ilaban. 'Yung sa amin ni Ben, pagmamahal sya na dapat  kalimutan na.

Napatingin ako sa isang flower na nakatunghay sa harapan ko. May mga tinik sya palibot sa tangkay nya. Napaisip ako, bago magkaroon ng isang napakagandang bulaklak dapat dadaan ka muna o may pagdadaanan ka munang matinik na daan.

Biglang may sumagi sa isip ko, dumaan na ba ako sa isang matinik na daan? Oo pero hindi parin ako masaya. It means hindi pa 'yun ang matinik na daan. It means, meron pa kong hindi nagagawa. It's not the end for me.

You'll stop kapag contented ka na if hindi ka pa masaya maybe hindi mo pa endgame?

Gosh! Bakit hindi ko naisip yun? Bakit?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ulit si Jec.

"Beks. Im going home"

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon