Chapter 38

80 22 11
                                    

Hindi ko akalain na pwede ko pala 'tong maramdaman. Sino ba naman kasi ako diba? Wala akong pamilya, si Jec lang ang kaibigan ko.

Kaya ngayon na bente uno na ako, sobrang pasasalamat ko sa Diyos kasi binigyan nya ako ng buhay na ganito.

Pinapasalamat ko na may grupo ng mga babae na handa ako damayan sa lahat ng problema.

May BFF ako na handang makipag patayan para lang maging masaya ako.

May mga tambay sa kanto na walang ginawa kundi tomoma.

At syempre nagpapasalamat ako sa lalaking nasa tabi ko na nagpabago sa boring kong life.

"Hey.. Are you happy?"

Sobra.

Pagkatapos ng mini surprise nila sa akin, lumafang talaga kami ng bongga. Lahat niluto ng WC. Nagbigay din sila ng mga regalo sakin which is first time! Kasi walang nagbibigay sa akin ng regalo. Si Jec lang, kapag Christmas lang.

Si Ben? Kahit wala syang regalo, sapat na sa akin ang mini concert nila and ang pag organize nya dito sa birthday party ko. First time ko kaya masurprise!

Sapat narin ang pagdala nya dito sa bundok, nakikita lahat ang mga city lights ng Manila. Dinala nya ako dito pagkatapos ng salo salo naming magkakaibigan. Nakahiga kami sa hood ng kotse nya at nakatingala sa langit pinapanuod ang mga stars.

Hindi ba't parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man
Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'why maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

Naririnig namin ang tugtog mula sa radyo ng kotse nya. Sana hindi na ito matapos.

"Hey.. Im asking you, are you happy?"

Tumingin ako sakanya.. Nakahiga kasi ako sa dibdib nya.

"Super. Thank you so much Ben."

"Ang dami kong kasalanan sayo Grim.. Kulang pa ito"

No. Lahat ng 'yon nawala. Isang ngiti mo palang, nabura na lahat ng hinanakit ko.

"Im sorry Grim.. Kung nasigawan kita nung nasa EW tayo."

Oo nga. Hindi pa sya nagkwekwento kung bakit bigla nya nalang ako sinigawan nung tinanong ko sakanya kung sino si Olivia.

"Bakit ka ba kasi nagalit nun?" I pouted.

"Tsk. Wag ka ngang mag pout dyan! Halikan kita eh!"

Bigla ko namang inayos yung labi ko. Problema neto?

"Si Olivia kasi.. Parang kapatid ko na sya. Nung namatay ang parents nya sa car accident, sa akin na sya pinagkatiwala ng tatay nya. At sobrang na guilty ako dahil kasalanan ng tatay ko kung bakit naging ulila sya. Bestfriends kami noon. Kaso napariwara sya. Nakitira sya sa akin nung mag college kami, nakilala ko sya at inalagaan bilang kapatid ko."

Ang arte naman nya. Parehas naman rin kaming wala ng magulang. Pero hindi ganyan ang attitude ko.

"Nagalit ka nalang kasi tinanong ko sya ganun?"

"Yes. Akala ko kasi pinagbibintangan nyo sya and tinanong mo pa kung gf ko sya! nakakainis kaya! Parang pinagtatabuyan mo ako." Sya naman ang nag pout.

"Ang drama mo! Ang panget mo mag pout. Tigil mo 'yan"

Bigla nya naman akong niyakap.

"Kung dati ko pa nalaman yung hidden agenda ni Olivia, siguro dati ka pang naging akin" He kissed my forehead.

"Ok lang. Tapos na 'yun. Ang mahalaga, masaya tayo ngayon."

Yes. 'Yung mga nangyari dati, pilit ko nang kinakalimutan ang lahat at gusto magkaroon ng mga bagong memories kasama sila. Ang mahalaga ay importante. Ano daw?

"And.. for my gift to my one and only love.. In 3.. 2.. 1.."

*booom! *boom!

Napatingin ako sa fireworks. Ang gaganda! Napatayo ako at lumapit sa may dulo ng cliff. Naiiyak na ako. Kasi nakwento ko kay Jec na gusto ko yung mga ganitong eksena.

"Sabi ni Jec you want this for your birthday."

Napaligon ako kay Ben. May hawak syang malaking teddy bear at bouquet of chocolates.

Maaasahan mo talaga si Jec! Dapat pala sinabi ko na gusto kong magkaroon ng house and lot.

"Happy Birthday My Love"

Lumapit sya sa akin at may sinuot sa leeg ko.

This is my best day ever.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon