Chapter 2

281 47 46
                                    

Nakarating naman ako sa University of Rizal System ng buong buo. Hindi na ako nagtangkang shumunga sa daan para hindi ako mamatay.

Ang URS ay isang state university dito sa Province of Rizal. Hindi kamahalan ang tuition kaya dito na ako nag enroll. Maganda ang turo kaya paniguradong magiging magaling na guro ako.

Mahilig ako sa mga bata. Kaya gusto ko sila turuan, naalala ko pa nung bata ako tinuturuan ko si Jec mag basa, mag sulat kaya noon palang alam ko na magiging teacher ako someday.

"I.D please"

Napatingin ako sa nagsalita. Masama ang tingin sa akin ni manong guard. Halos masakal ko naman sya sa sinabi nya.

"Po? Eh enrollan naman ngayon kailangan may i.d parin po ba?"  Sagot ko.

Jusko ah! Ang init init! Babalik pa ako sa apartment ni jokla? No way.

"Malamang! Eskwelahan 'to diba? At nandito yung may-ari ng university kaya naghigpit kami." Tusukin ko kaya sa mata si manong guard?

" Funny naman. Tatawa na ba ako manong? Galing nyo magjoke eh. Drill lang naman pala 'to papasukin nyo na ko please"

At dahil sa pagmamakaawa ko ng mga limang beses na may kasama pang bola, pinapasok na rin ako gusto lang palang masabihan ng pogi. Kaloka!

Pumunta na ako sa office nang makita ko ang haba ng pila sa registrar. Mag toilet na nga muna ako, muntik na ako maihi dahil sa busina kanina eh.

Pagkapasok ko sa toilet ay walang tao kaya tuloy tuloy ako sa cubicle. Malinis naman ang toilet namin dito dahil nasa  Education building ako. Ang gusto ko dito ay may malaking salamin sa tapat ng lababo. Kitang kita ko lang yung ganda ko. Mababait mga taga Educ. except sa akin.

"Yes Anna, makakarecruit ako ng bago sa company natin, like duh! Public school kaya 'to. Maraming gipit"

May narinig akong babae dun sa lababo. Ay kamote! Ano daw? Ano yung naririnig kong raket?

Gipit?

Company?

"Wag kang mag-alala, makakahanap ako ngayon ng raketera"

Oh my! Taas panty, taas pantalon, labas! Magkakaraket nanaman ako.

"Hmmm miss? I heard you. Can I apply?" Wala ng paikot ikot pa! Karakaraka!

Napatingin sa akin si ate na maliit. Mukhang nabastusan sa agad agaran kong tanong.

"Excuse me? Are you a student here?"

Tanong ni ateng maganda. Ganda ni ate impernes! Pero mas maganda parin ako.

"Opo. Kasi sabi nyo nga, naghahanap kayo ng gipit. Ako po! Since birth eh gipit na po ako"

Tumango tango pa ako sakanya. Pinagsiklop ko pa yung dalawa kong kamay na parang nagdadasal. Tiningnan ako ni ateng maganda na maliit mula ulo hanggang paa.

Naka T-shirt na puti lang ako at maong pants. Sinuot ko rin yung nag iisa kong rubber shoes. Napatingin tuloy ako sa salamin na nasa gilid ko. Maayos naman itsura ko, nakalugay yung itim at mahaba kong buhok. Nakapolbo rin ako at lip tint. Ganda ko talaga.

"Follow me" biglang sabi ni ate pagkatapos nya akong i-judged.

"Ahm tanggap na po ako?" Hindi ako makapaniwala. Mamaya illusyunada pala ako eh.

"Let's see" ay, umirap si ate.

Lumabas na kami ng school. Ay wait! Yung enrollment ko! Nilingon ko yung registrar office namin na mahaba parin ang pila.

Forget it! Pwede pa naman bukas. Raket to Grim! Pera!

Sumakay kami sa kotse nya. Ang ganda,  Ngayon lang ako nakasakay sa kotseng ganito! Ano bang tawag sa kotse na 'to? Lambor? Ewan? Ano ba yun? Ah tanungin ko nalang sakanya at baka mabaliw pa ako dito kaiisip.

"Ate,  anong tawag po sa kotseng 'to?" O diba, ang galang ko.

Hindi sya tumigin sa akin. Sa kalsada lang sya nakatingin. Nilibot ko naman yung paningin sa kotse nya. Color pink yung leather seats nya 'yung sabitan nya ng cellphone pink, 'yung bag nya pink, ano 'to? Nagulat ako kasi 'yung kuko nyang mahaba ay pink rin!

"You don't know this car? Ang dami ko palang ituturo sayo. "

She rolled her eyes at tumingin sa pink nyang kuko. Napatingin agad ako sakanya. Isang irap pa ate, sasabihin ko sayong ang pangit ng color na pink.

Pero napaisip ako sa sinabi nya.

Ano daw?

Training?

Turo?

OJT ko ba 'to? Gulo naman ni ate. Daming sinabi tinanong ko lang naman kung ano yung tawag sa kotse nya.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon