Chapter 13

115 29 29
                                    

Tatlong araw na. Tatlong araw na simula nang nakita ko si Ben sa mall, hindi na sya nagparamdam.

Lord, lahat ng pangarap ko nawala na. Charot! Nawala na dahil sa baklitang sumira ng pangarap ko. Wala na. Tapos na!

Bye bye hot guy
Bye bye hot car
Bye bye future boyfriend

Ang sakiiit. Ang saklap. <//////3

"Hoy grimmie! Aba't! Bumangon ka na nga dyan!

Tatlong araw ka na di naliligo! Jusko! Gusto ko pa mabuhay!"

Pinatay ko nanaman sya gamit ang tingin ko.

Siguro nga na ghosted na ako ni Ben.

"Tumahimik ka! Ikaw ang dahilan ng lahat!"

Bigla ako napatayo. Kaya nagulat si bakla. Para lang akong sinapian ganun.

"Luh? Anyare teh? Katapusan na ng mundo? Yung totoo? Makapag react wagas!"

Nakapamaywang nya pang sabi sa akin.
O.A na kung O.A pero wala na talaga. Pagkatapos ng araw na ito, tatanggapin ko na hindi na ako magkakajowa.

"Animal ka kasi! Brokenhearted ako Jec, tatlong araw na syang hindi nagpaparamdam at kagagawan mo 'yon!"

Napaupo na ako sa kama. Parang mababaliw na ako kaiisip kung ano ba ang nangyari. Nasaktan ba sya dahil akala nya may jowa ako?

Hindi nya ba naaamoy na bakla yung bestfriend ko?

"So? Kayo ba? Hah! Boyfriend mo ba? Bwiset! Makaalis na nga, maghahanap ako ng mga lalaki! Kaimbyerna ka!"

Ang arte. Hindi manlang sinuportahan yung pag eemote ko dito. Makatulog na nga lang ulit. Atleast sa panaginip kahalikan ko si Ben.

Ding Dong.

Ding Dong.

Ding Dong. Chicharon.

Shemay! Sino nanaman 'tong doorbell ng doorbell?Istorbo sa panaginip ko! Onte nalang eh! Onte nalang! Hahalikan na ako ni Ben! Bwiset! Kapag eto yung nagbibigay nanaman ng sulat dito, malelechon ko talaga sya.

Ding Dong. Ding Dong. Aba humirit pa. Bakit kaya hindi nya nalang sirain yung doorbell namin?

"Potek! Saglit lang! Nagmamadali-"

"Hi Grim"

Napatingala ako. Bakit may pogi sa harapan ko. Napahawak ako sa mukha ko. Mukhang tumulo yung laway ko. Inipit ko yung buhok ko sa magkabilang tenga, wala akong maipit. Punyeta naka bun pa ako at alam kong sabog sabog yung buhok ko.

I've got your picture in my wallet
And your phone number to call it
And I miss you more whenever I think about you
I've got your mixed tape in my walkman
Been so long since we've been talking
And in a few more days we'll both hook up forever and ever.

Napairap ako sa kanta. Ang galing lang! Napatingin ako sa labas at nakita kong kumakanta yung mga triker na lasing sa kanto.

"For you.. "

Napatingin ako kay Ben, may hawak pala syang mga chocolates. Paano nya nalaman na mas gusto ko 'to kaysa sa mga bulaklak?

"Thank you.. halika ka pasok ka"

Kinikilig na ako. Pero pinapasok ko talaga sya kasi lumabas na yung mga tsismosang naka duster at malamang sa alamang, pinag uusapan na kami.

"Ay Grimmie, boyfriend mo?"

Hindi pa nakuntento si Aling Eva lumapit pa talaga sa amin. Si Aling Eva ang may-ari ng lahat ng paupaan dito sa amin. Leader rin sya ng SNMC.

Samahan Ng Mga Chismosa.

"Ay Hindi po!" Tinawanan ko nalang sya.

Hinila ko na papasok si Ben kasi parang lalapain na sya ni Aling Eva.

Napahinto ako nang hawakan ni Ben yung mga kamay ko.

Hala ano nanaman ba yung puso ko. Tumigil ka kakatalon dyan!

"I miss you"

Nakagat ko bigla yung tsokolate.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon