WAKAS

101 14 20
                                    

BEN's POV

"Dad! Tama na please parang awa nyo na!"

Pak!

"Jacob! Nasasaktan na masyado ang anak natin tama na yan!"

Pak!

"Hindi pwede, Carmela! Suwail na 'tong anak mo! Ayaw akong bilhan ng alak! May pera naman ako! Walanghiya!"

Pak!

13 taong gulang palang ako noong nalulong sa alak ang aking ama. He's rich. He's powerful. But he cannot live without his liqour.

He's alcoholic. Sa 13 taong gulang na bata, namulat na kong mali at masama ang pag inom. Nakikita ko ang lahat ng effects ng alak dahil sakanya. Kaya sinusumpa kong hinding hindi ako iinom.



"Hey do you want to play with us?"

Napatingin ako sa nagsalita. May apat na mga batang lalaki ang nakatingin sa akin. Mga kasing edad ko rin sila.

"No. I just want to finish the book that I'm reading"

Tumawa naman sila sa akin. Nagbabasa ako dito lagi sa may park ng subdivision namin pagkatapos akong bugbugin ni Dad.

"You know what? We have a secret. Gusto mo malaman?"

Napatingala ulit ako. Wala akong kaibigan. Ayoko makipagkaibigan sa mga ka edad ko dahil lagi nila akong inaasar sa tatay kong alcoholic.

"What secret?"

Doon na nagsimula ang pagkakaibigan naming LIMA.
Tinuruan nila ako mag video games. Halos araw araw nasa bahay ko ang mga kaibigan ko. Nagpabili ako kay mom ng mga computers and we play games everyday.

"Anak.. masaya ka ba sa mga bago mong kaibigan?"
Isang gabi nagtanong sa akin si Mom.

"Yes Mom. They're like my brothers"

Para ko na silang mga kapatid. They didnt care even if I have an alcholic father. Hindi nila pinapansin kapag minumura ako ni dad.

"You know what,  you're better than your father. You're so much better than him"

Mom whispered. I hope so mom. I hope so.

"Dude! Look! that guy is bullying that pretty girl!"
Sumbong sa amin ni Aldrin.
"You want to take action, Aldrin?"
"Ofcourse Ben! Let me handle this."

Tinapik nya ako sa likod at dumercho na sa kawawang kaklase namin.

Highschool na at nasa new school na kami. Nasa exclusive all boys school kami nung elementary. Syempre ayaw namin makitang may binubully. Kaya napagdesisyunan naming maging tagapagtanggol nila.

1st Year went by at kinakatakutan na kami sa buong school. The following school year the owners and the administration of the school decided to changed the school from all- boys to co-ed. It means may makakasama na kaming mga girls sa school and then one day, everything changed.

"Hey! You! Bakit di ka naka uniform?"

Dahil napapatino namin ang mga students, The administration of the school decided to make a student council na ang LIMA ang mga kasapi nito.

We noticed a group of girls na hindi nakauniform. 2 buwan na tumatakbo ang pang 2nd year ng school.

Unang sinita ni Earl ang mga babae.
Deadma.
Pangalawang sumita si Aldrin.
Parang wala silang naririnig.
Pangatlo ako na sumita. Lumingon na sila. Lumapit kami sa kanila. Mga apat silang magkakaibigan.

"Excuse me girls, why are you not wearing your uniform?"

Tumingin sa akin ang may pinaka maamong mukha sakanila.

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon