Ding dong.
Ding dong.
Ding dong. Talong.
Teka di pa ako tapos mag empake! Si bakla kasi tanong ng tanong kung ano ang dadalhin!
Example:
"Girl! Ano ba dadalhin ko, bikini?"
"2 piece o 1 piece?"
"Magdadala ba ako ng panty?"
"Magdadala ba ako ng sunblock lotion?"Akala mo naman babae! Ang arte arte talaga!
Ding dong.
Ding dong. Punyeta.
Ayan nanaman yung lintik na doorbell.
Teka!
"Wait-"
What.. Bigla bigla nalang may yumakap sa akin. Ang warm at ang bango.
"Wait Ben, why?-"
"I miss you so much"
Ayyyyy. Miss agad? Sege ne nge. Kinikilig ako. Ganito ba magka jowa?
"Bakit ang tagal mong magbukas ng pinto! Ano bang ginagawa mo!"
Nakasigaw nanaman agad!
"Teka nga! Bakit ka ba sumisigaw!"
Tiningnan ko kung ano 'yung suot nya. Naka polo shirt sya na nakabukas pa yung dalawang buttons sa harapan at brown shorts and medjo messy hair sya today. Ang yummy.
"Tsk. Excited na akong makita ka eh. "
"Utot mo! Bahala ka nga dyan-"
Bigla nya kong hinila at hinalikan. Ang soft talaga ng lips nya. Magkadikit lang yung mga labi namin. Yung totoo?
"Girl- ay futah! Ang bababoy!"
Bigla kong naitulak si Ben. Panira talaga kahit kailan 'tong kutong lupang bakla na 'to!
"What the! Shit!"
May mga pumalakpak sa pintuan.
"Bro, ganyan ka na katigang kay Grimmie at dumadapa ka na sakanya?"
"Boss! Sana all! Tiklop ba kaangasan mo sa Girlfriend mo?"
Napatingin ako sa pintuan at halos mapanganga ako kasi nandun na ang LIMA at ang WC. Tumatawa sa nakadapang Boyfriend ko. Paktay. Nakasunod lang pala sila kay Ben.
Yung WC naman kinukuhanan ng picture si Ben.
"Halu! Andito na pala kayo mga fafa and mga sisters ko!"
Masama ang tingin ko kay Jec, sya ang may kagagawan nito. Nilakihan ko sya ng mata. Senenysan ko naman ang LIMA at WC na lumabas na.
"Hey.. Are you ok?"
Lumapit ako sakanya.
Nakita kong nakapikit sya. Mukang nagtitimpi ng galit. Harujusko.
"Ben-"
Napasigaw ako nang bigla nya akong hinila pahiga.
Pahiga sa dibdib nya.
Nakakaenganyong pakinggan yung tibok ng puso nya.
Katulad ng tibok ng puso ko.
"Grimmie.. Kahit mawala na ang lahat, kagwapuhan ko, angas ko, kayamanan ko.. Wag ka lang mawala."
Anong nangyayari bakit ang sweet sweet nito?
"Kahit mapahiya ako sa mga kaibigan ko o kung sino mang taong makakita sakin na nakaluhod sayo, gagawin ko basta mapasakin ka lang, habang buhay."
Ganda ko talaga.
"Ben.. Anong nakain mo at ang sweet sweet mo ngayon?"
Bigla kong tanong sakanya. Halatang nag iba agad ang mood nya.
"Damn, Tara na nga! Kahit kailan talaga panira ka!"
Napasigaw ulit ako nang binuhat nya ako na parang isang sakong bigas sa palengke.
"Ano ba! Hoy! Ibaba mo ako!"
Gusto kong sipain sya kaso baka iba ang masipa ko. Sinuntok suntok ko nalang yung matipunong likod nya.
Ohlala..
"Tsansing ka talaga. Stop it baby, ikaw lang ang masasaktan kakaganyan mo."
Napansin kong palabas na kami ng apartment namin.
"Ay grabe! Ang tagal nyo! Gumamit ba kayo ng protection- aray ko naman boss!"
Kahit nakatalikod ako sakanila alam kong nabatukan ni Ben si Aldrin.
Binaba narin ako sa wakas. Pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay. 'Yung mga chismosang nakaduster nag uusap-usapa habang tinuturo pa kami.
"Oh lovebirds! Dun kayo sa unahan! Ikaw Ben ang mag drive potek tagal nyong maglampungan!"
Tiningnan ko si Dianne, naka high waist short sya and crop top. Sexy.
"Sige, basta ayokong makita sa salamin na naghahalikan kayo ni Earl ah."
Biglang namula si Dianne sa sinabi ng magaling kong boyfriend. Pumasok na agad sya sa kotse. Pikon.
Sumunod narin si Anna kasama si Aldrin. Magka holding hands pa!
"Teka, teka.. Yung kamay mo naman-"
Tinakpan ni Ben yung bibig ko. Di ko tuloy nasabi. Tiningnan ko sya ng masama.
"Wag ka ng epal. "
Abat!
"Mamaya bigla syang suntukin ni Anna eh! Amazona pa naman 'yon!"
Umiling na lang si Ben pumwesto na sya sa driver seat.
Ngayon ko lang napansin na wala si Marie, Cy, and Emong.
"Nasaan yung iba mong friends?"
Tanong ko kay Ben. Nakakapagtaka lang na hindi sila complete.
"Patay na." Sabay-sabay na sabi nina Ben, Earl and Aldrin.
"Ay talaga? Saan ang burol?"
Joke dapat 'yon pero walang tumawa. Leche!
"Baby sakay ka nalang please. 'Wag mo ng gamitin ang humor mo wala rin naman eh" he smiled. Smile ng nang-aasar.
Inirapan ko nalang sya. Sumakay na ako sa tabi nya. Isasara ko nalang ang pintuan nang may narinig ako.
"Guys! Wait lang! Iiwan nyo ang dyosa? Waaaaah!"
Biglang pinatakbo ni Ben ang kotse. Pinahabol talaga nya si Jec.
"Ay grabe ka fafa! Sorry kung nabitin ko kayo kanina, kaloka 'to."
"Shut up."
"K fafa love yah!"
Ay jusko. Goodluck sa weekend namin.
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...