Chapter 45

62 16 4
                                    

Bakit kaya ang tanga tanga ko?

Simula pa lang di na ako mahal nung lalaki na 'yon! Sige pa ako. Red flags Grimmie! Nandun na eh.

Bakit kasi na inlove ako sakanya?

Oo. Madaling magmahal pero mahirap makalimot.

Sana, natuturuan ang puso. Sana may "STOP" para tigilan na ng puso mo ang magmahal sa isang tao. Sana may "GO" para kung pwedeng makalimot agad at magmahal ulit.

Sana may switch ang puso na para kapag OFF, tigil na ang feelings. At ON para gora parin. Hay! Ano ba tong iniisip ko!

"Ms. Bernardez, ready ka na ba sa graduation nyo next week o tutunganga ka nalang dyan?"

Nagulat ako kasi yung Prof ko nasa harapan ko na, at graduation na pala namin next week!

"Im sorry Sir."

Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako, parang wala ako sa sarili na naglalakad pauwi sa amin. Medjo pagabi na kasi inayos ko pa 'yung mga requirements ko.

Patawid na ako nang may nabangga akong lalaki. I said sorry kasi hindi ako tumitingin sa daanan. Nakalagpas na ako ng high-way nang may humablot sa manggas ng damit ko at kinaladkad sa may eskinita.

Napamura ako dahil nagasgas 'yung tuhod ko!

"Ano ba! Get your hands off me-"

May sumuntok sa akin. Dumoble 'yung vision ko. Ang sakit!

"Anong ano ba? Bakit mo ako binangga kanina? Ang tapang mo! Kababae mong tao!"

Napatingala ako. Kung minamalas nga naman. Nabangga ko pala 'yung leader ng isang gang dito sa amin. Matindi 'tong mga 'to. Ngayon ko lang sila nakita ulit dahil nagtatago. Mga adik kasi.

"Nag sorry na ako Paeng diba? Hindi ko naman sinasadya!"

Ayoko makipag away ngayon. Wala ako sa mood at hindi ko dala 'yung swiss knife ko. Tumingin ako sa mga kasama nya. May hawak na mga bote.

"Ahhh! Paeng!"

Pasabunot ang pagtayo sa akin ni Paeng. Sasakit nanaman anit ko nito. Sinapak ko sya sa ilong sabay sipa sa tuhod nya. Nabali ito.

"Tangina ka talaga! Patayin nyo 'yan!"

Kinabahan ako. Sabay-sabay sumugod sa akin ang anim nya pang kasama.

May humawak sa dalawa kong kamay pati paa. Tangina.

"Tulong!! Waaaah! Tulong!" Diyos ko.

"Gago, ang ganda pala nito Paeng?"

Dinilaan nung isa 'yung pisngi ko. Sardinas siguro ulam neto kanina.

Kumuha sila ng kutsilyo at unti-unting hiniwa yung damit ko. Nagpumiglas ako. Nasipa ko pa 'yung isa pero may sumampal sa akin. Nahilo ako.

Pinilig ko 'yung ulo ko at kinagat yung kamay na nakawak sa akin.

"Aray! Bampira ampota!"

Diniinan ko pa. Ramdam ko na 'yung buto nya.

"Hoy! Bitiwan nyo sya!"

Hay salamat.. Ben?

Binitiwan nila ako at dahil sa hilo ay napahiga ako. Hindi ko na masyado maaninag pero puro payatot ang mga nagrarambulan.

"Grimmie tumayo ka dyan"

Ay ang baho.

"Salamat, OJ"

Napaiyak ako. Tumingin ako kayna Paeng at sa kasama nyang nakahandusay sa kanal. Napatingin ako sa Tropayatots, mukhang nag vitamins sila ngayong gabi.

Super thankful ako kay Jec at sa mga tropa nya dahil hindi nila ako iniwan habang nagpapagaling sa bahay. Bugbog lang naman 'yung mukha ko at halos matnggal 'yung anit ko pero grabe 'yung trauma ko.

Saktong graduation nang bumalik ulit ako sa school. Si Jec at ang tropayatots lang ang kasama ko. Ineexpect ko na darating ang WC o si Ben. Pero wala silang paramdam. Tinanggap ko na kailangan ko na talagang umalis muna.

Nag apply ako sa dream school ko at sana makapasa, para doon na muna ako magwork.

Pinauna ko muna sina Jec umuwi ng bahay. Dadaan pa kasi ako sa sementeryo. Ibabalita ko sa nanay at tatay ko na graduate na 'yung anak nila. Umuwi narin agad ako, ayoko na kasi mag pa abot ng gabi. Ayoko na makipag away. Masakit kaya sa anit.

Pagdating ko sa apartment namin, ang daming kotse. Alam kong nandito ang WC pate mga jowaers nila. Tsk. Sila na masaya.

Nagulat ako pagpasok ko.

"Huy! 'yung totoo? May namatay ba at ganyan mga itsura nyo?"

Natahimik silang lahat. Maga mga mata nila. Dont tell me..

"Hey, guys? Hello.. Talk to me please!"

Ayokong kabahan. Mamaya ma pressure nanaman ako at mag beast mode ulit ako. Mahirap na. Hindi ako nakakapag isip mabuti.

Komplete silang nandito sa apartment. Wala nga lang si Ben. Hindi ko nga alam kung paano sila nagkasya dito.

"Grimmie.." Si Anna ang nagbasag ng katahimikan.

"Si Olivia.. Wala na sya. Wala na.."

Sabay hagulgol nya. Umiyak ang WC habang inaalo sila ng mga jowa nila.

Nagulat ako. Pero I feel.. Happy. Bakit ganun?

"Oh really? That's good! Atleast nanahimik na talaga sya ah. Forever!"

Then tumawa ako. Yes. Wala na sya!

*PAAAAAK*

Napatigil ako sa pagtawa nung may sumampal sa akin. Masakit. Napatingin ako kay Anna. Problema neto?

"How dare you Grimmie? Parang kapatid na namin sya! Ganyan ka na ba kasama talaga? Wala ka bang puso?"

Napatawa ako sa sinabi nya. Napatitig ako sakanya. Hawak hawak ko ang pisnging sinampal nya. Mukhang magkakapasa ako bukas.

"Excuse me? Wala ba kong puso? Oo! Wala na! Dahil sa babaeng 'yon! Oo, parang kapatid nyo sya, pero ako ba? Hindi ko sya kilala! Naging mabait ako sakanya pero anong ginawa nya sa akin? Inagaw nya parin ang nagiisang lalaking nagmamayari nito."

Tinuro ko ang puso ko. Umiiyak na ako. Bakit ganyan sila? Akala ko ba kakampi ko sila? Isa-isa ko silang tinignan.

"Masakit. Sobra. Ginawa ko ang mission ng WC, pero kayo? Masaya na kayo sa lovelife nyo! Parang nakalimutan nyo na kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang mga parents nyo! Dahil sa babae na yon! Sige nga sabihin nyo sa akin kung sino ngayon ang walang puso?"

Nakita kong umiiyak si Jec. Lumapit sya sa akin at pinapatahan. Natahimik naman silang lahat.

"Gulong gulo ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa syang alagaan ni Ben? Bakit kailangan pang piliin nya si Olivia? Bakit? kasi mamamatay na rin pala sya? So dapat maging masaya ako dahil babalik na sya ulit sa akin? Hindi! Kasi in the first place, mahal nya talaga si Olivia!"

Iyon naman talaga ang totoo, umpisa palang. Ako ang pumasok sa buhay nila. Si Olivia nasa puso na nila noon pa man. Epal lang ako. New recruit lang ako.

"Grimmie-"

"Shut up Dianne. Siguro naman pwede na akong magsalita ng "I QUIT" kasi buwag naman din ata ang WC na right? Kasi, ka holding hands nyo na ang mga target nyo. Congrats!"

Hindi ko na sila pinagsalita. Tama na. Ayoko nang makinig sakanila.

Masama ba ako? Masama ba akong tao? Umalis na ako dahil hindi ko kaya silang tingan. Hindi naman ata nila ako itinuring na kaibigan.

"Lord, Im sorry for all my sins and rest in peace Olivia."

I prayed habang lumuluha akong naglalakad.

A/N

Last 5 Chapters!!! Yahoo!

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon