Chapter 23

108 27 22
                                    

"Class, this sem mag O-OJT na kayo pumili na kayo ng school and mga makakasama nyo dito"

Blah blah blah OJT na pala namin, parang kelan lang, 3rd year college ako. Time to be serious Grimmie. Kung gusto mong grumaduate, wag mo muna isipin si Ben! May pang blackmail ka sa kanya tandaan mo.

"Grim, gusto mo sa Muzon Elementary School tayo mag OJT?"

"Oo nga tara, Grim"
"Ge Judy and Irene dun tayong tatlo"
"Yehey!"

Sina Judy and Irene ang mga bestfriends ko dito sa school.. Masipag at matatalino sila. Buti nga inalok nila ako maging part ng study group nila. Hindi ako mahihirapan neto, charot lang.

Derecho uwi na ako pagkatapos ng klase. Pagod parin ako dahil sa nangyari noong isang gabi. Nakasuot ako ng t-shirt at maong pants. May scarf akong nilagay sa leeg ko dahil may pasa yung leeg ko dahil sa pagsasakal sa akin ng matabang Cy na 'yun.

"Hi Grim, nice scarf!"

Umiba nanaman yung ihip ng hangin sa paligid.

"Spell scarf?"

Tiningnan ko si OJ na nakatayo sa may kanto.

"S - C - A - R - P!"

Proud pa sya.

"Nakaka bobo talaga yung hindi pagt-toothbrush noh?"

Pumasok na ako sa apartment namin at halos mapasigaw nang nakita ko sa Annazona nakaupo sa sofa namin at nakatingin kay Jec.

"Siztah! Buti nandito ka na, may bisita ka"

Lumapit sa akin si bakla

"Girl, nakakatakot sya, tinanong ba naman ako kung type ko raw ba sya? Kadiri!"

Natawa ako sa bulong nya. Umalis muna si Jec.

"Napadalaw ka Anna? Kamusta si Dianne?"

Alam kong hindi pumunta si Dianne sa hospital dahil nagamot na nila ito sa WC headquarters. May clinic kami doon.

"She's fine."

Seryoso parin sya.

"Then? May problema ba?"

Umupo ako sa tabi nya. Sa time ko sa WC, tinuring ko na silang mga kaibigan ko. Kung anong problema nila, problema ko rin.

"Ayos na kami ng LIMA. Pumunta sila kagabi sa mansyon at nakipag usap"

Napabuga ako ng hangin. Salamat naman!

"Mabuti kung ganoon! Pero bakit malungkot ka?"

"We will close the agency. Since kami at LIMA ay nag usap na we will help each other to investigate kung sino talaga ang may gawa ng pagpatay sa mga parents namin"

Hanggang ngayon pala hindi parin nila alam kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.

"Thank you for being our crown, Grimmie. We're always here for you. "

Niyakap nya ako at umalis na. Parang nalungkot ako bigla. Wala nanamang adventure yung buhay ko. Ang swerte ko naman. First and last mission ko na pala 'yon.

After 1 week, back to boring life nanaman ako. School-aral-bahay lang ako. Minsan nga sumasama na ako kay Jec tumambay kasama yung mga tropa nyang payatot.

"Tara guys! Comp shop tayo kayna Aling Eva!"

Rich tanders talaga si Aling Eva may computer shop narin pala.

"Letz go boys, laro tayo ng CSGO!"

Akala naman ni bakla marunong sya maglaro nun.

"Tara Grim, buhatin kita!"

"Tanga ka? Mas mabigat pa ako sayo!"

Tumawa naman sila. Masaya rin pala kausap 'tong mga payatot parang lagi lang naka high.

Walang tao sa computer shop kaya madali kami naka kuha ng pwesto. Halos mapuno namin 'yung mga cubicle. Katabi ko si OJ kaya sumama yung tyan ko.

Naglalaro na sila at dahil hindi ako marunong, nag facebook nalang ako. Unang bumungad sa akin ang mga pictures ng WC.

Si Anna, kasama si Aldrin sa Paris. May picture pa sila na mag kaakbay na may caption na #Anna&AldrinInParis che!

Si Dianne? Nasa Maldives kasama naman si Earl! May caption na #WithHimForevah kaloka!

Si Marie? Diba wala syang love life dun sa LIMA? Ayun may post na nasa Convent sya and Magmamadre sya. Yun talaga ang gusto nya. Hindi kapani-paniwala noh? Oh edi Amen!

And si Ben? Chineck ko rin Insta nya na sana di ko nalang ginawa. May picture sya kasama ang isang mala anghel na babae na may caption na #WithMyAngel

Hula ko? GF nya? Watever! Edi sya na may GF! Sya na naka move on agad agad!

Ako? Eto sabaw. Bakit ang sakit?

A/N
Dedicated to my friends! JudieannePavillon blackAppleLover

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon