You can do it Grimmie! Mag-uusap lang kayo, ok? Hindi mo sya yayakapin or hahalikan.
Ano ba yan. Kinakausap ko nanaman sarili ko. Napatingin ako sa suot ko. Dapat talaga naka maong pants at t-shirt lang ako kaso nakita ako ni Jec at sinabunutan dahil mukha daw akong manang sa suot ko.
Nakita ko yung reflection ko sa salamin ng restaurant. Naka yellow na sunday dress ako. Hulmang hulma tuloy yung maliit kong bewang at pati yung matambok kong pwet. Asset ko talaga 'to! Nakalugay naman yung mahaba kong buhok at naglagay lang ako ng hairpin sa magkabilang buhok ko para kitang kita yung maganda kong mukha.
Inhale... Exhale.. Go Grimmie!
Okay, muka na akong eng-eng dito sa labas ng EW.Pumasok na ako sa resto/bar. I know wala pa sya dito kasi maaga ako ng 1 oras. Umupo na ako sa pinareserved kong table.
May lumapit sa aking waiter at tinanong yung order ko. Sinabi kong juice pero hindi parin sya umaalis sa harapan ko.
"Wala na po ako ibang order" Sinabi ko kay kuyang waiter. Nakatingin lang talaga sya sa akin at naasiwa ako.
"May problema po ba kuya?"
Napatingin ako sa paligid ko. Wala masyadong tao dito sa pwesto ko dahil gusto ko nga secluded yung pag uusap namin ni Ben. 'Yung ibang umiinom at kumakain ay nasa bandang unahan ng resto at dahil resto/bar ito medjo malakas yung sounds galing sa live band na kumakanta sa gitna.
"Huwag mo akong tawaging kuya miss beautiful, Daddy nalang ang itawag mo sa akin" Bigla nyang hinawakan yung kamay ko.
Pucha! Nakakadiri! Bakit nakapasok itong panget na 'to dito?
Walang pakundangang binawi ko yung kamay ko at tinikom iyon para masuntok ko sya sa ilong. Favorite part ko talaga yung ilong dahil turo sa akin ni Anna, iyon ang madaling ma bali at makakatulong ito para hindi umayos ang paghinga ng sinuntok mo.
Pagkatapos ko syang suntukin sa ilong ay sinampal ko pa sya na may halong hambalos kaya napa atras sya at napapunta sa mga tables na may mga plato at baso.
Napatingin sa amin ang mga tao at tumigil ang live band dahil sa malakas na pagbasag ng mga plato.
Lumapit sa amin ang manager.
"Tarantado ka talaga Gardo! Uminom at nangmanyak ka nanaman?"
Nanaman? Ibig sabihin hindi lang ito ang unang beses na nang gago 'yang mukhang aso na 'yan?
"Sir, Let me call the police. Ipapakulong ko 'yang gago na yan!"
Napatingala ako nang may lalaking matipuno na ang nasa harapan ko at parang pino-protektahan ako.
Ben..
Late ka na gago, na KO ko na 'yang hayop na panget na 'yan.
Itinaas ni Ben si Gardo mula sa pagkakadapa nya sa mga basag na plato at baso. Kinaladkad nya ito palabas.
Sumilip ako sa bintana at natanaw kong tinapon nya yung katawan ni Gardo sa may police car na parang basahan lamang.
After 30 minutes, bumalik sya sa table namin.
"Grimmie! Are you alright?"
Bakas sa mga mata nya ang pag-aalala.
"Sit down"
Pinigilan ko sya kung ano pa ang sasabihin nya. Mahirap na. Baka sakmalin ko nalang sya bigla. Really, Grimmie? Focus.
Naka hoodie lang sya, black pants and rubber shoes. Gusto ko na syang amuyin agad. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Tonight is not for us. Kahit walang "us". Gagawin ko ito for my peace of mind and sa girls.
"Ben, I'm fine. Gusto kong makipag-usap sayo ngayon para marinig ko ang side nyo, Tell me about your group. And please, magsabi ka ng totoo."
He looked shocked and dissapointed sa derederecho kong pagsasalita. Buti hindi ako nabulol.
Napatulala sya.
"Wait, What?" Yan lang ang sagot nya.
"Okay. Ayaw mo? Fine. Goodbye! Forever!"
Tumayo na ako. Ayoko syang pilitin kung ayaw nyang makipag-usap."Wait, Grim. Sige. But please, Stay and listen."
Ayown! Nadadaan rin pala ito sa takutan eh. Wait Grimmie! Don't smile. Wag mong ipakita na kinikilig ka! Porket hinawakan ka lang nya sa kamay para pigilan at sabihan ng "STAY" na parang aso. Tse! Echosera 'tong utak ko. Bwiset.
"Ok start. Bago pa magbago isip ko"
Oh diba. Ang taray. May inayos ako sa bag ko.
He sighed and then ginulo nya yung buhok nya bago tumingin sa aking mga mata. ' Yan nanaman yung tingin nya. Yammers. Grim!
A/N
I dedicate this chapter to my bestfriend sa totoong buhay at si "DIANNE" ng W.C. Love you bes! lalalaloveme3047
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...