Chapter 3

195 40 38
                                    

Mga isang oras na kami nagbyabyahe sakay parin kami sa kotse nyang Lambor... ewan!

Tumitingin lang ako sa kalye. Ang tahimik. May music kaya sya dito sa kotse nya? O dukha rin sya katulad ko na radyo lang meron?

Tumawa sya. Luh!

"We're here! Bago ka bumaba pakiiwan lahat ng gamit mo dito sa kotse ko. "

Napatingin ako sa labas. Halos mabulunan ako sa mangha dahil sa mansyon na nakikita ko ngayon. Hala! Magiging maid na ba ako ni Jun Pyo?

"Magiging si Jandi na ba ako?"

Nag twinkle yung eyes ko pagkasabi ko nun. Tiningnan ako ng masama ni ate. Tapos tumawa. Kanina pa sya tumatawa. May saltik lang?

"Stupid. Let's go!"

Iniwan ko muna 'yung bag ko at lumabas na sa kotse. Walang akong nakikitang ibang tao. Wala talaga silang mga guards or maids? Ito na ba 'yung raket na sinasabi nya? Lilinisin ko 'tong mansyon ng mag-isa? Ngayon palang pagod na ako.

Pumasok na kami sa mansyon. Nalula talaga ako sa mga chandelier na nasa taas. Pate mga kurtina nila mukhang mas mahal pa sa buhay ko. Napatingin ako sa malaking larawan sa may gitna ng mamahaling mga sofas at vases nila.

Women's Crown. Ito yung title ng painting. Punyeta painting pala 'to! Kagaling naman, akala ko picture!

"Welcome to the Women's Crown. The company of the elites, beauties, power and HATE for the filthy, unforgivable villains"

Wait, what? Napalingon ako sa nagsalita. Napatingin ako sa paligid ko. Ano ba yung pinasok ko?

1. Malapalasyong bahay
2. Magagarang furnitures
3. Magaganda at mga sexy na babae!
4. Magaganda talaga sila! Pero mas maganda ako.
5. 'yung sinabi ni ate na english.

"Excuse me? " 'yan nalang ang naisagot ko.

Tumawa yung isang babae at lumapit sa akin. Napataas yung tingin ko. Maliit lang ako.

"Oh dear, nahilo ka ata, let me introduce ourselves. Im Anna, the leader of the Women's Crown"

ANNA- maputi, matangkad, mahaba ang buhok at sexy.

"Ako naman si Marie" sabi ng isa. Lumapit rin ito sa akin.

MARIE- matangkad, morena at may malalaki at bilog na mata. Para syang barbie. Kulot pa yung hair nya na abot sa hips.

"And I'm Dianne, and to answer your question a while ago, my car is a Lamborghini" she winks. Ewww.

DIANNE- gaya ng sabi ko kanina ang ganda nya nga, kahit maliit sya chix parin.

"So dear, isa kaming secret group na may galit sa mga masasama, sa mga lalaki, galit na galit kami sa kanila." Sabi ni Anna.

"Lahat ng mga magulang at mga kapatid namin ay pinatay ng mga lalaking walang  puso" Kwento ni Dianne.

Medjo nalungkot ako. Pare-parehas pala kaming magaganda ay este walang pamilya.

"Kaya bumuo kami ng isang grupo na pumapatay sa lahat ng masasama- mapa babae lalo na kung mga lalaki pa 'yan."

Matapang ang mga mata ni Anna habang nakatingin sa akin. Hala te! Anong kasalanan ko?

What... Pinapatay nila? Teka.. Edi masasama sila?

"So.. You're the bad girls?" Tanong ko. Mahirap pala itong raket na 'to. Ayoko maging masama!

"No dear, isa kaming secret agent ng government, they give us orders who to kill and we will take them down" Simpleng sagot sa akin ni Anna.

Napatango ako. Secret agent pala sila. Kaya pala may mga trainings and echos. Ang galing! Baka naman may mga special powers rin sila?
Shunga! Napaka OA mo talaga Grim.

"So.... Introduce yourself!"

Lord, tama ba na pumasok ako sa raket na ganito? Parang delikado, pero bakit kanina lang nag wish ako na sana may adventure na mangyari sa akin. Ito na ba yun? Agad-agad?

Totoo nga yung kasabihan na "Be careful what you wish for"

DyosaMarie

Women's Crown  ✔️ ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon