Nasa Tricycle na ako at tuwang tuwa ako sa natanggap kong text. Napatingin ako sa driver nang hindi pa sya umaalis.
"Kuya, sa may Junction lang po"
"Ah miss kasi" Tinuro nya 'yung kalsada.
Inis na bumaba ako sa tricyle. Nakaharang kasi si Ben sa daanan kaya hindi kami maka alis. Masama ko syang tiningnan.
Kung ayaw nya umalis, pwes ako ang aalis! Tumalikod ako at naglakad sa kabilang way. Mabilis ang paglalakad ko pero naririnig ko yung mga yapak nya, sumusunod sa akin.
Wow. Ngayon hahabol sya kasi patay na 'yung babae nya. Kagaling!
Huminto ako at humarap sakanya. Nakalapit na sya sa akin at walang pakundangang sinampal ko.
"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa akin"
Nangi-nginig 'yung kamay ko. Gusto kong pumatay!
"Grimmie I'm sorry, I told you before na parang kapatid ko si Angel kaya wala akong choice kundi alagaan sya" Malungkot ang mga mata nya.
"Paano ako? Ano mo ba ako Ben?"
Bakit lagi nalang si Angel? Hindi nya ba alam na muntik narin ako mahospital noon? Kailangan ko sya nung mga oras na 'yun pero nasaan sya?
Bakit ka nag-iba?
Mayro'n na bang iba?Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis"Mahal na mahal kita Grimmie! Maniwala ka!"
Kinulong nya 'yung mukha ko sa mga palad nya.
"Hindi mo ako mahal Ben, dahil kung mahal mo ako, Ako sana ang pinili mo"
Umiiyak na ako.
"Sinabi ko sayo noon, magsabi ka sa akin ng mga problema mo, handa kitang tulungan. Girlfriend mo ako. "
Napaluhod syang umiiyak.
"Mag sabi ka lang Grim, kung ano yung gusto mong gawin ko, please, bumalik ka lang sa akin"
Lumuhod na rin ako, tuloy tuloy ang agos ng mga luha ko.
"Sana sinabi mo pa yan noon baka maisalba ko pa kung anong meron tayo"
Parang binibiyak ang puso ko..
"Im sorry please... " Niyakap nya ako. Patuloy lang 'yung pag iyak naming dalawa.
Wala na akong maramdaman.
"Ang hirap mong mahalin. Pagod na ako. I'm sorry, nakakapagod kang mahalin. "
Tumayo na ako at tumakbo dahil hindi ko na kaya. Hindi na ako makahinga kakaiyak. Napaupo ako sa poste sa katabi ng basurahan.
Nakakita nanaman ako ng diaper.
Sakto namang bumuhos ang ulan. Tangina lang talaga.
"Girl.."
Nagulat ako nang makita ako ni Jec, niyakap ko nalang sya at umiyak.
Kailangan ba na tuwing magmamahal tayo ay masasaktan ka rin?
Kailan ba ako pwedeng sumaya?
"Attention to all passengers, please fasten your seatbelt"
Hindi ako takot sa heights pero kinakabahan ako.
Hindi ko akalain na matutupad ang isang pangarap ko na maging international teacher, pero eto ako at patupad na 'yon.
Hindi ko akalain na makakaalis ako ng bansa na malungkot.
Ang daming nangyari pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Isang pangalan na hinding hindi ko makakalimutan. Si Ben.
Naalala ko 'yung airport moments namin ni Jec.
"Baklaaaaa! Mamimiss kita! Mag-ingat ka dun ah?"
Simula nang kinwento ko kay Jec na natanggap ako sa Australia, hindi na sya tumigil kakalitanya sa word na "ingat"
"Seriously? How many times did I say that I will be okay? Geeez Jec you're so clingy"
Inarte kong sabi sakanya. Lagi kami nagprapractice ng english.
"Can you stop acting like that? Grim? Really? I know youre not okay."
Okay ako.
"Im okay Jec! Ano ba. Ok ako, can't you see? Im so happy kasi matutupad na pangarap ko! Maging teacher sa Australia! There's no reason to be sad? Right?"
Oo masaya ako. Di ko alam kung sino ang
kino-convince ko si Jec o yung sarili ko.Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Jec.
"I can see it in your eyes Grim. You will never be okay hangga't nandyan pa sya sa puso mo"
'Yun lang ang hinihintay ng luha ko para pumatak. Ayoko ng umiyak gosh! Ilang araw na kong umiiyak dahil sakanya. Ayoko na.
Akala ng mga tao dito sa airport umiiyak kami dahil aalis ako, pero ang totoo dahil sa puso ko.
"Jec.. Mamimiss kita.." '
Yun nalang ang nasabi ko. Sa lahat nang nang iwan sa akin.. Sya lang ang nag stay sa tabi ko. Im very thankful to have him by my side.
"Im here for you no matter what, that's what sisters are for right?"
Sabay pilantik ng kamay and irap sa akin. Natawa ako. Hay..
Ngayong papunta na ako sa Australia, ni ha ni ho wala akong narinig sakanya. Huling kita ko sakanya was on the wake of Olivia. Ang sakit parin nung gabing 'yon.
Ayokong sabihin sa WC na aalis na ako dahil alam kong makakarating 'yun kay Ben.
Ayokong ipaalam sakanya. Dahil nung gabing 'yon, pinutol ko na kung anong meron kami.
Ayoko nang maging bitter sa buhay.
Ayoko nang malungkot.
Ayoko nang sumugal at maging tanga ulit.
Australia, please be good to me.
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...