"Pardon? Hi Olivia"
Unang pumasok si Anna ang leader namin at ang Amazonang nagtayo ng WC.
"Hello Olivia"
Pangalawa namang pumasok si Dianne.
Sa kanilang tatlo, si Dianne ang pinaka funny at smooth sailing ang ugali."Hola Angel Olivia"
Huling pumasok ang birhen. Ay este ang madre ng WC. Kaya siguro nagulat si Nancy kanina kasi nakapang madre pa sya. Akala nya siguro may blessing na mangyayari.
"What.. What are you doing here?"
"Bakit ganyan ang itsura mo my dear Olivia? Ang calm mo naman, Dapat ganito!"
Nagulat ang lahat nang sinampal ni Anna si Olivia. Amazona talaga!
Ang plano namin is kausapin lang si Olivia. Well, hindi ata macontain ni Anna ang galit nya dito. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit?
"How dare you Olivia? Para na kitang kapatid! Ikaw pala ang may gawa ng lahat!"
Yes. Si Olivia lahat ang may pakana. Sya ang utak sa lahat ng problema ng LIMA at WC.
"Hahahahaha!"
Nagulat kami nang tumawa si Olivia na parang baliw. Nakakatakot sya.
"Oh my, my dear sisters.. Ngayon nyo lang pala nalaman? Ang tatanga nyo naman."
Sasaktan na sana ulit sya ni Anna kaso napigilan sya ni Marie.
"Anna, Calm down. You're not helping"
Lumapit sa amin si Olivia. Ang ganda nya talaga! Magandang baliw.
"Alam nyo bang ako ang nagpautos na patayin lahat ng magulang nyo at palabasin na ang parents ng LIMA ang pumatay? Ganun din sakanila? Funny. Kailangan ko pang gawin 'yon para lang mapa saakin ka Ben. Ngayon nyo lang ba nalaman ang mga ginawa ko? Masaya bang mapaglaruan? Gumagawa gawa pa kayo ng agency, mga tanga!"
Binuksan nya ang cabinet sa lamesa nya at kumuha ng baril.
"Kumuha ako ng mga tao para ipapatay ang mga magulang nyo. Bakit ko ginawa 'yun? Dahil sa pagmamahal ko sayo Ben!"
Tinutok ni Olivia 'yung baril kay Ben.
"Alam mo naman kung sino ang bumangga sa parents ko kaya sila namatay diba?"
"Olivia ibaba mo 'yung baril"
"Tangina, pinatay ng tatay mong alcoholic ang parents ko!"
Habang umiiyak si Olivia ay sinakmal na sya ni Anna at pinatulog.
"Shit! Hindi na sya 'yung kaibigan nating si Olivia"
Lumapit ang WC at kinuha ang baril sa kamay nya.
"She's sick"
"Bro, it's not your fault"
Alam kong sinisisi ni Ben ang sarili nya dahil sa nangyari. Lumapit ako sakanya at niyakap.
"Sana all!"
Tiningnan ko namin ng masama si Dianne. Pink narin yung hair color nya. Bagay sakanya.
May mga umakyat ng pulis at ininterview kaming lahat. Nahuli na pala nila yung mga lalaking pumatay sa mga parents nila at never kumanta na si Olivia ang mastermind. Binayaran siguro ng malaki ni baliw.
Baliw na baliw si gaga. Bakit ba nakakabaliw umibig?
*ting!* 1 message received.
"Girl! Emergency! Punta ka sa Baler! Now na!" -dyosang Jec
Potek! Bakit Dyosang Jec ang pangalan nya dito?
Anong emergency naman 'to?
Tiningnan ako ng mga WC dahil sa worried face ko."Girls, una nako may emergency daw kasi sa bahay eh"
Hindi ko na hinintay yung sagot nila at naglakad na ako paalis. Kapag si Jec ang may problema uunahin ko sya.
"Hatid na kita" Naramdaman ko nanaman yung kamay nya sa siko ko.
"No. Settle things first. Kailangan nyong makipag ugnayan sa mga pulis at makausap ng maayos si Olivia."
Sila lang naman nadehado ni Olivia. Kaya labas ako dito.
"No-"
"Tama si Grimmie Ben, kailangan ang LIMA dito."
Wala na syang nagawa. Kailangan nila ng closure.
"Fine. I'll call you later ok?"
Tinanguan ko lang si Ben then he kissed my forehead.
"Sana all! Tara na baka magising pa ang babaeng baliw!"
"Inggit ka lang hayaan mo darating na si Earl."
Nakita kong namula si Dianne.
Pagkatapos kong mag paalam sakanila umuwi na ako.
Nagulat ako nang nakita ko si Jec sa lapag ng kwarto namin, Umiiyak.
"Grimmie--"
BINABASA MO ANG
Women's Crown ✔️ ( COMPLETED)
General FictionA group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwalag dahil NA IN LOVE KA? No.1 rule ng Women's Crown? "DON'T YOU DARE FALL IN LOVE TO YOUR TARGET" ✔️...